chapter 5

318 7 11
                                    

Geoffe pov

"Doc. How is she, okay lang ba ang asawa't anak ko bakit lumabas ka agad eh k-kakapasok pa lang ng asawa ko sa E-emergency room." natataranta ako, takot na takot ako lalo na't kanina pa dinadaing ni Gianne na sumasakit ang tiyan niya, ni hindi pa niya kabuwanan dapat ay sa susunod na linggo pa siya manganganak pero nandito na kami sa hospital ngayon dahil sa hindi inaasahan na pangyayari.

Hinarap ako ng doctor at tinanggal  nito ang mask na suot nito at nag-aalalang tinignan ako nito.

" tatapatin na kita Mr. Smith masama ang lagay ng asawa niyo binalaan ko na siya, I told her that she can't bore a child, lalo na sa lagay niya." Kumunot ang noo ko di ko maintindihan ang sinasabi nito. How can he said those words na di magawang magbuntis ni gianne?

"W-what do you mean?" Napabuntong hininga ito at tila hirap nitong sambitin ang dapat na sasabihin nito.

"She is sick Mr. Smith may sakit siya sa puso at napag-alaman namin na minsan na siyang naoperahan pero bumalik muli ang sakit niya pero ang tagal na naming sinasabing kailangan niyang maoperahan agad, pero she insist na di siya magpapaopera ni hindi na siya umiinom ng gamot dahil baka makasama sa dinadala niya and n-now she might not live, she never told you na kaya maaga siyang manganganak ay dahil gusto niyang mailabas ang bata at mabuhay ito eventhough it will cause her losing her life." Tila matutumba ako kaya kumuyom ang aking kamao and my tears flow from my eyes

Fuck bakit gianne?

how can you do this?

"N-no save them both please.. c-can you do it? Doctor ka! At binabayaran kita kaya iligtas mo ang mag-ina ko nagmamakaawa ako iligtas mo sila. " napahawak na ako sa braso nito puno ng pagmamakaawang tumingin ako dito, kaya kong gawin ang lahat puta lang nagsisisi ako sa aking ginawa umiling ang doctor.

"I-I'm sorry pero isa lang maililigtas namin Mr. Smith kung ooperhan namin ang asawa niyo at mabuhay siya maaaring magkaroon ng komplikasyon at maapektuhan ang anak niyo pero kapag mailabas na ang anak niyo ngayon palang at maililigtas ay baka di makayanan ng asawa niyo at biglang tumigil sa pagtibok ang puso nito wala kaming magagawa Mr. Smith, you need to choose kung sino ang ililigtas niyo maybe you should talk with gianne she is okay dahilan lang nitong sumasakit ang tiyan niya para maisugod dito at magawa ang operasyon para mailabas ang anak niyo pero I thought na kailangan mo malaman ang lahat kaya kinausap kita ng personal." Napasinghap ako at tila mauubusan ako ng hininga my wife is suffering at ni hindi ko man lang napapansin iyon I never felt her weakening and in pain.

Sa sobrang paghangad ko ng mga bagay, na di nito maibigay ay ito ang makukuha ko. Ito ang magiging resulta. 

"P-please w-wala na bang paraan! Tanga ka ba! Anong akala mo sakin mamamatay tao! You want me to kill my wife or my son papipiliin mo ko kung sino lang sakanila ang makakasama ko! Eh gago ka pala eh! Napakagago mo! Tanga ka! Kaya kong maghanap ng ibang hospital para sa asawa ko dadalhin ko siya doon and she will be save---" di ko natatapos ang aking sinasabi ng makarinig ako ng mga mumunting yapak at bumunggad saking harapan ang mukha ng babaeng tila hindi ko makilala. 

Ngayon ko lang napansin ang lubhang pagpayat nito at tila ang bawat paghinga nito ay hirap na hirap, namumutla din ang labi nito pero nagagawa padin nitong mgumiti.

"H-honey, T-tama na yan.. t-tinatakot mo sila eh." I almost bite my own tongue sa sobrang sakit I want to scream in pain and frustration. 

Tinalikuran ko ito, nagmahal ako ng iba not minding na sobra akong mahal ng taong to she wanted to gave me everything just to make me happy and love her again kahit na buhay niya ang kapalit.

"w-why?" Simpleng salitang nasambit ko  pero she just walk slowly na kahit nanghihina ay pinilit nito. Hindi din nito pinahintulot na alalayan pa siya ng nurse na nasa tabi niya naglakad ito ng mag-isa papalapit sakin.

Sad to BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon