An Angel's Diary

170 3 3
                                    

A/N: Heto na naman po ako, humuhiling ng reads, votes at comments mula sa inyo. Sana magustuhan niyo ang istoryang ito.

ANGEL'S POV: 

"Lunch time na. Magsilayas na kayo, sige!" pagdidismissed sa amin ng subject teacher namin before lunch since nag-ring na ang bell. 

Nagkaguluhan ang lahat palabas. Walang lumabas ng classroom ng walang kasamang best friend o kabarkada nila. Walang nag-lunch ng mag-isa maliban...sa akin. 

Kinuha ko ang lunch box ko at nagpunta sa waiting shed. Umupo at nagsimulang kumain. 

My name is Angelia Serenity Cortes. 15 years old. 3rd year High School dito sa Private School naming Holy Cross University. 1st section.  

Hindi naman sa walang namamansin sa akin. Wala lang talagang natirang isang tao sa school na walang best friend. Kaya natira ako mag-isa. 

"Hi, Angel." bati ng kaklase kong sina Heizel at Keren. 

Ngumiti ako at nag-wave. "Yhi." Bati ko habang may laman ang bunganga. 

Tumawa sila at nagba-bye na. 

Ang hobby ko ay ang maging mag-isa, makipag-usap sa sarili pero...maraming nagsasabing napakabait ko raw.

"O, dismissed. Magsialisan na kayo." dismissed ng teacher namin nang 3-4 pm. 

Ang mga walang buhay kani-kanina lang ay biglang naging wild at nagsilayasan. Wala kang maririnig na hindi nag-uusap tungkol sa pagpunta sa isang cafe, mag-computer bago umuwi, mag-shopping, mag-hang out. 

Wala....maliban sa akin. 

Lumabas ako ng classroom at lumabas ng gate namin.  

"Bye, Angel!" ba-bye sa akin ng mga kaklase kong sina Josef at Luise. 

I smiled and waved back. "Bye. Ingat kayo." 

"Kaw rin." sagot nila at nagsimula nang umalis habang nagtatatawanan.

Napabuntong hininga ako and felt lonely dahil ako na naman ang mag-isang naglalakad pauwi pamamagitan ng route na ito. 

Same...Same...Same-- 

Napahinto ako at napatingin sa kaliwa ko. 

"House of Magic" sabi ng karatula ng isang botique na ngayon ko lang nakita. 

I hesitantly went inside at may isang babaeng maputi, may brown na buhok na nakalugay at isang napaka-sweet na ngiti ang nag-greet sa akin. 

Tumingin ako sa paligid. Puno ang tindahan ng iba't ibang notebooks, books, ballpens, erasers, pencils, memo pads, note pads, high lighters, pentel pens, at...diaries. 

Biglang gumalaw mag-isa ang kamay ko at inabot ang isang diary na parang notebook na mayroon sigurong mga 100 pages.  

"Magaling kang pumili. You are our first customer kaya may discount ka. Kumuha ka ng tatlong diary sa sampung yan. Each one of them has its own key. Ibibigay namin ng Php 100 for you." 

"P-Pero..." Kulang pera ko. ^^" 

Ngumiti siya. "Ok, sige, kuha ka na lang muna at ibigay mo nalang ang kulang bukas." parang nabasa niya ang utak ko. 

"Ayos lang po talaga?" 

Tumango siya. "Oo naman." 

Kumuha ako ng isang kulay blue, pink and green. Binigay niya sa akin ang mga keys. Kung anong kulay ng diary, yun din ang kulay ng key nito. 

"May libre ding ballpens." natatawang sabi niya at tatlo ring kulay. Magkakakulay ang mga ito. 

Nagbigay muna ako ng 50.  

Ngumiti siya sa akin. "Pagpalain ka sana, Angel. Mag-ingat ka lagi. Mahahanap mo rin ang hinahanap mo." ito ang sinabi niya nang paalis na ako ng botique niya.

Umuwi ako sa bahay...mali, kulungan pala. 

"Bakit ngayon ka lang?" galit na tanong ni Papa. 

"May binili muna po kasi ako." mahina kong sagot. 

"Naglakwatsa ka noh! Sinong kasama mo?!" sigaw niya. 

Napaatras ako. "H-Hindi po." 

His hand made contact with my cheek with a hard slap. "Ikaw bata ka!" 

"Bernardo!" saway ni Mama at pinigilan ang kamay ni Papa. 

Pinilit kong ngumiti. "Nakauwi na po ako." greet ko at umakyat ng kwarto. 

I sighed and opened the blue diary I just bought. Kinuha ko ang key nito at binuksan ang lock nito. I took the blue pen at nagsimulang nagsulat. 

Dear Diary, 

First time ko itong gumamit ng diary. Hehe 

Heto na naman ako, umiiyak...Ayoko na...Ayoko kay Papa. Bakit kasi siya pa ang naging kapalit ni Daddy eh. 

Bakit kasi siya pa ang naging stepfather ko... 

Sana...Sana...Sana makahanap na ako ng kaligayahan ko. 

Sana makakilala na ako ng isang taong mamahalin ako, bilang ako at hindi sa pangalan ng pamilya namin. 

Sana...Sana...

I stopped writing and silently cried all night.

NEXT DAY...

Dumaan ulit ako sa same route para magbayad ng kulang ko sa diaries but...it was gone. Bakante na ulit ang lote. Wala na ang House of Magic Botique. 

I gulped and thought about it while going to school. 

"Good morning, Angel." bati ng mga kaklase kong sina Kyla, Roia, Ezra. 

I smiled. "Good morning." 

Nagsihabulan na sila papunta sa room namin. 

I sighed and continued walking. 

Ano yun? Ba't biglang nawala yung botique? Bakit napakabait nung may-ari? Bakit binigay niya sa akin yung mga diaries? At bakit parang pakiramdam ko may kakaiba? Bakit kaya-- 

"Oomph!" gasp ko nang nabangga ako sa isang...medyo matigas na bagay. 

"Will you please look on where you are going?" galit na paalala sa akin ng isang panlalaking boses. 

"S-Sorry." sagot ko and raised my head. Wow. Blue eyes. Mga 5'9 siguro siya, medyo maputi, at...gwapo? 

Wow. bago ang term na iyon sa akin. 

"What?" he asked, irritated. 

I smiled. "S-Sorry ulit ha. Hindi na mauulit." 

"You're weird." comment niya. 

Tumawa lang ako. "I get that a lot." 

He raised an eyebrow. "Ikaw lang ang taong tumatawa pa rin kahit anong kalamigan ko." 

I smiled. "It's because...I've experienced worse than stern words..." mumble ko. 

I looked on his year plate. "You're also a Junior?" tanong ko. 

"Obviously. Well, I gotta go. I just hope I don't see you again." paalam niya. 

I laughed. "See you later din."

Honestly, I hope I can see him again. For the first time of my life, I smiled from the bottom of my heart. 

I'll definitely write this on the blue diary.  

Sa diary kong hulog ng langit.

A/N: Sana po nagustuhan niyo. Thanks po.  

Sana po mag-comment, vote kayo.

An Angel's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon