Kaya ko pa
Kaya ko pang maging masaya...
Bakit nga ba lumbay ang nadarama
sa tuwing gigising sa umaga?
Pagpasok sa skwela,
pagsakay sa jeep at pagsigaw ng para
Ano itong nadarama na hindi mailagan?
Bumabato ng Katanungan, Kamalasan
Galit? Poot? Sakit? Kirot?
Kaya ko pa
Kaya ko pang igalaw ang mga paa
Maglakbay mag-isa
Kumantang walang gitara
Mangapa sa dilim at mabilad sa araw
dahil
Kaya ko pa
Kaya ko pang higupin ang nakakapaso at umaapaw na sabaw
ng kalungkutan
sa tuwing kinakalimutan ng mga kaibigan
na inakalang makakasama mo hanggang kailan...
Kaya ko pa
Kaya ko pang mangarap na isang araw ay makakamit din ang ulap
Lumutang sa alapaap
Matikman ang sarap
ng buhay ng hindi mahirap
Kahit ito'y hindi matutupad
Kahit pa hanggang pangarap lamang
Ako'y lilipad
Kahit na babagsak sa bangin
Tatangayin ng hangin
Ipagpapatuloy ko pa din
ipagpapatuloy kong kayanin.
Kaya ko pa
Kaya ko pang pilitin ang sariiling ngumiti
Magpinta ng pula sa labi
Na kahit mag-isa ako sa isang tabi
Hindi ako magmumukhang tanga o kawawa
Kundi ordinaryong tao na nagpapalipas lamang ng oras.
Kaya ko pa
Kaya ko pang pagsisihan
Mga oras na sinayang
Ang mga taong pinakawalan
Ang mga panahong puno pa ng pag-asa
Ang inakalang hinding-hindi mawawala
Ang mga nagmahal na binalewala
Dahil prinsipe ang hinanap ng mata
isang pagkakamali na huli na nang mapuna
Sapagkat hindi (pala) ako prinsesa
Walang prinsipe ang magdadala sa akin sa palasyo niya...
kaya ko pa...
Kaya ko pa...
Kaya ko pang kayanin
Ang dibdib ay punuin ng hangin
Tibay ng loob ay maspalakasin
Tibay ng loob ay buhayin
dahil kaya ko pa
Kaya ko pang bumawi
sa mga pagkakamali
sa mali noon na ugali
Kaya ko pang iwaksi
Ang pangungulila sa mga dating kasama
Lahat ng nakilala'y may sariling buhay...
Kaya ko din
Kaya ko ding maging ako
at totoong tao
mabuhay para sa sarili
tama na ang parating pagpabor sa ibang tao
na sa paglipas ng araw ay KAKILALA NA LAMANG
o Kilala noon, NAKILALA lamang
O pamilyar na mukha, hindi na matandaan kung SINO, SAAN, KAILAN
Kaya ko pa
Kaya ko din palang kumalimot
wag puro ako ang nililimot
at laging nakakaramdam ng kirot at kurot sa dibdib
Kaya ko pa...
KAYA KO PA. <3
BINABASA MO ANG
KAYA KO PA
PoetryTagalog Spoken Word Poetry. Nasanay ka sa mga kaibigan mo, isang araw Tila kinalimutan ka nila Pero hindi Naging abala na lamang sila sa kanilang pag-aaral tapos trabaho Ang mga nanligaw noon sayo Hindi ka handang magkanobyo kaya inayawan mo sila ng...