Chapter 6: Jealous

9 3 0
                                    

Pagod kaming dalawa ni bheb ng maka rating sa bahay. Ang rami naming pinuntahan ngayong araw sa Tagaytay. Pero enjoy naman ahihihihi.

"Bheb uwi na ako ahh, by the way ito nga pala ang gift ko sayo" may ibinigay sakin si bheb ng isang black box. "Hahaha sige na bye happy birthday ulit kitakits bukas, good night" paalam ni bheb.

"Nag abala ka pa sa gift ok na yung pinasyal mo ako sa Tagaytay ehh haha pero salamat. Ingat papahatid na lang kita sa driver good night bheb" sabi ko at humalik na sa pisngi nya. Ganon din naman sya.

"Mang Mario pahatid na lang po si Thea sa kanila salamat." Sabi ko.

"Ahh sige po ma'am. Tara na ma'am Thea" magalang na sabi ni Mang Mario. Pinag buksan nya si Thea ng pinto at ako naman ay kumaway na habang paalis na ang kotse.

Pumasok na ako sa loob ng bahay ng di ko na sila makita. Grabe nag enjoy talaga ako ngayon hahahaha.

"Ma'am AD kumain na po ba kayo? Gusto nyo po mag pa handa po ako ng pag kain nyo?" Tanong sakin ng isang maid.

"Ah wag na busog pa naman ako tsaka pagod na ako ehh matutulog na lang ako."
Sabi ko na lang at nag tuloy na sa pag lalakad papuntang hagdan.

"Sige po ma'am" rinig kong sabi pa ng maid.

Nakahiga na ako sa kama at ramdam ko na ang pagod.

*Tugdug* *Tugdug* *Tugdug* *Tugdug*

Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko at ang sikip ng pag hinga ko. Masyado ata akong napagod  sa pag gagala.

Hinayaan ko na muna ang sakit ng dibdib ko baka mawala rin naman. Naligo na ako at nahiga sa kama ko ng matapos kong mag bihis at matuyo ng buhok ko.

*TugDug* *TugDug* *TugDug* *TugDug*

Di ako makatulog dahil sa di ako makahinga ng maayos. Pinag sawalang bahala ko na lang at kinuha ko ang laptop ko na nasa side table lang.

Maka pag online na nga lang mawawala din naman to.

Ang raming nag greet sakin sa Facebook. Mostly mga kaklase ko at mga kaibiga  ko sa GC.

Ang rami rin nag message di ko na binuksan yung iba kasi parehas lang naman yan ehh.

Chat's LoveWhere stories live. Discover now