Chapter 1
The Beginninng*****
"P1,568 pesos.."
Nandito ako ngayon sa bookstore, bumili ako ng latest book edition ng Divergent. Ito kasi yung kinahihiligan ko, ang pagbabasa.
"Ito po.." inabot ko yung two thousand pesos ko sa babae. Yung libro na binili ko ay inilagay sa isang plasticbag at dinikitan ng receipt. Lumabas na ako ng store. Pagsara ko sa pinto biglang sumakit yung dibdib ko.
Ang sakit na matagal ko ng dinadamdam. May nakita akong taxi at pumara. Huminto naman ito, at sumakay na ako. Hindi ko parin inalis yung kamay ko sa pagkakatapat sa masakit na parti ng katawan ko.
"Ohh.. saan ka bata? Ba't ikaw lang mag-isa?" sabi ni manong habang tinitignan niya ko sa salamin. Reflection.
Imbis na sumagot ako, ibinigay ko nalang yung kapirasong papel kung saan nakasulat ang address na tinitirhan ko.
Hindi naman nagtanong ulit si manong at pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi parin ako gumalaw sa kinauupuan ko, sinusubukan kong patahanin ang sakit na nararamdaman ko. Ilang beses rin akong napa buntong hininga at paulit-ulit na 'enhale', 'exhale'. Unti-unti namang naging kalma ang pakiramdam ko.
"Nandito na tayo." hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako. Agad kong inabot ang pera kay manong at lumabas na ng sasakyan habang bitbit ko ang plastic na may lamang libro. Nagpasalamat nalang ako kay manong bago tuluyang umalis.
I saw the gate of my house, its painted red and may dorbell sa dapit kanan nito. It's made of wood of narra. Pumasok na ako sa loob dala ang librong binili ko.
"Oh!! nandito ka na pala!! Kate, tamang-tama may ipakilala ako sayo" sabi ni aunt sakin sabay abot ng kamay niya. Hindi naman ako tumutol kay aunt, sumunod agad ako.
Pag-apak ko palang sa hagdad papasok, may biglang humawak sa kamay ko at kinaladkad ako patungo sa isang puno sa likuran. Bakit hindi man lang ako nag react?? ay! syempre pagod kayang ibuka yung mga nangangawit kong bibig.
"Aray!!!" sigaw nong lalaki, magkasing edad lang siguro kami. Teka??!!
"Teka nga!! ako kaya ang kinaladkad mo ikaw pa ang umaray?"
"Ohh!! tingnan mo??" sabi niya tapos ipinakita niya yung palad niya sa akin. May paso ito, at mukhang presko pa ang pagkakasunog nito.
"And ngayon? Ano na naman ang gagawin ko diyan?" inirap ko lang siya itinaas ko yung isang kilay ko.
"Ano bang meron diyan sa balat mo, at ganito, nasunog ang kamay ko??--" pagrereklamo niya. Hindi ko kaya alam!. At saka!!
"Wait!! ako pa ang may kasalanan niyan eh.. kinaladkad mo kaya ako!!! Pinagloloko mo ba ko ! huh!!" hindi ba to nakaintindi ng sitwasyon?? Nasunog ang palad niya dahil sakin? BALIW!
May sasabihin ata yung lalake, kaso may dumating na isang babae. Nakasuot ito ng isang berding bistida. Makinis yung mukha at maputi ang balat nito. Akakalain mong nakaharap mo ang isang diwatang napadpad dito.
"Oh!! Phillip, bakit mo yun ginawa??" sabi nung babae. Kapatid siguro niya ito.
"ok ka lang ba iha?? Ano bang ginawa ng anak ko sayo?" nanlaki bigla yung mga mata ko sa narinig. Ano ka mo? Anak niya tong lalaking to??
Ang layo kaya sa mukha!! Ang hinhin niyang mag salita then itong anak niya mukhang bakulaw kong makapagsalita.
Ngumiti bigla si, si ,.... Phillip ba yun? sa akin, dahilan para mainis ako.
BINABASA MO ANG
The Lost Legendary Princess
FantasyMay isang babaing taga lupa ang napili ng tadhana bilang Holy Princess. Tadhanang magdadala sa kanya sa isang napakalaking misyon. Ang hanapin ang nawawalang Legendary Princess. Isang prinsesang nawala dahil sa hindi maipaliwanag na digmaan sa mu...