"FAYE! NA MISS KITAAAA" sigaw ni Parky nung nakita ko siya sa may hallway papuntang classroom.
"Grabe isang araw nga lang tayo hindi nagkita eh"
"Basta na miss kita. Tara na sabay na tayong pumasok"
Papasok na kami sa elevator nung pina alis ako ng mga tao dun. Hindi nila ako pinasakay dahil mabigat daw. Hindi daw kaya ng elevator ang timbang ko.
Ayaw naman mag pa iwan ni Parky kaya no choice kami. Sa hagdanan kami dumaan.
"Doon ka nalang sana sa elevator Parky"
"Nah, ayoko sa mga tao dun"
Nung pa akyat na kami sa floor namin. Nakita ko si kuyang nasa bus station. Yung may dala-dalang gitara kahapon.
Tinignan ko siya ng maigi. Hindi niya ata ako napapansin. Hanggang sa nilampasan na namin siya.
"Grabe namang tingin yan Faye. Baka matunaw si Beomgyu niyan" sabi niya.
"Beomgyu?"
"Oo yung lalaking may dalang gitara. Member yan siya ng banda sa Music club. Guitarist at sub vocal. Maraming fangirls yan kaya mag ingat ka"
"Owkie"
"Bat ganun ang titig mo kanina?"
"Ahhh kahapon kasi habang nag hahanap ako ng trabaho nakita ko siya sa bus stop."
"Nag hahanap ka ng trabaho? Akala ko ba nag papahinga ka"
"Nope can't do that"
"Ikaw talaga ang tigas tigas ng ulo mo. Kasing tigas ng bilbil mo. O siya bilisan natin baka ma la-late tayo" sabi niya tapos kumaripas na kami sa pag takbo.
Pagdating namin sa room. Sakto at nag bell. Umupo na kami sa pwesto namin at nag hintay sa prof namin.
———-
"Grabe talaga yang math! Nako nako pakiramdam ko nawalan ako ng utak jusko" Reklamo nitong si Parky.
Nandito kami ngayon sa caf kumakain ng lunch namin.
"Siya nga pala ayieeee kinikilig ako sa darating na roleplay natin!"
"Hayst wag mo nang e pa aalala please"
"Nag bibiro kaba? Bilang lang ang makaka team si Huening Kai sa play no at ang swerte mo girl magka team kayo! It means makakasama mo siya ng matagal habang nag pra-practice kayo!" Kinikilig na hirit ni Parky.
"Basta ayaw ko sa role ko" sino ba namang gustong maging alagang baboy ang character sa play huh?
Si Huening Kai ang farmer tapos ako ang baboy. Putek na mga classmates to. Tapos isa pa tong si Parky hindi nakaka tulong.
"So kailan kayo mag pra-practice?"
"Bukas"
"Yieeee manonood ako! Ay by the way Faye samahan moko sa library pagkatapos natin kumain may e sasauli lang akong libro"
"Sige"
"At Faye Alam mo naba ang balita?"
"Ano naman?"
"Mamaya yung thrilling part ng kdrama ni Jungkook!" Sabi niya.
Speaking of Kdrama ni Jungkook. Hanggang ngayon hindi ko parin napapanood yung mga episodes nun. Simula one hanggang ngayon. Putek kasi ng connection eh. Siguro Mamaya manonood nko.
"KYAAAA! sige papanoorin ko yan!"
Sabi ko tapos pinagpatuloy lang namin ang pag kain.Nung na tapos na kami. Pumunta kaming library ni Parky para e sa uli yung book. Habang busy siya dun sa desk ng librarian ako naman ito nag lilibot-libot. Nag hahanap ako ng book na mababasa.
BINABASA MO ANG
WDBIFY?
FanfictionIsang kang transferee sa sikat na paaralan sa Seoul South Korea. Bago lang kayo nag migrate galing Pinas. Ito na ang pinaka hihintay mong pag kakataon. Ang maka attend sa concert ng BTS , makita sa malapitan si Jungkook na iyong Ultimate Bias At m...