[CHAPTER 6]
ITS HARD TO DECIDE
Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ko kasi pumayag akong magpaligaw kay Eros. Pero, hayaan mo na. Nasabi ko na eh. Sumige na ako kay Eros. Baka naman pag binawi ko pa sabihin nung taong yun wala akong isang salita.
Pero, yun nga lang ba talaga ang dahilan ko? Ayaw ko lang ba talagang masira yung reputasyon ko sa taong yun o dahil gusto ko talagang magpaligaw sa kanya?
Wwaaaahhhh...
Naguguluhan ako.. >__<
Sana. . Sana hindi ako nagkamali sa desisyon ko. Sana tama yung ginawa ko. Kasi kung ano man ang mangyari, wala akong ibang pwedeng sisihin kundi sarili ko kasi nagpadalos-dalos ako ng desisyon.
So yun, nililigawan na nga ako ni kutong-lupa. Madalas na nga yun sa bahay namin pag wala siyang pasok eh. Tapos lagi kaming magkatext.
One time nga, nabadtrip ako sa kanya sa sobrang kapreskuhan niya eh. Pero, inadvice-an ako ni fella at naisip kong tama naman siya.
*flashback*
Gabi yun. Bilog ang buwan. Wala kang ibang maririnig kundi ang hampas ng hangin at alulong ng aso.
At biglang...
May dumaang babaeng nakaputi. Duguan at..
Hey! Cut the crap. Hindi po to horror Ms. Author kaya pwede bang pakitigil mo na yang kalokohan mo. Im suppose to tell my flashback here.
Oh well, sorry sa interruption. Sabi ko sa inyo, paenchin yang author nito eh.. haha
Okay. Back to the flashback..
Magkatext kami ni Eros nun. Tapos nagulat ako dun sa tinext niya.
Bkt d k p kc umamin? .y.eros 9:34pm
Na ano? Ako 9:35pm
N my gus2 k dn skin. Sbhn mo d n kta pphrapn pa. Tau n agd. .y.eros 9:37pm
Tae! Ang kapal din ng apog nito eh noh. Ako pa yung di niya papahirapan? Pambihira. Ako ba yung nanliligaw at di niya daw ako papahirapan? Nakakabadtrip ang kapreskuhan nito ah. -_-
Dahil sa kabadtripan ng gm ako sa clan ko na badtrip ako. Andaming nagtanong kung bakit ako badtrip at isa na dun sa mga nagtanong na yun si fella.
Bkt fella? .fella. 9:47pm
Bd3p kc un mnlilgaw qng 14yrs. Old eh. Ako 9:48pm
Hala fella child abuse k. Pmyg kng mnligw sau un? Hahaha. .fella 9:50pm
Oh diba? Sabi sa inyo, ganyan na sa panahon ngayon. Child abuse agad? Grabe aman >.<
Child abuse agad2? Ako 9:51pm
Ou. Bkt b nbd3p ka? .fella 9:53pm
Kc ang presko nia. Ako. 9:54pm
Tapos finorward ko yung txt nung Eros sa kanya.
Oh dba? Ang presko nia? Ako. 9:57pm
Hahaha. Hayaan mo n fella. Mlay mo xa na pla tlga. Fella. 9:59pm
*end of flashback*
Hindi ko na nireplyan si fella nun kasi di ko magets yung sinabi niya, I mean, yung tinext niya. What does she mean when she said na malay mo siya na pala talaga? Baliw talaga to si fella. Kung anu-ano sinasabi.
Pero pano kung siya na nga talaga? Pano kung siya yung lalaking magpapasaya sa kin until the rest of my life? Pano kung siya nga yung makatuluyan ko?
Tama si fella. May point siya dun sa sinabi niya. Kahit na mas matanda ako kay Eros, hindi imposibleng makatuluyan ko yung tao na yun. And besides, totoong lalaki naman siya at ako naman totoong babae. So anong masama?
Well, pinagiisipan ko talagang maigi kung sasagutin ko sya. First time kong gawin to ah. Yung mag-isip kung sasagutin ko ang isang tao o hindi. Dati kasi, basta niligawan ako, sasagutin ko. Hindi naman sa pagiging malandi pero ayoko kasing makasakit ng feeling. Alam niyo yun?
Pero aaminin ko, timer ako! Hahaha! 2 timer. Hahaha. Kaya nga pag may lalaking nanakit sakin, iniisip kong karma ko yun eh. Pero hindi. Hindi naman din kasi seryoso yung mga nakakarelasyon ko. Kaya yun, hindi na rin ako magseseryoso. Hahah. Bad ba? I think so.
Think Jham think!!!
Mag meenie meenie maini mo kaya ako?
No! No! No! Tao yung pinaguusapan dito, hindi test paper sa algebra. Pasensya na, naimpluwensyahan lang. Ganyan kasi ginagawa ni fella pati ni Shane sa mga test namin lalo sa algebra at any math-related! Haha. Joke!
Pero, kidding aside,andami ko kasing tanong sa utak ko kaya di ako makapag-isip ng maayos. Something like “pano kung lokohin niya din ako?” or “pano kung hindi ako maging Masaya sa kanya?” or “pano kung trip lang to lahat?”. It’s really hard to decide on something like this pala.
Pero sa tingin ko naman, si Eros yung tipo ng taong dapat sineseryoso. Sa tingin ko lang ha. Impression ko sa kanya yan eh. Tingin ko naman seryoso sya sa mga pinagsasasabi niya sakin so why am I bothered?
Pero pano naman yung puso ko? Hindi ko pa nga maintindihan kung anong nararamdaman ko para sa lalaki na yun eh.
Mr. Heart? huy Mr. Heart!! Inlove na ba ko kay Eros?
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Haixt. Bakit ba kasi hindi nagsasalita yung puso. Tibok lang sya ng tibok. Tsaka bakit ko nga ba kinakausap yung puso ko? Alam ko namang hindi ako sasagutin nito. I guess I’ll just have to figure it out.
Teka. Anong date na ba ngayon? Nawawala na sa isip ko yung date. I’ll check the calendar.
Hhhmmmmm.
July 4, 20**
Akwatro pala ngayon. Ambilis ng panahon. Grabe.
Wala akong ginawa dito kundi mag-isip about dun. Kung sasagutin ko ba sya o hindi. Kahit nga naghuhugas ako ng pinggan, yun pa din yung iniisip ko. Syempre, kailangan kong magdecide agad kasi ayoko namang magpaasa ng tao. Mamaya, umaasa pala yun na sasagutin ko siya tapos di ko pala siya sinagot, nadepress, nagpakamatay. Oh diba? Hahaha. Kahit OA yan, may possibility pa din na mangyari yun diba?
Ayoko na mag-isip. Nakakapagod. Di ba siya napapagod? Kanina pa kasi siya tumatakbo sa utak ko eh. Hahah. Boom!
Seriously, ayoko na talaga mag-isip. Nakakabaliw na talaga. Baka mamaya, marinig niyo na kong sumisigaw ng Basilio at Crispin sa sobrang pagkabaliw ko dito.
Bahala na.
Bahala na si Batman.
I have come up with a decision na sana hindi ko pagsisihan in the future.
Tonight. . .
Sasagutin ko siya.
BINABASA MO ANG
Inlove with a 14-year-old
Short Storyit is a real-life story between two teenagers. dito niyo mababasa yung awkwardness ng relationship nila because of the certain fact na mas matanda ng 5 years yung girl sa boy. hope you enjoy reading it!