Pwede pa ba?

5 0 0
                                    


Sapat na ba ang salitang
"Mahal kita"
Para bumalik ka sa akin
Alam kong huli na ako
Pero pwede pa ba
Mahal kasi sa tuwing kasama
Ko siya ikaw yung naiisip ko
Na kung paano,kung sana
Ikaw na lang yung nasa tabi ko
Kung ano kaya ang gagawin
Mo kapag ikaw ang kasama ko
Oo na ako na ang tanga
Desperada sa atensiyon mo
Na dati kong binabalewala
Pwede pa ba tayong bumalik sa umpisa
Alam kong tapos na ang kwento
Nating dalawa pero
Pwede ba tayong sumulat muli
Yung tipong wala ng pagkakamali
pwede paba
Tanga na kung tanga
Mahal Kasi Kita
Nangangako ako na sa pagkakataong ito
Ipaglalaban na kita
Alam kong may mahal ka ng iba
Pero pwede pa ba?
Nagkaroon na tayo ng titulo noon
Bakit hindi na Lang natin
lagyan ngayon?
Yung tipong Wala ng hangganan
San pagkakataong ito
Yung tayong dalawa na lang sa Mundo
Yung Wala tayong pakikinggan
Kundi ang puso natin pareho
Dahil ikaw at ako
Baka pwede natin ibalik ang
Dating tayo

Hugot Spoke PoetryWhere stories live. Discover now