Prologue
*****
"Nakapasok na po sila sa kastilyo!"Sabi ng isang kawal. Nakasuot ito ng isang metal na bagay na nagbibigay proteksyon sa kanya mula sa mga kalaban, at may hawak rin itong espada sa kanang kamay.
"Talagang hindi tayo titigilan ng mga masasamang nilalang na 'yan." sabi ng isang matipunong lalaki na may suot na pulang kapa at may koronang ginto sa ulo nito, habang pinagmamasdan niya ang mga matang nag-aalala na pagmamay-ari ng isang napakagandang babae. Nakasuot ito ng dilaw at makintab na damit at isang maliit na gintong korona na nakalagay sa makintab at malagintong buhok nito. Pawa silang mga hari at reyna.
"Sikapin niyong hindi sila makapasok o makaakyat sa palapag na ito. Harangin niyo lahat ng mga kalaban na magtatangkang pumunta sa palapag na to." Sabi ng hari sa kawal niya. Bakas sa mukha nito ang galit at puot dahil sa pagsalakay sa kanilang malaparaisong lugar.
"Gagawin po namin ang lahat." nagbigay lang ito ng isang maliit na pagyuko na nagpapahiwatig ng respeto.
"Humayo ka na at susunod na lamang ako." maotoridad na sabi ng hari.
Naglakad ang hari papunta sa isang kwarto. Puno ito ng mga armas, may matutulis, mahahaba at meron ding malalaki. Pero ang kinuha lamang ng hari ay isang maliit at makintab na patalim na nakalagay sa isang kahong may kandado.
"Troy, kailangan ko ring kumilos. Dapat ay may gawin rin ako." tugon ng reyna sa hari habang akay-akay ang isang sanggol na natutulog.
"Huwag na mahal--"
"Pero,"
"Kailangan niyo'ng manatili dito upang maging ligtas kayo ng ating mahal na prinsesa. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa inyo." pag-alalang wika ni haring Troy.
Bukod sa sila ang hari't reyna ng kahariang Dordaux, kailangan rin nilang panatilihin ang kaligtasan ng prinsesa na nagtataglay na kakaibang kakayahan. Kakayahang mas hihigit pa sa hari at reyna. Walang limitasyon ang kakayahang ito sa paggamit, at nalaman ang lahat ng ito dahil sa isang libro na bigay ng dating estranghero na si Haring Solomon, ama ni Haring Troy.
Linapitan ni Haring Troy ang reyna at hinawakan nito ang nanginginig na kamay dulot ng takot.
"Fatima," bigkas ni Haring Troy na siya namang pag-iyak ng reyna. Pinunasan niya ito at gumuhit sa mukha nito ang isang mapait na ngiti. Isang ngiting alam niya kung ano ang magiging kahihinatnan niya sa huli.
"Huwag kang mag-alala, babalik ako. Babalikan ko kayo." sabi nito na may bakas na pag-aalala sa mukha at niyakap niya ang mag-ina. Naglabas ng inirhiya si Haring Troy at itinapat ito sa prinsesa.
"Anong ginagawa mo Troy?"
"Shhh... Kung sakaling--"
"H-huwag kang magsalita ng ganyan." hagulhul na sabi ni Reyna Fatima, nang makita niya na nagpakawala ng enerhiya ang hari. Inisip na niya agad na ginawa iyon ng hari bilang pamamaalam niya. Ang enerhiya na pwedeng promotekta sa isang tao lamang mula sa pagkakabahid ng masamang enerhiya o anumang mapanganib at itim na kapangyarihan. Pero ang kapangyarihang ito ay maaari lamang gamitin ng isang beses lamang.
Hinalikan ni Haring Troy si Reyna Fatima sa noo at hinawi niya ang mga luhang dumaloy sa pisngi nito. Hinalikan rin niya ang sanggol sa noo at umilaw ang parting hinalikan.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang hingal na hingal at di mapakaling kawal.
"Mahal na hari! Hindi na po kinaya ng mga guwardya ang pagpasok na mga mangkukulam. Kailangan nyo na pong umalis dito at baka--"
sa mismong palapag. Napasigaw naman sa Reyna Fatima at yumuko kasama ang prinsesa na pilit niyang itinatago upang tumahan sa pag-iyak at protektahan. Si Haring Troy naman ay nagsilbing panangga ng mag-ina.
