KAIBIGAN

51 7 0
                                    

Naka tayo si crytal sa isang garden gabi na ngunit mag-isa lamang siya, meron siyang nakikitang babae. Babae na palaging naka masid sa kanya, sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito, pero hindi niya maaninag ang mukha ng babae dahil natatakpan ng itim na itim, magulo at mahabang niyang buhok. Bigla siyang hinawakan ng babae sa braso at bigla na lamang sila napunta sa ibang lugar, ibang lugar kung saan basang basa na silang dalawa, sa swimming pool. Bigla na lamang siyang hinila pababa dahilan upang mawalan siya ng hangi at nakainom ng madaming tubig sa swimming pool.
Napa balikwas si crystal at pawis na pawis, napanaginipan nanaman niya ang panaginip na iyon. Halos gabi gabi na lang niya itong napapanaginipan, kung kaya't malaking palaisipan sa kanya kung sino ang babaeng yon. 3 o' clock nang madaling araw at hindi na siya makatulog muli, kung kayat kumuha siya ng tubig sa ref na nasa kusina.

Pero paki ramdam niya ay tila ba mayroong naka tingin ng masama sa kanya, pakiramdam niya ay meron siyang ibang kasama sa bahay niya. Binalewala niya ito, inisip na lamang niya na baka epekto lamang ng masama niyang panaginip.

Bumalik siya sa pag kakahiga sa kama nya, maya maya ay hindi siya makahinga tila ba may dumadagan sa kanyang dibdib. Napa pikit siya sa nararamdaman niya, sa muli niyang pag dilat ay laking gulat niya nang makita ang babaeng palaging nasa panaginip niya na baka dagan sa kanya habang sakal sakal siya.

At tila ngmamakaawa si crystal sa kanyang isipan "tama na hindi ako makahinga" yan ang iniisip ni crystal sa mga oras ba iyon. Tila sumagot ang babaeng naka dagan sa kanya sa kanyang isipan "tama lamang sayo iyo yan dahil mamamatay ka!!" Rinig ni crystal mula sa isipan nya ang galit na galit na boses ng babae.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, wala akong pinapatay!" Sa isipan padin ni crystal sila ng uusap ng babae

"20 years ago, meron kang kaibigan na naging mabait sayo, walong taon kayo pareho, lahat nang meron ako hinahatian kita crystal, ngunit anong ginawa mo pinatay mo lang ako dahil sa inggit mo sakin. Wala kang kuwentang kaibigan crystal."

"Melissa. ... patawarin mom ako" pag mamakaawa ni crystal ngunit huli ba ang lahat dahil malapit ma siyang malagutan nang hininga. Huling narinig niya.....

"Oras na crystal para sunduin kita, ikaw ang pumatay sa akin tinulak mo ako sa swimming pool kahit na alam mong hindi ako marunong lumangoy. Ngayon ikaw naman ang papatayin ko.!!!"

Midnight Horror STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon