P4 - She Fell

6.2K 159 0
                                    

CELINE's POV

"Anla ka Ced! Kita ka sa camera bat mo ba naman dinamn you damn you yung si Galanza!" singit ni Kyle habang papunta kami sa dug out.

"Arghhh! Nakakainis!!! Maiissue na naman ako nito!"

"Talaga lang bakla! Pusta ko eh maraming fans club kagad yon, ang lakas ba naman partida injured!?"

"Tigilan mo nga yan! Nandun pa naman si deanna pano na ako!?"

Hindi ko naman namalayan na naiiyak na pala ako, grabe ba :(( Naiiyak talaga ako, bukod sa talo ang galing pa ni Jema :(

"Vaklang toh! Magtiwala ka kasi kay Deanna, hindi ka naman ipagpapalit non!"

Habang naglalakad kami padugout, nakasalubong ko si Tots, my ex..

Oo ex ko si Tots, 2 years rin kami niyan pero ayun.. nagsawa ako.

"Hey, Celine. Okay lang yun." lumapit siya sakin, at saka ako niyakap.

Dun na bumuhos yung luha ko, ang bigat kasi sa pakiramdam.

"Tots huhu ginawa ko naman lahat talo pa rin! :("

"Sadyang ganun, may nananalo at may natatalo. Bawi ka sa sunod Ced ha?"

"C-celine?"

"Deanna.."

DEANNA's POV

Nang matapos ang laro, agad kong plano na puntahan si Celine. Pusta ko ay umiiyak yon, kailangang kailangan niya ako

"Deanna Wong!! Papicture!!" yon lang, habang papunta ako sa dug out pinagkaguluhan ako ng mga fans

Ngumiti lang ako nang ngumiti, kahit gusto ko na talaga umalis kasi alam ko kailangan ako ni Celine

"Deanna! Dito naman!"

"Wong wacky naman!"

"Group pic dali!"

"Oh kami namang dalawa muna!"

Yan ang naririnig ko sa mga fans, ang dami na talaga nila at baka magtampo pa sakin si Celine!

"Ay teka lang guys, kailangan kasi ako ni Celine.. Pedeng next time nalang ulit?"

"Mga Ma'am excuse me ho, dadaan si Ms. Deanna."

"Excuse me ho." Tinulungan naman ako ng mga guards nang makita nilang kailangang kailangan ko na talaga.

Pagkarating ko sa dug out, I saw her...

Hugging her ex, Tots Carlos..

"C-celine.." kasabay ng pagkasabi ko ay ang pagpatak ng luha ko..

"Deanna..."

Aalis na sana ako pero hinila niya yung kamay ko

"Magpapaliwanag ako. Deanna please..."

"Hindi na, Celine. Okay na ako sa nakita ko" pinipilit kong ayusin ang tono ko pero trinatraydor ako ng boses ko..

"Kailangan lang kita nun, Deanna pero nasaan ka? Kailangan ko ng masasandalan pero siya lang yung dumating"

"Pumunta naman ako diba? Nandito na naman ako, bakit siya pa rin ang hinahanap mo?"

My Only SetterWhere stories live. Discover now