entry 3

176 3 0
                                    

[CHAPTER 3]

T.G.I.S

Saturday morning.

May pasok si Dad. Si Mama naman sumama dun sa lingap sa barangay. Volunteer siya. Volunteer kunyari. Heheh. Kasi naman required ata yun sa work nya. Kaya eto ako, ang dakilang panganay, naiwan sa dalawa kong kapatid. Para namang ang babata pa ng mga kapatid ko para bantayan eh noh? =_= Di bale, papahirapan ko na lang sila. Hahah. Bad ate!!!

As usual, naglinis na naman ako ng bahay para di masakit sa mata. Masakit kasi sa mata pag andaming kalat diba? Pagkatapos, I turn on the TV and watch.

Tapos..

Pumasok siya..

Hindi. Joke lang. Pumasok agad? Agad agad? Di pa nga kami close eh. Hahaha.

Umupo lang siya dun sa may tapat ng pinto namin tapos nakinood ng TV. Tss. May TV naman sila tas dito pa nakinood. -___-

Hinayaan ko na lang kahit medyo bothered ako sa presence niya. Ano kayang trip nito? Ano kayang meron tong tao na to at nabobother niya ko with just his very presence? Stop thinking of it pwede ba?

Biglang may nagtext sakin. Isang quote. Galing sa isang kaibigan ko.

Di mo mahahanap ang TAMANG tao para sayo..

Hangga’t di mo iniiwan ang MALING tao na pinipilit mong maging TAMA para sayo. Jerry 10:54am

Tama. Tama nga naman.

Naalala ko yung ex kong halimaw. Yung kinuwento ko sa chapter 1 na pinagpalit ako sa bakla. Narealize ko, kaya paulit ulit nya kong nagawang saktan kasi pinipilit ko syang maging right guy for me kahit hindi naman. But, Ive finally woke up after 500x na pagkauntog ko sa pader. Hahaha.natauhan na ko.

Mga lalaki kasi ang hirap pagkatiwalaan, mga manloloko kasi. Hindi ko naman nilalahat. Karamihan lang. Mahirap na rin kasing humanap ng lalaking matino ngayon eh. Bihira na lang. At karamihan dun, imagination mo lang. Kung hindi naman, baka guni-guni diba? Para kang naghahanap ng isang karayom sa isang tumpok, ay hindi, sa limang tumpok ng dayami.

Sigh.

“Haay. Mga lalaki talaga, mga manloloko.”

“Hindi kaya. Mga babae kaya yun.”

0___0

Hala.

Hala. May sumagot. I said it to myself but I really don’t expect my conscience to answer in a way na parang may kumakausap nga sakin. But I don’t think it’s my conscience. They are not capable of answering questions,right? They are just capable of making us guilty as far as I know.

Kung hindi sya konsensya ko, hindi kaya multo?

0_0

No, I shouldn’t consider ghosts. Di din kaya sila nakakapagsalita.

Kung di multo, sino?

Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Ay!!!

Siya pala.

Nakalimutan kong nandito pala siya sa may pintuan namen. Nakalimutan ko sa sobrang kakaisip sa ex ko. Badtrip naman yun. Narinig niya kong nagsasalita mag-isa. Baka isipin nito nababaliw na ko.

But when I tried to look at him, nakangiti siya saken. Tae, ang cute nya magsmile. Parang ganito oh ---> ^_^

Tiningnan ko lang sya, pati yung ngiti nya. Tapos tsaka ako ngumiti dahil sa thought na di pala sya suplado. Sumasagot lang ng bigla bigla. Hahah.

“Hindi ah. Kayong mga lalaki yun kasi di kayo marunong makuntento, kailangan laging may reserba.”

“Oi, hindi ah. Kayong mga babae nga nangiiwan eh. Pangako ng pangako hindi naman tinutupad.”

Inlove with a 14-year-oldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon