Chapter 2

15.8K 448 13
                                    

Chapter 2

Kate's POV

Nandito kami ni Hanah sa canteen, break na kasi namin at nag hihintay na naman ng next subject. Isang week narin ang nakaraan ng mangyari yung sa room.

Talagang pinagtawanan nila ako noon at alam nyo ba, pinatawag pa ako sa clinic baka raw may nakain akong hindi maganda at bakit ganun daw ang nangyari sakin.

Yung isa sa mga kaklase ko, binigyan ako ng isang tabletas, nakalimutan ko yung name nun pero sabi niya pwede raw yun sakin kasi yun daw na gamot ay umipekto sa lola niyang may sakit sa pag-iisip. Ginawa pa naman akong may sira! Binatukan ko pa, ayon, siya ang napunta sa clinic.

Buti ngayon hindi na kumalat yung news about me, kung kakalat man lang, tiyak makakatikim sila sakin. Kakainin ko talaga sila ng buhay.

Itong bestfriend ko parang may tupak rin. Nagpatawag pa ng albolaryo. Baka raw may sumanib sakin. Ang oa talaga niya.

"Kate, ito na yung assignment ohh" speaking of her, in so many years nagsalita rin. Inabot niya sakin ang notebook, kaya kinuha ko.

"Best, mag try ka kayang mag study, baka sakaling effective." walang hiya talaga tong si Hannah sumumbat pa.

"Kasi PO Hannah, kahit anong study ko o imemorya ko pa yang mga isinulat mo sa note KO hindi nayan masostore sa utak ko. Alam mo naman PO tong utak KO--" pinutol na niya bago pa ako makadugtong sa speech ko, ang haba pa naman sana ng sasabihin ko.

"Kasi maliit yung UTAK MO! 1 gigabites lang." abay inimphasize pa niya yung utak.

"Hindi nayan bago, best. Kung ako sayo mag-aaral ka nalang para naman kahit kunti man lang tumaas yung grades mo. Pambihira naman ohh, ako nalang gumagawa ng lahat para sayo." sabi ni Hannah habang nagkakamot ng ulo. Humuhugot? At ngayon pa nagrereklamo.

"Pasalamat ka Kate nasa mood ako ngayon, kung hindi, nakakatikim ka na naman ng sermon ng---"

"Ops! Ops! Ops!" pagpipigil ko sa kanya.

"Alam ko, ok? Alam ko. Please... Huwag mo kong isumbong kay mama. Pleasssseee" pagmamakaawa ko kay Hannah. Alam ko kasi kung magagalit tong so Hannah wala yang pinipili, DAMAYIN ANG HINDI DAPAT DAMAYIN. Ganun siya kahit hindi gaanong kalala yung ginawa kong kalokohan, ayon! Sumbong agad!

"Ay! Hannah, may nakalimutan pala ako sa library. Alis muna ako huh!" sabi ko tapos kumaripas na na takbo. Kailangan ko ng tumakas sa sermon ng babaing 'to.

"Umiiwas din ah. Basta ba'y dalian mo huh!" narinig ko pang sigaw ni Hannah.

Tumango na lang ako. Malapit na sana ako sa library nang may nabangga ako.

Ang tanga naman ng nakabangga ko. Ang laki kaya ng hallway. Kahit nga bus magkasya dito. Pwede pa ngang magpatambling tambling dito.

"Dalawa ang mga mata mo pero hindi naman ginagamit. Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo, miss?" sabi nitong nakabangga ko. Ang yabang ah!

Pagtingin ko, Wow! Ang gwapo na sana kaso, umepal ang kasungitan nito. Mag sosorry sana ako kaso inunahan pako ng masungit na'to.

"Ohh ano? Natahimik ka? Nagagwapohan ka noh?" ang yabang ah! Nakalunok ba ito ng electricfan?

"Aba'y ang yabang ahh!! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Ikaw kaya ang paharangharang sa daan ikaw pa ang galit!" napasigaw na ako dun sa mga sinabi ko. Nakakainis eh! Ang yabang yabang pa! Akala mo kung sino. Bakit, sino ba siya sa inaakala niya??

At ito namang mga tsismosa, nakikiusisa rin. At alam nyo, yung mga mata nila, kumikislap at mas maningning pa sa dyamante. Akala mo'y ano ang nakita nila.

"iiiieeeeee ang gwapo talaga niya!"

"Walang kupas ang kagwapohan!!"

"Tsk! Ang yabang naman" bulong ko.

"Baka isa ka sa mga stalker ko." sabi nitong lalaking to.

"Ang yabang mo na, Ang kapal pa!" sigaw kong sabi, tapos itong mga echoserang pangit dito pabulong bulong pang nalalaman, narinig ko naman.

"Stalker daw ni prince Curt?"

"Ang kapal naman niyang sigawan si prince natin!"

"Hindi naman siya bagay maging stalker ni prince Curt."

"Hindi ba niya kilala si prince Curt?"

Prince daw. Che! Wala akong kilalang ganyan. Unggoy ba yan? Samahan pa ng mga tsemosang ito. Tsk. Akala siguro nila ang ganda nila pero sa totoo lang hindi naman talaga. Pangdagdag trouble lang sila sa life ko. Mukha pa lang nila pwede nang pang linis ng inidoro. Mas gugustuhin ko pang makasama si walis tingting kaysa sa kanila. Ang sarap talaga nilang sambunutan!. Anong espesyal sa Curt nato? Eh ang yabang nga niya ehh.

Aalis na sana ako ng nagsalita si Curt.

"Uy miss, miss polka dots?" sabi niya, tapos tumawa. Ano na namang pinagsasabi nito?

Wait? Polka dots ba sabi niya?

Tinignan ko yung pants na sout ko. Ohh my, bukas! Bukas ang zipper ko!!

Tumawa lang yung mga tao sa paligid.

"MANYAK-!" tapos nun umalis na ako. Syempre I closed the zipper. Pinahiya ako ng sungit na'to ah!! Takbo Kate!!!

Ahhhhhhh !! Nakakainis talaga siya. Puro hangin ang sa utak, masungit at higit sa lahat, manyak!

Lahat na lang seguro negative thoughts, itatawag sa kanya. Sayang ang kagwapohan kung iba naman ang ugali.

Pero uminit talaga ang face ko. Feeling ko red velvet ako nung time na yun.


----

Third person's POV

"Anong ibig sabihin nito?" sabi ng isang lalake habang hawak ang isang kwentas na kumikinang. Nagpalinga-linga ito sa paligid na parang may hinahanap.

"Saan siya? Sino rito sa mga taong to ang nakatakda?!"


---

Hi pow! If may mga tanong kayo or may pinagkakalituhan, don't hesitate to comment.

P.S may part update that I will list those who want to be dedicated in my story.

01.31.23

The Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon