Ikalimang Tagpo

26 1 0
                                    

Tumingin ako sa reflection ko sa salamin. Pagkatapos ay bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung pangilang buntong-hininga ko na iyon. Kanina pa kasi ako naiinis.

Saturday na ngayon at araw ng paggawa namin ng project. Prepared na ako. Nakasuot ng ripped jeans, tapos ay loose gray shirt na nakatupi sa magkabilang manggas. Ayos na ito. Gagawa lang naman ng bahay. Di ko na kailangang sundin pa ang sinabi ni Aubrey.

"Ang tagal! Naiinip na ako dito!" kasi naman, hanggang ngayon wala pa rin si Zaki. Akala ko ba susunduin nya ako? Sabi yun nila Aubrey eh. Baka naman kinalimutan na ako nun at dumiretso na kanila Brenda? Harujosko. Subukan nya lang at magkakasubukan talaga kami.

Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Lumapit ako doon at binuksan iyon. Tumambad sa paningin ko si Nanay.

"Anak, may naghihintay sayo sa baba." Nginitian ko sya at tumingin ulit ako sa salamin.  Gusto ko lang. Para malaman ko kung maayos at presentable akong tingnan. Hindi naman ako ganito noon, pero kasi ibang tao na ang mga nakalasalamuha ko ngayon. Kailangan kong makibagay.

Si Zaki na yan, panigurado! Kasi kung hindi sya, patay na kami kay Aubrey. 8:30 pa naman ang sabi nun. Eh, 8:17 na! 

"Sige po, Ma. Lalabas na ako." sumabay na ako kay mama sa pagbaba ng hagdan namin na may walong hakbang lang. Tama na yan para masabing second floor. Pagdating sa baba, nakita ko ang isang lalaking medyo may katandaan na at napaka-formal pa ng suot.

Bumulong si  mama sakin.

"Anak, manliligaw mo ba yan? Yan ba ang sinasabi mong gwapo? Hala, mas gwapo pa Papa mo dyan." Baliw talaga. Sinabi nang biro lang iyon eh! At saka mukha bang papayag akong magpaligaw diyan?

"Ma naman. Kung anu-ano pinagsasasabi. Di ko nga po yan kilala." nagkamot ako ng batok at tiningnan ko ang relo ko. Patay ka talaga sakin mamaya! Makikita mo Zaki! Magkikita din tayo! Asan na ba ang damuhong yun?! Grrr.

"Eh, ba't ka hinahanap nyan?" tanong ulit ni mama.

"Aba, malay ko po. Ang layo nyan sa standards ko." pabulong kong sagot kay mama. Tumawa naman sya ng mahina. Oh well. Whatever. Kung anu-anong naiisip ni mama. Tsk.

"Mawalang galang na. Ikaw ba si Ms. Ahira Meirr?" sabay kaming lumingon ni mama dun sa lalaki. Nakatayo na sya at nakatingin sakin.

Tumango ako.. "Ako nga ho. Bakit?" nakakunot-noo kong tanong. Sino  ba to? At alampa ang pangalan ko.

"Inutusan lang po ako para sunduin ka. Nakalimutan ka raw kasing sunduin ni Sir Zaki." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi dahil namangha ako na  utusan lang sya nila Zaki. Nanlaki ang mata ko sa galit sa walangyang Zaki na yun! Na talagang kinalimutan lang ako, matapos akong magmadaling mag-ayos at naghintay pa ako ng isa't kalahating oras sakanya! Naku nakuuu!

Huminga ako nang malalim.

"Ano.. hindi po pala ako si Ahira. Joke lang yung kanina. Kapatid ko po yun. At umalis  na po sya kanina  pa." sabi ko.

"Pero, sabi kanina ng mama mo pupuntahan ka daw nya sa kwarto mo at baka nagbibihis ka pa."

"Hindi nga po ako yun. Ang kulit naman. Maaari na po kayong umalis."

Tumango sya at nag-bow samin saka naglakad palabas ng bahay.

"Ba't mo naman pinaalis yung tao? Nagsinungaling ka pa."

"Magcocommute nalang po ako." nakatanggap ako ng palo sa pwet galing kay mama.

"Buang ka rin minsan. May sumundo na sana sayo, magcocommute ka pa. Maggagasta ka pa ng pera. Naku bata ka.." napakamot na lang ako ng ulo. Oo nga no? Ang dami ko pa kaseng arte. Hanubayan.

"Sino  nga pala yung Zaki na nagsugo dun sa driver na yun para sunduin ka?" dagdag ni mama.

"Asungot po." kukurutin na sana ako ni mama pero nakaiwas ako.. "Teka ma! Teka! Kaklase ko po yun. Kasama naming gagawa ng project."

"Sigurado ka bang project lang ang gagawin nyo?.. Gwapo ba yun?"

"Ma, kung ano man po ang pumapasok sa isip nyo, tigilan nyo na. Wala akong panahon sa ganyan. Sus." eto naman si Gwapo ng gwapo. >< Oo na. Gwapo na. Ayieee. Shems. Patawarin nawa ako. Nagkakasala na naman ako. Pft.

"Sige na. Sige na. Sumabay ka na dun sa driver na sumundo sayo. Naku mukhang mayaman yung Zaki 'nak ha. Sigurado gwapo yun!" nag-ikot ako ng mata. Mama talaga.

"Ang panget panget po nung Zaki. Monggoloid yun." tumawa ako ng bahagya. Sumunod ako kay kuyang driver dahil nakalabas na rin sya ng gate namin.

"Kuya! Ahe. Ako po si Ahira. Hehehe. Akala ko po kasi kidnaper kayo kaya di agad ako nagpakilala." ngumiti ako ng malawak. Yung abot tenga. Syempre jinojoke ko lang si kuya. Huehue~

"Ineng naman. Di ko magagawa iyon sa isang dalagang napakaganda at mala-dyosa na tulad mo." pinagbuksan nya ako ng pinto sa backseat at pumasok naman ako. Saka nya sinara ang pinto at dumiretso sa driver's seat.

"Kuya naman, sa lahat ng pwede mong ikumpara sakin, pang-engkanto pa ang napili mo." tumawa kami parehas.

Tahimik na kami buong byahe ni kuya. Anla. Bored na ako. Ang layo pala ng bahay ng magpinsan na yun. Tsk.

Habang nasa byahe, naisipan kong magtanong kay kuya.

"Ahhh. Kuya, anong oras umalis ng bahay nyo si Zaki?" tumingin sya sakin sa salamin at ngumiti. Hindi naman yung tipong nakakadiri. Tama lang.

"Sa totoo lang iha, di pa umaalis ng bahay iyon."

Nanglaki ang mga mata ko pati butas ng ilong ko. Wtf. Arrrrrghhh!!

---
(to be continued...)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girl In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon