Chapter 1

7 0 0
                                    

Marco POV


"Marco wag ka na umalis ng bansa"

"Cielo kailangan kong pumunta ng ibang bansa after natin grumaduate ng High School."

"Bakit kailangan mo pang pumunta sa ibang bansa. Hindi ba masaya dito sa Pilipinas? Ayaw mo na ba sa akin?"

"Cielo, mahal kita alam mo yan. Kailangan ako nila mama dun sa ibang bansa. Babalik din ako. Pangako yan. Ganito pagbalik at pag unang lapag ng paa ko dito sa lupa ng Pilipinas ikaw ang unang una kong pupuntahan. Pagkadating ko pupunta tayo sa kahit saan mong gusto. Lagi kitang susulatan at bibigyan kita ng chocolate sa kada padala ko.Okay na ba yun? Wag ka na magalit."

"Kelan ba ang alis mo?"

"5 days from now"

"Ang bilis naman. Kakasabi mo lang sa akin. 5 days from now na agad."

"Eh kasi naman busy ka lagi. Wala akong makitang free time mo. Ayoko naman sumabay sa mga problema mo sa school. Kaya ngayon sa date natin ko na lang nasabi although ayoko talagang sirain ung araw na ito para sa atin. Pero ito lang talaga yung time. Naalala mo diba bawal secrets sa atin. Dapat lagi tayong open sa isa't isa. Diba yun ung sinet nating rule?

"Haha. Naiiyak na ako. Naaalala mo pa pala yun? Akala ko nakalimutan mo na ung rules. Di kasi mahilig ang boys sa mga ganyan diba?"

"Haha. Tama na ang drama, San mo gusto ngayon?"

"Kahit saan basta may strawberry ice cream."

"Well may dirty ice cream dyan ( sorbetes )"

"Iih ,.. kala ko ba espesyal ang araw na ito? Nilibre mo na ako ng sorbetes kagabi eh. Iba naman."

"Sige hanap tayo. Sa kanto haha."

"Inaasar mo ba ako? Nagbihis pa naman ako ng maayos ngayon. tsk"

"Maganda ka naman ngayon ah."

"Sus nambola ang magaling. HOY ! Baka naman chix lang ang habol mo dun sa America. Sino nga uli yung model na crush mo?"

"Sino si Cara Delivingne? Eh sa isang simpleng tao lang ako kaya di ko makikilala ng personal yun. Alam mo kahit makakita pa ako ng magandang babae na puro naman botox ang mukha eh hindi ako papatol. Isa lang ang gusto kong pakasalan. At ikaw lang yun."

"Talaga? Sus bata pa tayo malayo pa mangyari yun."

"Basta pangako mo sa akin. Sa mga years na wala ako wag kang bibitaw sa akin. Ipinapangako ko talaga na babalik ako kahit anong mangyari. Kahit may iba ka nang mahal babalik pa rin ako. Patunayan ko sa iyo na hinding hindi kita ipagpapalit sa iba."

"Sus. Alam mo walang forever. Paano kung napagod ako kakahintay sa iyo? Paano kung hindi ka na pala darating?"

"Darating ako okay?"

"Sige na nga. Halika na. Nagugutom na ako."

"Sige tara na. Ikaw lang hinihintay ko".

"Eh teka saan mo ba ako dadalin?"

" Arcade na lang tayo tapos karaoke type ko ngayon mamasyal kahit saan basta kasama kita."

"Roadtrip na lang tayo.Punta tayo sa iba ibang park then pahangin saglit. Tapos biyahe na ulit. Ikaw ngayon magdrive mamaya ako naman para hindi ka mapagod habang nagdadrive at namamasyal tayo."

"Sige. So tara na?"

"Game."


Last na ito na makakasama kita Cielo.



Days With You (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon