Limang mag babarkada ang ng planong mg bakasyon sa probinsya. Lahat sila dayo lamang sa probinsya, ng check in sila sa isang hotel kumuha sila ng family room para lahat sila sama sama sa iisang room. Napag kasunduan nila na mg lagi sa probinsya ng limang araw. Meron rules ang hotel, bawal silang pumunta sa 6th floor huling palapag ng hotel. Kung bakit...? walang nakakaalam..
"Nakakapagod ang byahe" sabi ni Pia
"Napagod din ako, pero enjoy. " segunda naman ni Roy
"Napansin ko lang, bakit parang ang lungkot dito sa hotel na ito, parang tayo lang ata ang guest nila?" Puna ni Ashley
"Oo nga tsaka bakit bawal kaya pumunta sa 6th floor?" Tanong naman ni Bryan
"Ang weird...." puna ni May
"Meron pala ako naiwan sa kotse, babalikan ko lang." Paalam ni Pia
" samahan ka namin?" Tanong ni May
"Hindi na mag pahinga na kayo, alam ko naman na pagod din kayo hintayin nyo nalang ako. Sandali lang ako." Sabi ni Pia
"Sige bilisan mo at mg hahapunan na tayo" paalala ni Bryan
Pag balik ni Pia ay ng desisyon na silang pumunta sa restaurant para kumain ng hapunan. Nasa 5th floor ang restaurant ng hotel. Pag tapos nila kumain ay nauna nang pumunta si May sa room nila, ang iba ay nag muni muni muna sa garden ng hotel.
Maya maya ay nag pasya na silang punta sa kwarto napagod silang lahat kaya't madali silang nakatulog.
Kinabukasan ng umaga ay napansin nilang wala si May.
"Nasaan si May?" Tanong ni Ashley
"Baka naman nauna na sa restaurant. " sabi ni Roy
Ngpunta sila sa restaurant ngunit hindi nila nakita doon si May, namasyal silang apat kahit wala si May, meron kasing ugali si May na gusto niya mag isa lang siya, ayaw niya ng may kasama.
Habang namamasyal sila ay nagka hiwa-hiwalay sila sa hindi inaasahan. Ang magkasama na lamang ngayon ay si Pia at si Roy. Inisip na lamang nila na baka nauna na si Ashley at Bryan sa hotel, kaya bumalik na lamang sila doon.
Nakatanggap naman ng text message si Pia mula kay Ashley na nauna silang umuwi ng manila ni Bryan dahil meron silang emergency. Tinatawagan ni Pia si Ashley upang kumustahin pero hindi siya nito sinasagot.
Nang maka dating na sila sa hotel wala pa din si May. Kaya medjo kinabahan na si Pia.
"Nasaan na kaya si May? Nag aalala na ako sa kanya, baka napano na yun." Pag aalala ni Pia
"Baka naman hindi pa siya tapos mamasyal" sagot naman ni Roy
"Dinner time na pero wala pa din siya." Sabi ni Pia
"Baka kumain na rin yun sa kung nasaan siya. Mabuti pa kumain na din tayo nagugutom na din ako." Pag aaya ni Roy
Ng punta na sila sa 5th floor para kumain ng hapunan, sarap na sarap sila sa pagkain sa hotel na yon, kilala din ang hotel na iyon dahil sa mga putahe nilang napakasarap.
Sa pag higop ni Pia ng soup ay meron something sa bibig niya, tinignan niya iyon at isang hikaw ang nakita niya.
Nagtataka siya bakit nag kakaroon ng hikaw ang kinakain niya. Tinignan niya mabuti ang hikaw at na realize niyang kay May iyon, dahil siya mismo ang ng regalo nito kay May. Iba na ang naiisip ni Pia at Roy kaya kaagad silang bumalik sa kwarto nila. Pag ka dating sa kwarto ay tinatawagan niya ang number ni May.
Ngunit naririnig ni Pia ang ringtone ni May, bigla na lamang may lumabas sa pinto ng CR na talong lalakeng naka takip ang mga mukha.
"Eto ba ang tinatawagan mo?" Tanong ng isang lalake
"Sino kayo?, bakit nasa inyo ang cellphone ng kaibigan namin? Ano ginawa nyo kay May" Tanong ni Pia
"Kinain nyo na ang mga kaibigan nyo, masarap ba sila? Ang tatakaw nyo, buti na lamang at malaman ang tatlo ba yun kaya pati kami nakakain." sabi ng isang lalake
Masukasuka naman ang dalawa, c Pia ay umiiyak na at si Roy naman ay susuntukin na nya sana ang lalake ngunit hinampas na sya ng baseball bat basag ang bungo ni Roy. Si Pia naman ay hindi na alam ang gagawin.
"Isunod mo yang babae at dalhin na sila sa 6th floor, para mailuto na at may makain ang mga bagong parating." Sabi ng isang lalake
Naramdaman na lamang niyang may matigas na bagay ang tumama sa ulo niya at unti unti na siyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Midnight Horror STORIES
HororHorror, Brutal, Crime, Suspense and Ghost short stories.