Charry's POV

8 0 0
                                    

Charry's POV

"Hi, I am Sanda, ate ako ni Hiki. Sorry talaga hindi ka niya mameet ngayon...'' a beautiful lady welcomed me. "Pasok ka." Pag yaya pa niya para tuluyan akong pumasok sa condominium na pag mama-ari ng kapatid niya.

"Thank you. Ayos lang yun. Pasensya na din kung bigla akong nagdecide ngayon mag viewing." Pag hingi ko ng despensa sa biglaang pagbisita ko. Ang alam ko ay tiga cavite pa si Sanda at may dalawang anak na inaalagaan. "Nakakahiya baka nadistorbo kita..."

"Naku ayos lang, Charry. Ayos lang tawagin kitang Charry?" sabay ngiti.

"Opo, opo." Naghahanap ako ng condo na malapit sa university belt. After gradation ng ko sa law school sa Davao ay agad na akong naghanap ng matitirhan dito sa manila. Dito ako nagrereview ng 6 months para maging ganap na abogado. Mabuti na lamang ay ang pinsan ko na Milo ay may kilalang na balak iparent ang isang room sa condo niya. Magkaibigan sila since college kaya agad na nagtiwala ang landlord kay Milo.

"Pasensya na rin sa kapatid ko, biglaan ang trabaho niya sa Taiwan. Sabi ko nga wag na kunin pero nagpumilit pa rin si Hiki." Unang rinig ko sa pangalang Hiki akala ko pangalang aso. "So dito ang room, halika ka...''

"May kama, may cabinet din, tapos dito pwede ka maglagay ng maliit na table. Kaso may konting problema sa shower ng bathroom...'' nahihiya niyang pag amin.

Maayos ang kwarto. Spacious ang buong condo at siguradong hindi kami laging magkikita ng landlord kagaya ngayon nasa labas siya ng bansa. "Wow, thank you yung unang pinuntahan ko ni cabinet wala..." sinilip ko ang bathroom.

"Walang problema sa shower sanay ako sa tabo...'' sabay tawa.

"Doon ang kwarto ni Hiki...'' sabay turo sa kabilang kwarto. "Don't worry mabait kapatid ko wala nga atang sperm cells yun eh...'' tawang tawa naman si Sanda. "Akalain mo 32 na wala paring nabubuntis...'' dagdag niya pa.

Tumawa na rin ako. "Gusto ko ang space Sanda, kukunin ko." Pagkumpirma ko.

Pumalakpak naman si Sanda at masayang kinuha ang kamay ko. "Welcome." Ang lapad ng ngiti niya.

Napagdesisyunan ko na mag down na kaagad kahit sinabi ni Sanda na okay lang kahit wag muna hintayin ko na lang daw ang landlord pero iniisip ko baka magastos ko. Marami pa akong bibilhin.

"Opo ma, lilipat na po ako sa Sunday. Nakakahiya tutulungan pa ako ni Sanda at ng asawa niya susunduin daw nila ako dito kina Milo.'' Pagpapaalam ko kay mama.

"Okay, next month bibisita kami ni Papa sayo. Ingat lagi nak ha."

Dumating ang araw ng linggo at tinulungan nga ako nila Sanda at ng asawa niya na si Paolo. Doon ko rin nalaman na half Japanese pala sila Sanda. Ang mother nila ay isang reporter sa japan at ang papa nila ay may business na bakery na ngayon ay si Sanda na ang namamahala.

Maayos ang unang linggo ko sa condo. Next week mag uumpisa na ang Saturday and Sunday review ko, magiging busy na ako. Ngayon wala akong ibang ginawa kundi bilhin lahat ng needs ko like shampoo, bath soap, toothpaste, ang balak ko ay bumili na ng pang anim na buwang stock. Ayoko ng gambalain ang sarili ko mag grocery pa kapag nag umpisa akong magreview.

"7,080 ma'am...'' nagbabayad ako sa counter nang nagring ang phone ko. "I receive 7,100"

"Hiki, the landlord" nakita kong tumawag sa akin. Huh? "Hello?"

"Hi, si Hiki ko to. Yung landlord mo...'' naiimagine kong nakangiti siya habang nagsasalita dahil sa masigla niyang boses. "I'm here na kaso wala. Saan ka?"

"Uhm, nag grocery lang ako saglit, nasa pilipinas kana? Akala ko next month pa?"

"Ayaw mo pa akong mameet?" saka siya tumawa ng malakas. Kapatid nga siya ni Sanda "Natapos kami ng maaga sa Taiwan and I want to meet you syempre your going to stay with me...'' napangiwi ako sa sinabi niya.

Hiki, The LandlordWhere stories live. Discover now