chapter 2

410 10 0
                                    

VERA POV

Noong bata pa ako lagi kong iniisip na magmamahal ako ng isang prinsepeng magagawa akong gawing prinsesa, yung mamahalin ako ng buo at ibibigay sakin ang lahat ng naisin ko, pero nakakatawa masakit isipin na kapag tumatanda ka at nagkakaedad na ay nagiging mas tanga ka na.

My thoughts about becoming a princess ay hindi mawala-wala at parating nasa isip ko at sa sobrang pagnanais ko na  makahanap ng sariling prinsepe, ay naging mas mapaghangad pa ako, I even search everywhere for him.

Pero nung mahanap ko ay doon ako sinampal ng katotohanan that not every man can give you everything.

Mabibigay mo puso mo at maaaring parehong pagmamahal ang isusukli sa'yo,

maari mo ding ibigay ang oras at katawan mo sa taong yun at ito naman ay magagawa rin ibigay sayo ang walang kapantay na saya na maiibigay mo sakaniya, pero yung akala mong buo mong makukuha ay di pala, ang akala mong hanggang sa huli ay sa una lang pala.

And how pathetic it is kung malaman mo sa huli na he can't make you his queen because someone is already sitting with him in his throne.

May reyna na ito sa buhay nito and you are just a lady that he loves from a far and a lady that he kept hidden from his real world.

Now here I am, isang prinsesa noon pero ngayon handang maging bruha makasama lang ang haring minamahal ko ng lubos.

I can serve myself as a forbidden fruit basta wag niya lang ako iwan.

I am willing to cry a river, I am willing to watch him treat his queen like a jewel.

But never ask me to leave him.

Ganon ako kadesperada, nagmumukha na akong baliw sa kakahintay sa oras, na sana ang dali ng pagtakbo non para naman pagbukas ko ng pinto ay nandon na siya at nakangiting hinihintay ako.

Pero iba pa rin, akala ko masahol na ako sa bruha,  gabi gabi alam ko namang hindi ko siya pag-aari pero masakit isipin na hindi ko siya magawang angkinin ng buo, 'di ko siya magawang ipagmalaki bilang taong minamahal ko.

Ni hindi ko magawang tumigil sa kakaisip kung paano nga ba? Paano kung sa huli maisip din nitong iwan ako, na baka dumating ang araw na magsawa at kakalimutan na ako nito?

Na tuluyan nga nitong ginawa.

Ganito kasakit ang magmahal ng taong hindi dapat mahalin, ganito kasakit ang gumawa ng kasalanang alam mong bawat oras ay mahalaga dahil baka dumating ang araw makita mo na lang ang sarili mong naitapon na pala palayo dahil wala kanang kwenta.

Ginagawa ko naman ang lahat, just to make him love me, just to make him choose me and just to make him stay pero mahirap gawin yun. 

Ang hirap maghintay sa wala, ang tagal tagal ko ng naghintay pero wala eh.

Talo ako kasi wala akong mapanghahawakan para mapanatili ko siya sa tabi ko puro lang kasinungalingan ang mga pinaniwalaan kong totoo.

Pinunasan ko ang aking luhang pumatak ng hindi ko man lang napapansin, I sigh sa lahat ng drama ang mga tulad ko lagi ang kontrabida but how come di nila naipapakita na nasasaktan din ang tulad namin, that we act so brave in front of others pero sa huli nandidiri din kami sa sarili namin, I hate this acts but I love him. 

Sobra ko siyang mahal.

"Ano na ang plano mo V? Haharapin mo talaga siya? Alam mo namang di pwede diba? May asawa na ang tao, at tinigil na niya ang patagong relasyon niyo" Napailing ako kailangan ko sumugal kahit sa huling pagkakataon, kahit hanggang dito na lamang. Kahit ba sa huli masasabi ko sa sarili ko na at least sinubukan ko ulit.

Sad to BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon