P3 - Greatest Win

6.2K 166 1
                                    

CELINE's POV

Game day today against La Salle, and syempre kalaban si Jema. 2 araw na rin simula nung nag usap kami ni Deann, busy kami parehas sa training.

"Pst! Celine! Baka mamaya wala ka sa laro mo nakasimangot ka na naman." tawag sakin ni Buding Duremdes, kanina pa kasi akong naiinis!

Hindi man lang tumawag si Deanna, nagtext pero tumawag? Hindi, tsk.

Aaminin kong mali ako dahil nakakapraning naman talaga, ngayon lang nangyari na nagselos ako ng ganito.

Ang ganda kaya ni Jem, makinis, maputi, mayaman! Nag aalala lang ako syempre baka makuha siya sakin ni Deann, ayoko naman nun..

"Hoy! Anong meron dun sa Galanza? Ang sama ng tingin mo bakla!" sigaw naman sakin ni Kyle

"Tsk may gusto kay Deann yan, eh nagseselos ako."

"Woww nagseselos ka!? Himala! Sa dinami daming nagkakagusto kay Deanna, diyan ka natriggered ah" sumingit naman tong si heather

"Oo na oo na, ganda kasi niyang si Galanza. Tingnan nalang sa court kung sino talagang mas magaling."

"Ay nako, nakalaro ko yan palarong pambansa teh! Tingnan mo nalang mamaya."

"Wapakels! May mas experience ako sakanya noh"

Magsisimula na yung game, kami na ngayon yung nasa gilid kasi time naman nila.

Napatingin ako sa paligid nung magsigawan yung mga fans, bigla silang naging wild!

"Celine!" lumingon ako sa pwesto na may tumawag sakin.

"D-deanna?"

ANG GWAPO NI DEANNA!! NAKASHADES SIYA TAPOS SHIRT AND JEANS! JUSKO ANG LAKING BLESSING!!!

"Ang P-papi.."

"Hoy bakla! Kilig na kilig ka diyan!! Hahaha buding si Celine oh, maiihi na sa kilig! Aba ang papi ba naman daw ng jowa niya!?"

"HAHAHAHA! Celine kadiri ka! Lapitan mona! Magwawala na yung fans niyo!"

Lumapit ako kay Deanna kaya naman saamin na naman ang tutok ng camera hahaha

"Hug?" kaya naman niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit

"I missed you babe." naluluha kong sabi, totoong namiss ko talaga si Deanna as in iba pa wala siya

"Goodluck and I love you, my Celine."

Niyakap ko siya nang mahigpit lalo bago bumalik sa team mates ko, panay ang tukso syempre.

Hinanap ng paningin ko si Jem at nakita ko siyang nakatulala, sakto naman siyang tumingin sakin nang seryoso

Ngumiti ako sakanya para asarin siya, bigla naman siyang umupo sa bench.

Tingnan nalang natin kung sinong magwawagi!

JEMA's POV

"Badtrip!" sigaw ko sa sarili ko, oo na!

Nasaktan ako!!!! Nakakainis, bakit ba ang rupok ko!? Nafall ba agad ako!? Hays!

Oo na, ang sakit.. oo na, hinihiling ko na sakin niya gawin yun.. oo na, sana hindi ko nalang nakita!

hindi ko namalayan na natutok na pala yung camera sakin, kita yung pumatak yung luha ko!

omg! baka maissue pa ako! buti nalang inaayusan ako ng benda sa paa.

My Only SetterWhere stories live. Discover now