P16 - That Night

6.4K 151 17
                                    

DEANNA's POV

Ilang araw ang lumipas..

At ilang araw na rin akong nawawala, pakiramdam ko hindi na ako parte ng mundo magmula nung gabing yon..

Nung gabing yon na bigla bigla ka nalang umalis.. nung gabing bigla mo nalang akong iniwang mag isa..

Sabi mo, dalawa tayo? Bakit mag isa nalang ako ngayon? Bakit wala ka nandito?

*TOK TOK TOK*

Madalas akong nasa kwarto, ayoko kumain, lumabas, umimik.. ayoko ng may maramdaman pa..

Gusto ko lang na matagtag na yung lahat ng sakit!!!

"D-deans.." pumasok sina Bei, Mads, Pongs..

Maski sila ay hindi ko rin kinausap, maski sila ay nagawa kong talikuran..

"Check up mo today sa psychiatrist mo..." nanghihinang sabi ni Mads sakin.

Hahaha ano pa nga ba? Eto na naman ako sa maraming araw na may kakausap saking hindi ko naman kilala at kung ano anong tatanungin sa nararamdaman ko na kahit kelan naman ay hindi niya maiintindihan

Hindi ko nalang namamalayan na tumutulo na naman yung mga luha ko, hahaha eto na naman eh, naalala ko na naman ang gabing yon

Ang gabi kung saan ka bigla biglang nawala, yung gabi na lahat sakin nagbago..


PONGGAY's POV

Simula nung gabing yon, nagbago ang lahat kay Deans.. walang imik, palaging umiiyak, at ayaw makipag usap.

Kailangan pa namin siyang iremind na pumunta sa psychiatrist niya, ayaw niya kasing pumupunta don

Paulit ulit niyang sinasabi na wala naman daw makakaintindi sakanya kaya hindi na niya kailangang magpunta pa.

Pero hindi namin hinahayaan yun, kami mismo ang nagrefer sakanya sa psychiatrist.. dahil baka makaligtas pa siya sa nararamdaman niya..

Ang totoo lang ay ngayon ang kita namin sakanya na medyo maayos ang kalagayan niya, pero hindi ang nararamdaman niya..

Nung mga nagdaang araw kasi ay puro kalat sa kwarto niya, at yun yung pictures nila ni Jem.

"T-that n-n-night.. I w-want to f-forget t-that night.." umuutal utal niyang sagot, sobra na naman ang iyak niya.. sobra na naman siyang umiiyak.

Hindi ko mapigilan na mapaluha, hindi ko mapigilan na maawa sa kaibigan ko, sa nararanasan niya ngayon..

Hindi naman ako galit sayo Jem.. naiintindihan kong may dahilan ka pero.. sana hindi mo siya iniwan nang ganon ganon lang..

"P-please be okay deans.. we m-miss you.." pati sila mads at bei ay hindi mapigilan ang mga luha nila.

Kinuha niya ang picture ni Jem..

"B-b-bakit bigla mo nalang akong i-iniwan? B-bakit b-bigla ka n-nalang umalis.. ang sabi ko ay babalik ako.. pero iniwan mo na agad ako.." patuloy kaming nakikinig sakanya, dahil alam kong yun ang kailangan niya..

"K-kung alam k-ko lang na ang pagtalikod ko sayo nung g-gabing yon ay m-magiging g-ganito.. sana h-hindi ko nalang ginawa.. dahil sobrang s-s-sakit.. nakakam-manhid.."

"P-please b-be okay.. we love you deans, palagi kaming n-nandito.."

"T-that night k-killed me.. it killed me..."

My Only SetterWhere stories live. Discover now