entry 2

212 3 0
                                    

[CHAPTER 2]

CURIOSITY KILLS THE CAT

Dumaan siya sa harap ng bahay naming. He’s wearing blue pants tapos white polo. May backpack na napakalaki as if he’s going into hiking or something. Nakablack shoes, white socks, neat ang buhok at may I.D. Obviously, he’s a student.

A high school student.

Nakita ko siyang nanggaling dun sa bahay na malaki. Dun sa bahay na sinasabi kong bago sa aking paningin. Wow. Ang lalim nun ahh. Hahaha.

Well, just by the looks of him, mukha siyang 13-15 years old. Yung height niya siguro, mga nasa 5’0” or so. Mas matangkad ako sa kanya ng 3 inches siguro. Dark colored yung skin nyatapos di masyadong kagwapuhan. He’s more of a grade conscious guy.

Napatingin ako sa kanya, kasi ngayon ko lang sya nakita. Naalala ko tuloy yung mga pinsan ko. Kasing-edad niya siguro yung mga yun. Namiss ko tuloy sila. :’(

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginusto kong malaman yung name nung kid-next-door nay un. Para kasing magkakasundo kami nung bata na yun. Pero, mukha siyang suplado. Tapos ang bilis pa maglakad. Parang hinahabol ng sampung demonyo sa kabayo. Haha.

With just a matter of seconds, nakalabas na siya ng eskinita naming. Oh diba, he’s that fast. May lahi sigurong kabayo. Joke lang! Wala naming taong may lahing kabayo eh. Ampanget naman nun. Di ko maimagine. 0.0

Hmm.. Anong year na kaya siya? Tsaka san siya nag-aaral? Iba kasi yung uniform niya dun sa karamihan ng highschool students na nag-aaral sa San Joaquin-Kalawaan High(eto yung high school na pinakamalapit samin). Hmm.. san nga kaya?. Think. Think. Think.

Teka.

Bakit nga ba ako nabobother dun sa bata na  yun? He’s just a boy-next-door noh?

Ano ba yan Jham? Kung ano ano iniisip mo dyan. Maglinis ka na lang ng bahay mo at baka mapagalitan ka na naman ng nanay at tatay mo.

Pagkatapos ko maglinis ng bahay, lumabas ako para bumili ng ulam at andaming bumati sakin.

“Uy, kamusta? Bakit bigla kang nawala?”

“Tumaba ka ah.”

“Long time, no see ah. San ka nagpunta?”

“Grabe umitim ka.”

Hay. Yan yung mga comment ng mga kakilala ko na ngayon lang ulit ako nakita. Sinabihan pa kong tumaba at umitim. Di na lang sabihing pumanget ako. Tanggap ko naman eh. >:l

Honestly, pumanget talaga ako nung umuwi akong Cavite. Pinimples kasi ako dun. Siguro sa tubig kasi poso ang gamit dun eh. Although, nag-iba ako ng hairstyle, naglagay kasi ako ng bangs eh, pumanget talaga ako. Umitim pa ako at tumaba. Imagine me naman diba? Panget talaga.

Pero daming nagsasabing ang cute ko daw sa hairstyle ko. Hmp! As if namang di ko alam na nambobola lang sila. Pero, sorry, wala akong barya eh. Bleh :P haha.

Binilisan ko ang lakad ko kasi baka may Makita pa akong di kanais-nais na nilalang. Isang halimaw na nagkatawang tao para manakit ng babae. Guess who? Edi sino pa ba? Edi yung ex kong sira ulo. Isa siya sa dahilan kung bakit ko rin ginustong tumira sa Cavite.

Para makalimot.

Sobrang sakit kasi ng ginawa sakin nun. Isipin mo, 3 beses niya akong niloko and at the third time, sa bakla pa ako pinagpalit. Oh diba? Ang saklap.

The worst part is nasampal pa ako ng bakla niyang jowa sa pagaakalang kami pa. Ang kapal nga eh. Pero dahil mabait ako, di na ako gumanti. Kakarmahin din yan. Bwahahaha.

Inlove with a 14-year-oldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon