Chapter 4

350 7 0
                                    

Vera pov

Nakatingin lamang ako sa malawak na karagatan watching every waves, na tila dinuduyan nito ang aking pagkatao, they also look so free, na tila ba kahit sa anong direksyon sila dalhin ng hangin ay sasabay sila kung sana ganon lang ako, kung sana ganon kadali ang sumabay sa agos.

I touch my tummy lumalaki na iyon at ramdam ko ang nabubuhay na sanggol na araw araw pinapaalala sakin nito kung gaano kasaya ang magmahal.  Sa ngayon kapag nahahawakan ko ang aking tiyan ay imbes na malungkot sa kapalaran ko ay mas nararamdaman ko lang ang kasiyahan dahil kahit masakit ay may naiwan naman sakin na magpapaalala ng nakaraan. 

Kahit naman ganon ang resulta ay may bagay naman akong pinagpapasalamat yun ay ang mga aral na aking natutunan, na kahit kasinungalinga ang pinakita nito sakin ay napasaya pa din naman ako ng mga iyon ng totoo.

"Vera." Napahinto ako sa paglalakad at naramdaman ko na lang ang isang tela na ipinatong sa aking nanlalamig na balikat.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Jay at tumango lang ng may kasamang ngiti I am trying to be, alam kong sasaya din ako, hindi pa man ngayon yun pero oras na lumabas ang anak ko ay di ko ipaparamdam dito na nasasaktan ako dahil sa ama nito, dahil dapat malaman nitong di ko pinagsisihan na nakilala ko ang tatay niya dahil kung hindi dahil sa ama niya ay baka hindi ko siya makikila bilang anak ko.

"Y-yes thank you Jay" ngumiti ito at ginulo ang aking buhok

"Ang drama mo V, ano gagawin ba kitang artista sa isa sa mga ginagawa kong pelikula?" Ngumuso ako at sinuntok ko ang balikat nito na kinadaing nito pero tinawanan ko lang ito.

"Tignan mo yan! Ako talaga ang lagi mong gustong saktan! Naku sadista yang anak mo ah! Oh baka naman pinaglilihian mo ko V hala hindi ka magsisisi gwapo ko kaya." Nag-pogi sign pa ito na tila bata, ewan ko ba kung hindi dahil kay Jay baka hindi na ako makabangon , at baka di ko na alam kung saan ako muli magsisimula buti at nagawa ako nitong samahan at alagaan.

Hindi din ito tumigil sa pag-offer na ito ang tumayong ama sa anak ko,pero tinanggihan ko lagi iyon, alam kong may pagtingin ito sakin pero napaka-unfair para dito na tatanggapin ko lang ang offer niya dahil sa kamiserablehan ko, at dahil may makukuha ako.

Isa pa ito na lamang ang tumayo at nagtanggol sakin at ayokong masira iyon kapag tinanggap ko ang offer niya at lalabas na parang ginagamit ko lang siya.

"Hmmp kung sayo magmana huwag na lang noh Isa pa ako ang nanay kaya sakin lang dapat magmana ang baby ko! Kapal ng betlog mo kapag sayo nagmana gawa kana kasi ng sayo." Umismid ito at pinisil-pisil ang pisnge ko kaya sinamangutan ko ito habang ito ay nagpeace sign lang.

"Eh sige gawa ako pwede ba gawing kambal yung baby mo V?  Gawa tayo ng kapatid niya tapos sabay na sila lumabas" umawang ang labi ko at sinapak ko ito gago eh. 

"Gagawin mo ba akong baboy! Langya to! Hanap kana kasi ng ibang maaanakan at mamahalin at huwag ako pa itong lagi mong kinukulit saka ang daming  magagandang artista kang nakakatrabaho! tapos ako eh simpleng artist lang po ako at taga paint saka taga-drawing." He mouthed every words I said at may pa gestures pa ito parang bakla lang minsan talaga sarap nitong ilagay sa sako, pinapainit nito ulo ko eh.

"hindi mo talaga ako sineseryoso eh." Naiiritang pahayag ko pero pinagtawanan lang ako nito at kinurot ang ilong ko. Bwisit pansin ko lang lahat na lang ata pinipisil at kinukurot nitong bakulaw na ito.

"Hmmp Ako pa ngayon eh ikaw nga tong hindi ako sineseryoso di mo ko mapanagutan! Sa pogi kong to, inaayawan mo, hmmp Hatechu." I rolled my eyes at kung may makikita lang sa itsura nito ay baka hindi maniniwalang ito ang seryosong direktor na kanilang nakikita sa tv o nakakatrabaho at nakakasalamuha.

" bakit dapat ba talaga kitang seryosohin?" Napahawak ito sa sariling dibdib at umaktong nasasaktan saka napapailing pa at may pangiwi pa ng labi.

"Ganiyan kayo lagi ang akala niyo nagbibiro pero seryoso na pala so why not try me miss artist? and please huwag mong sabihing ang artist ay isang LANG,  dahil ang mga kamay mo ay hindi tumigil sa paglikha ng magagandang bagay na nanggaling lahat sa puso ni walang halong pagpapanggap saka alam mo namang sa mundo ko ay puro na lang mga pagpapanggap ang nakikita ko at ikaw lang ang totoo V every emotion, every pain, hatred and happiness ay kita ko sa mga mata mo and they never lie, ang problema lang artist creates beauty tanging ang mga likha nila ang pinapaganda nila at minsan hindi nila nakikita ang tunay na ganda na nakatago sa pagkatao nila, a gem na hinihintay lang matuklasan ng sino mang magnais and I saw you V pero huli na ako. " I look at him, kita ko ang tunay na emosyon sa mga mata niya at gusto kong maluha, kasi ito ang gusto kong makita mula sa taong kailanman ay hindi maibigay sakin, hinanap ko ito ng matagal pero huli ko na natagpuan, kung kailan may minahal na ako at nakagawa na ako ng kasalanan.

"Alam kong hindi pinipili ang minamahal Jay pero hindi ko talaga maibigay ang nais mo, masyadong maaga at di pa naghihilom ang sugat. And I'm sorry but I can't love someone again, nakakatakot na Jay, nakakapagod na magmahal, nakakapagod na maghintay, nakakapagod na umasa sapat ng may makakasama na ako" hinaplos ko ang aking tiyan where my baby is starting to develop

Kung hindi ako magawang mahalin ng ama nito, eh bakit pa ako susugal sa iba, ayokong mahusgahan ako, ayokong mahati ang atensyon ko na nararapat lang sa anak ko. 

Ngayon sarili ko naman bubuoin ko at magiging masaya na ako.

"Don't worry V I-I understand sadyang huli na ako, pero hangga't kaya ay maghihintay ako."

Sad to BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon