Chapter 2

7 0 0
                                    

Cielo POV


After nung mga araw na yun. Umalis na papuntang New York si Marco. Nangako sya na lagi nya daw akong susulatan. Sa loob ng dalawang taon lagi nya akong sinusulatan pero nitong makalipas ng 3 buwan ni boses nya wala akong naririnig ng balita tungkol sa kanya.


"Hoy teh. Nanaginip ka nanaman. Hindi na babalik siguro ung marco prince mo alam mo kung bakit? Dahil may iba na sya."

"Wow grabe Rhea salamat sa tulong mo ah."

"Naman. You're welcome."

"Ikaw talaga Rhea. Ang hilig mong sirain ung mukmok moment ni Cielo"

"Eh bakit ba Gina? Gusto mo bang paasahin etong manang mo? Dalawang taon na wala dito sa bansa si Marco at plus hindi mo naman alam kung ano na nangyari kay Marco after 3 months. Nag 18th na etong si Cielo ni anino ni Marco wala."

"Eh baka naman kasi busy."

"Eh kung busy sya edi sana nagpapaalam sya sa iyo Cielo na 'Uy babe busy ako sa work later na lang uli ha." Okaya 'Magbabakasyon muna ako ng 3 months kaya di na muna kita susulatan'. Pero ano wala."

"Wag ka ngang ganyan Rhea kay Cielo."

"Osige bahala ka Gina suportahan mo pa yang kaibigan mo sa katangahan at pagiging bulag nyan sa pag ibig. Hay bahala na nga kayo dyan. May klase pa ako bye."

"Echosera talaga itong si Rhea. Nako Cielo wag mo nang pansinin yun. Baliw lag talaga yun."

"Pero Gina paano kung tama pala ung sinasabi ni Rhea na may iba na si Marco?"

"Wag kang OA wag kang maniwala kay Rhea."

" Pero paano lang diba."

"Hay halika na nga. Kumain na lang tayo ng goto."

Posibleng nakalimutan na ni Marco yung pangako nya. Matagal tagal na rin ung 3 buwan. Sapat na panahon na para kalimutan nya ako.

*Phone Ringss ...

"Si Mama"

"Edi sagutin mo"

*Answer Call

"Hello Nay?"

"Anak..."

"Oh nay bakit ka umiiyak?"

"Eh kasi anak may nangyari. Pwede ka bang umuwi na agad? Diba wala ka namang ng klase."

"Opo sige papunta na po ako dyan."

*Call ends

"Oh bakit ano nangyari?"

"Si Mama.. umiiyak.. uwi na ako,"

"Teka sasabay na ako sa iyo."

Ano kaya nangyari kay mama. Sana naman walang nangyaring masama sa bahay.


"Ay teh bakit ang dilim ng bahay nyo?"

"Ewan ko Gina. Halika samahan mo ko sa loob."

*Knock.. knock

"Nay? Nasaan na ba yung switch ng ilaw."

"SURPRISE!!!"

"Happy 18th Birthday anak!"

"Nay naman eh. Akala ko naman kung ano na nangyari sa iyo."

"Eh anak may gusto na makita ka?"

"Ho? Sino po?"

"Sya."

Panaginip ba ito? Nararamdaman kong lumalabo na yung mata dahil sa luha na namumuo sa mata ko.

"Mar...co.."

"Cielo"

Bumalik na si Marco.

"Kelan ka pa bumalik?"

"Kanina na lang. Happy Birthday Cielo."

Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Ayoko na syang umalis. Di ko na kayang tiisin na hindi ko sya makikita.

"Ang saya ko ngayon."

"Eh kung masaya ka bakit ka umiiyak."

"Ano ka ba haha tears of joy yan"

"Ganon ba haha."

"Nako halika na at kumain na tayong lahat." niyaya na ni mama lahat na kumain

"Wag ka ng umalis uli Marco ah.."

Then he smiled.

Eversince nung surprise birthday ko. Lagi na ako hinahatid at sinasamahan ni Marco. Pinapasyal nya ako kahit saan. 3 taon na rin mula nung dumating sya dito.


"Nako kayong lovebirds. Di ko tlaga akalin na babalik ka pa Marco. Di ko akalain na babalikan mo pa itong si Cielo. Mukhang may forever na sa inyong dalawa. Yiieee."

"Rhea tama na yan nahihiya na si Marco sa mga pinagsasabi nyo."

"Ay nga pala Marco wala pa bang balak magpakasal ni Cielo? Aba'y mahigit ilang taon na rin kayo magkasama ng bruha dapat lang na magpakasal na kayo. Antayin mo pa bang tumanda yan at mag mukhang matandang dalaga na."

"Hoy ano ba kayong dalawa. Tama na ah. Sobra na kayo. Hindi kailangan magmadali."

"Sus. Ano tatanda na lang kayong dalawa na mag girlfriend at boyfriend? wala ng balak magpakasal"

Gusto ko naman magpakasal kaya lang syempre ayokong maging desperada kaya inaantay ko na si Marco ang mismong magsabi. May tiwala naman ako sa kanya.

"Darating din tayo dyan diba Babe?"

"Yup. Di natin kailangan mag madali"

Nilambing ko na lang sya para hindi nya masyado damdamin yung sinabi nila. Pinasyal na lang nya ako sa amusement park. Binilhan ng cotton candy. Parang bata lang. Pumasok kami sa Night Horror. Favorite namin ni Marco toh. Minsan nagtatakutan pa kami dito sa loob ng tunnel.

"Oh ano Marco alam na yung plano ah"

"Teka Cielo ayoko talagang tumuloy."

"Bakit naman?"

"Natatakot ako eh"

"Huh? Eh diba favorite mo toh?"

"Ah eh kasi.. nagkaroon ako ng trauma sa mga horror horror tunnel sa America."

"Ah ganon ba. Sige saan mo na lang gusto?"

"Snow World na lang tayo."

Bakit ganun may trauma sya sa horror tunnel. Dati naman favorite nya ang horror. Pag tumatambay nga ako sa bahay nya lagi horror pinapanood namin. Mejo malaki na rin ang pinagbago nya. Naninigarilyo na sya. Dati hindi naman sya ganun, Pag manamit sya tipong lalaking paastig na mayabang sa movie pero mabait pa rin sya. Pero ibang iba talaga sya noon .

Days With You (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon