Tayo Ba?

42 1 0
                                    


  Tayo Ba?
Tanong na laging tumatakbo sa aking isipan
Tanong na ang tanging sagot ay wala naman
Hindi ko masisigurado kung ano nga ba tayo
Pero pinanghahawakan ko ay ang mga pangako mo
Tapos na ba?Tapos na ba ang laro sa pagitan nating dalawa
Oo na talo na ako at panalo ka
Sabi mo mahal mo ako at mahal din kita
Pero lagging namamagitan ang tanong kung tayo ba?
Pinusta ko ang puso kahit ang meron lang ay ikaw at ako
Kaya kung masaya kana sige na malaya kana
Tinatapos ko na kung ano mangnamamagitan sa ating dalawa
Kahit wala naman talaga
Nagpapakatanga sa tanong kung tayo ba?
Kahit alam kong wala naman talaga
Kaya sa tanong na tayo ba?
Wag ipagsasapalaran ang puso
Kung ang tanging meron lang
Ay ang mga pangako.  

Hugot Spoke PoetryWhere stories live. Discover now