"Tito, mag se-seventeen napo ako ngayong year. Ayaw ko naman pong maging pabigat sa inyo kaya ngayon mag hahanap po ako ng trabaho. Total wala naman po akong pasok ngayon" sabi ko kay tito na kasalukuyang nanonood ng Kdrama sa TV.
"Sigurado kaba? Mag pahinga ka kaya ngayon? D ba wala kang pasok dahil sa nangyari kahapon tapos ngayon mag hahanap ka ng trabaho?"
"Sigurado po ako. Na bo-bored narin po kasi ako rito." Sabi ko at nag puppy eyes pa kay Tito.
"O siya, ito oh" abot niya sakin ng bus card at pera. "Gamitin mo yan. Mag iingat ka"
"Sige po bye!"
Umalis nako sa apartment namin. Papunta nakong bus station para mag antay ng masasakyang bus. Nung maka rating ako doon. Napansin ko tong si gwapong kuya na may dalang gitara.
Manghaharana siguro,
O kaya mangangarolling?
Uso pala yun dito kahit hindi pa pasko?
Bigla siyang tumingin saakin kaya napa iwas ako ng tingin. Nung dumating na ang isang bus, sumakay na siya doon. Ako naman naiwan para sa bus na sasakyan ko.
Nung dumating na ang bus ko, agad akong sumakay tapos nag bayad nko. Wala na kong mauupuan. Kaya nasa gitna nalang ako naka tayo.
"Excuse me po, pwede po ba maki upo?" Tanong ko dun sa lalaking nka tayo. Nag babakasakali na maging gentle man.
Hindi niya ako pinansin.
Tumigil ang bus at may sumakay na maganda At sexyng babae. Biglang tumayo yung mga kalalakihan at inoffer agad ang kanilang mga upuan. Kasama na dun si kuya na tinanungan ko. Umupo na ang babae tapos tumayo nalang si kuya sa harapan ko. Ang sarap niya bigwasan. Porket mataba ako ganun ganun nalang ang pag trato nila sakin?
*BEEEEP
*SHRRREIKKARAY!
Bwesit na manong to bigla biglang nag be-break! Tumilapon tuloy ako sa unahan.
Tinry kong tumayo kaso hindi ako makatayo dahil nasira heels ko. Putek!
Tinignan ko ang mga tao sa bus. Nag babakasakaling may tutulong sakin. Pero wala."Miss tumayo kana jan may pasaherong sasakay oh! Naka harang ka" sabi ni manong driver.
Narinig kong sumangayon ang iba.
"Hehe sorry po" pilit akong tumayo At pilit kong nilalabanan ang luha saking mga mata gamit ang mga ngiti saking labi.
"Dito nalang po ako" sabi ko kay manong nung naka tayo nako. Nung huminto na ang bus agad akong lumabas. Umupo ako sa bench na nasa bus station. Doon bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Tinignan ko ang heels ko. Tsk! Soda na talaga. Pano ako makaka kuha ng trabaho nito? Hinawakan ko paa ko.
"Aray" Tsk sakit ha. Hindi ng paa kundi ng puso ko.
"Ito oh gamitin mo" narinig kong sabi ng isang lalaki. Tinignan ko siya at nagulat ako. Aside sa gwapo siya, ang mukha niya ay Korean pero marunong siyang mag TAGALOG!
"M-marunong ka—" ngumiti siya.
"Ito gamitin mo!" Hinawakan niya ang kamay ko at dun nilagay ang panyo niya."E pahid mo sa luha mo. At Oo marunong akong mag tagalog" sabi niya sabay ngiti saakin.
Kinuha ko yun at pinahid sa mga mata ko.
"Bat ka pala nandito?"
"Nag hahanap ako ng trabaho. Kaso nasira ang heels ko. Sira na outfit ko. Wala ng tatanggap sakin"
BINABASA MO ANG
WDBIFY?
FanfictionIsang kang transferee sa sikat na paaralan sa Seoul South Korea. Bago lang kayo nag migrate galing Pinas. Ito na ang pinaka hihintay mong pag kakataon. Ang maka attend sa concert ng BTS , makita sa malapitan si Jungkook na iyong Ultimate Bias At m...