"urghhhh!!!" ungol ng kawal ng may tumamang isang sibat sa kanya. Agad namang tumakbo si Haring Troy sa kinaruruonan na kawal at inilabas niya ang kanyang patalim. Umilaw ito at isang dilaw na enerhiya ang bumalot rito. Inasinta niya ito sa kalaban at natamaan ito sa noo na siya namang pagsabog nito. Berding dugo agad ang kumalat sa koredor at marami ring mga nasirang dingding.
"Troy!," pagpigil na sigaw ng Reyna ng makita niyang aalis sa silid ang hari.
"Nakita mo ba yung larawan ng kaharian natin!?." pagmamadaling tanong ni Haring Troy sa kanya. Panay tango naman siya at hinahabol ang hininga.
"Kung may mangyari man sakin, huwag kang mag dalawang isip na pumunta sa lagusang iyon."
"Pero, alam naman nating ipinagbawal ang pag punta sa lugar na'yon!!!...Troy!!!"
Magsasalita pa sana siya kaso isinara na ni Haring Troy ang pintuan. Panay hampas at katok at pilit niyang binubuksan ang pinto pero parang may nakaharang na kung ano man mula sa labas.
Mula sa loob, rinig na rinig ang mga pagsabog sa labas na kagagawan ng mga taga realm. Ilang oras rin siyang naghintay at umaasang babalik ang kanyang mahal. Hawak hawak paring niya ang prinsesa na ngayon ay mahimbing ng natutulog.
Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang ginawa ng hari. Hindi sa dahilang paggamit nito na isang kapangyarihan na pwedeng magpapahamak sa kanya, hindi rin ang pag suong niya sa digmaan para lang maligtas sila, kundi nag-alala ito sa kasalukuyang kalusugan na matagal na nilang tinatago sa karamihan. Isang malubhang sakit na kailan man ay nakatakda na ito para sa kanya. At kahit ang mga dalubhasa sa pag gagamot ay hindi siya kayang gamutin.
Binalot ng katahimikan ang silid at si reyna Fatima ay naghihintay parin sa pagbabalik ni haring Troy. Akay-akay parin niya ang prensesang nilalaro ang isang laruang kabayo na gawa sa kahoy. Kahit papaano, naiibsan naman ang kalungkutan nito nang makita ang napakaganda niyang sanggol. Sandali lang at inilagay niya ito sa kabilang silid. Puno ito ng mga laruan, makukulay at nakakabighani. Inilagay muna niya ang sanggol sa crib at lumabas sandali.
"Kamusta ka na, Fatima? Matagal na rin ang panahon na huli tayong nagkita."
Nagulat ang reyna sa biglang pagsalita ng isang babae na nakatayo sa pinto. Nakangisi ng malapad ang kulay itim niyang bibig. Napalibutan din siya ng isang itim na enerhiya na kasing itim ng nagagalit na kalangitan.
"Mukhang may pinamanahan ka. Anong kaya ang kaya niyang gawin?"
"Huwag na huwag mong gagalawin ang anak ko. Dadaan ka muna sakin." nang gigitgit na sabi ni reyna Fatima. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa crib kung saan nakahiga ang pinakamamahal niyang prinsesa.
Nagsilabasan ang itim na enerhiya ng babaing naka itim at bumalot ito ng takot sa reyna. Naging alerto ang reyna sa pangyayare. Kinuha niya ang sanggol at nag tunggo sa larawang kastilyo na tinuro ng kanyang mahal na hari.
Parang tubig na lumusot ang sanggol sa larawan. Hindi naman mapigilan ng reyna ang nagbabagsakang luha mula sa kanyang mga mata.
Sa huling pagkakataon, nasilayan niyang ngumiti ang anak niya.
BINABASA MO ANG
The Lost Legendary Princess
FantasíaMay isang babaing taga lupa ang napili ng tadhana bilang Holy Princess. Tadhanang magdadala sa kanya sa isang napakalaking misyon. Ang hanapin ang nawawalang Legendary Princess. Isang prinsesang nawala dahil sa hindi maipaliwanag na digmaan sa mu...