Classmate namin.
Classmate namin
Classmate namin
CLASSMATE!
"Hey ok kalang?"
"Huh? Ok naman ako ah?"
Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Parky pabalik sa room namin."Eh? Ok ka ba talaga? Why are you murmuring? Para kang bumubulong ng bad spells jan"
"Taba ng utak mo Parky"
"It's Park Min Ji. Pasensya na hindi ako naka pag kilala sayo ng tama"
"It's ok teka nga muna. Bat hindi mo sinabi na classmate pala natin yung Huening Kai na yun?" Tanong ko rito. Tinignan niya lang ako tapos bigla siyang ngumiti ng malapad at tumataas taas pa kilay niya. Seriously?
"Crush mo no?"
"Nah. Mas bagay sila nung student council president" sabi ko sakanya.
"Napansin mo rin yun? Omaygad! babe parehas tayo ng ship!" Sabi niya.
"Ang kyut kyut lang nila! Tapos pag naisip ko na mag kikita sila at magkalapitan Kyaaaaah!" Sigaw ko.
"Tumahimik nga kayong dalawa jan mga panget!" Sabi nung clown na babae. Hindi ko namalayan nasa classroom na pala kami.
Nakita ko rin yung si Huening Kai nasa gitnang bahagi siya ng room. Umupo nako sa seat ko.
"Hayaan mo na sila Parky" sabi ko sa katabi ko na malapit ng sumabog.
"Hindi! Dapat lumaban tayo!" Sabi niya na akmang magsasalita. Hinila ko siya tapos pinaupo sa upuan niya.
"Chill ok? Ayokong ma detention sa first day ko. Save it next time" sabi ko sakanya tapos pinaupo siya ng maayos sa upoan niya.
"Tsk"
Maya maya bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang prof namin. Napag alaman kong P.E teacher pala namin si ma'am. Agad niya kaming pinabihis tapos pumunta na kami sa Gym. Hindi ko sinasadyang lumingon kay Huening Kai. Naramdaman ata niyang nakatingin ako kaya lumingon siya saakin. Mag e-smile sana ako kaso nag focus na ulit siya sa pag e-stretching.
Great sino ba naman ang gustong makipag kaibigan sa matabang panget tulad ko maliban kay Parky?
Nag stretching na rin ako.
Ang game na lalaruin namin ang volleyball. Boys versus girls. Sasali na sana ako kaso agad akong tineknikal foul ni maam.
"Ms. Ano pong violations ko?" Lito kong tanong.
"Tinulak mo si Ms. Jung several times. Nakita ng dalawa kong mata. Kay bago bago mo Ms. Silva bully kana! Kaya teknikal foul ka! Hindi ka makakalaro"
Galit na sabi ni maam. Ano bang ginawa ko?Tinignan ko ang katabi ko at naka smirk na siya sakin. Kaya pala tumabi ito sakin at bigla bigla nalang nadadapa akala ko pa naman tatanga lang to.
Wala akong magawa. Umupo nalang ako sa may bench. Sayang din tong outfit ko. Pero okay narin to. Hindi naman ako marunong mag volleyball eh. Atsyaka mas mabuti pang manuod iwas injuries.
Going smooth ang laban. Tho lamang ang boys pero okay lang nakakahabol din naman ang mga girls.
Nag spike si Huening Kai. Grabe ang galing niya lang. Sinunod ng mga mata ko kung saan patungo ang bola.
Go! Parky kaya mo yan! Block him!
E blo-block na sana ni MinJi nung itulak siya nung clown na babaeng yun. Tumilapon si MinJi mapupunta siya sa may bakal!
BINABASA MO ANG
WDBIFY?
FanfictionIsang kang transferee sa sikat na paaralan sa Seoul South Korea. Bago lang kayo nag migrate galing Pinas. Ito na ang pinaka hihintay mong pag kakataon. Ang maka attend sa concert ng BTS , makita sa malapitan si Jungkook na iyong Ultimate Bias At m...