--------------------------------------------------------------oOo--------------------------------------------------------------
Tok...tok...tok...tok...
Tunog ng bawat yabag ng takong ng sapatos na dahan dahang binabagtas ang pasilyo ng gusali. Kung kikilatisin ay makikita sa pamilyar na mukha ng babae ang saya na tulad ng gumamela, tila ang ala alang nakaraan na'y muling sumasariwa sa kanya. Sa kanyang paglalakad ay lumilinga siya paroo't parito na tila ba'y may hinahanap.
At hindi nagtagal, nang siya'y sigurado na't natunton ang payak, maliit, ang lumang kwarto. Kanya itong kinatok...
"tuloy kayo..."
Sa garalgal na tinig ay mababakas and katandaan ng boses ng nagmamay-ari. Hindi siya nagkakamali na ang tinig na umuugong sa loob ng kanyang taynga ay sa taon kanyang matagal na niyang hinahanap.
--------------------------------------------------------------oOo--------------------------------------------------------------
Sa araw araw na ginawa ng diyos, ay laging tulog si Julia sa klase. Minsankung di naghihilik ay bugnutin o tila malalim naman ang iniisip. Kaya sa tuwing magkakaroon ng isang pagsusulit ay wala siyang maisagot sa papel.
Dahil dito ay madalas siyang mapalabas ng titser, tulad nalang ngayon.
"Hay nako! napalabas nanaman ang BOBO!"
"Bat kasi ang tanga tanga mo?"
"Ang dungis mo pa, NANLILIMAHID! Dapat sa iyo ay nasa basurahan! Pwe!!"
Bukod pa sa pang araw-araw na pakikibaka niya sa pagod at alma ng kanyang sumasakit na mga kasukasuan, at galit ng titser. May isa pang bagay na patuloy na dumudurog sa kanyang patpating buto at naglahong dignidad, ayun ang panghuhusga, at panlilibak ng mga tao sa tuwing siya'y nakikita. ' Bakit ba kay pait ng mundo sa akin? '
"h..hindi... ni..ninyo...a..ako..kilala"hikbi ni Julia, pigil na pigil ang luha.
"Kilala ka na nag lahat!! isang tamad at walang kuwentang tao. Walang pangarap at hindi uunlad kahit kailanman! BOBO ka nga diba?!"
Walang pangarap? hunghang? tamad? walang katotohanan!! sa hirap na dinaranas niya ito lang pala ang makikita ng mundo sa kanya??. Biglang nagdilim ang paningin niya at sinunggaban ang kamag aral.
ang mga sumunod na pangyayari ay malabong ala ala na lamang.
--------------------------------------------------------------oOo--------------------------------------------------------------
"ano ba ang nanyariJulia?"
Ang tanong ni Mrs. Reyes sa kanya. Ngunit walang imik ang bata sa anumang ibinibigkas ng guro.
naniniwala ako sa lahat ng iyong kakayahan, ngunit sa mga nagdaang taon ay tila nawawalan ka na ng gana mag aral.
"ma'am..."napatigil si Julia sa kanyang mga susunod na bibigkasin, lagi siyang umiiyak ngunit tila mas mahirap pala na makita kang lumuluha ng ibang tao.
"Ma'am....napapagod na po kasi ako"
"halika't ikuwento mo at ako'y makikinig"
at ikinuwento ni Julia ang kanyang mapait na buhay
--------------------------------------------------------------oOo--------------------------------------------------------------
SA murang edad, SI Julia ay nagtatrabaho na bilang tindera ng mga trapo sa delikadong kalye ng Makati. Taga hugas ng pinggan at utusan sa mga karinderya't tindahan sa palengke. Ang lahat ng ito'y ginagawa niya sa gabi upang mapakain ang kanyang maliit na kapatid at para makapasok bukas, ngunit dahil sa pagod ay suko rin siya sa tuwing bumabagsak na ang kanyang talukap sa sobrang bigat dahil sa antok. Ulila na si Julia at ang kanyang ina inahan ay mapagmalupit. Minsan, sunubukan nitong ibenta ang kaawa wang bata sa isang matandang lalaki, buti na lang ay nakatakas sila ng kanyang kapatid sa pagtalon sa etero sa likod ng kanilang baron barong a bahay. Walang kasiguraduhan ang buhay ni Julia, ngunit ayaw niyang mauwi ang buhay ng bunso niyang kapatid sa wala.Kahit na pagod na pagod na siya sa mga responsibilidad na hindi niya dapat ako, ay kakayanin niya. alang alang sa kinabukasan ng natitira niyang pamilya.
--------------------------------------------------------------oOo--------------------------------------------------------------
naramdaman ng butihin guro sa kanyang puso ang sakit at hirap na dali ni Julia sa murang edad. Kaya pla lagingbugnutin,tulog at marungis si Julia.
walang nakaiintindi o nakakikilala sa kanya, wala siyang kaibigan dahil sa kanyang itsura at imaheng pinandidirihan. Siya'y biktima ng krimen ng mapanghusgang lipunan.
--------------------------------------------------------------oOo--------------------------------------------------------------
Mula noon, naglalaan si Mrs.reyes ng oras tuwin uwian upang bigyan ng libreng turo si Julia, hindi niya ito hinahayaan magtrabaho, pinapakain at binibigyan ng baon. ginagawa niya ng mga bagay na hindi magawa ng pangkaraniwang titser ngunit siyang dapat ng tunay at mapag arugang guro.
Naniniwala siya na walang taong bobo, ngunit kung patuloy nating titignana ng isang tao bilang isda at sa kakayahan niyang umakyat ng puno, ay pang habang buhay siya mananatiling tanga.
Bakit kaya puno ang mundo ng panghuhusga? sa mga taong hindi man lang natin kilala, nakausap o nabati man lang ng hello? minsan ang labo talaga ng buhay.
--------------------------------------------------------------oOo--------------------------------------------------------------
Marso 1990
sa wakas dumating ang araw na hinihintay niya, na lalakad siya nakasuot ng toga, at tatanggap ng diploma, ang araw ng kanyang pagtatapos. Naghihintay siya, ngunit sino nga ba? wala ng ina o tatay si Julia. Ang paghihintay ay marahil ang dapat niyang huling gawin.
mula sa pedicab, ay bumaba si Mrs. Reyes, at niyakap ang anak anakan niyang siya Julia, sa wakas nakatapos narin ng Grade 6.
------------------
sa harap tumanggap si ulia ng parangal, hindi niya inaasahan ito
" And the best in Attendance goes to Julia Calapatan!"
tial hinahataw ng drumsticks ang kanyang mumunting puso sa kaba, ang saya umaabot sa kanyang taynga, ngunit sino ang magsasabit sa kanya ng edalya niya?
umakyat si Mrs. Reyes at sinabit kay Julia ang tanging medlaya na kanyang natanggap.
best in attendance? di na masama diba? patunay na hindi ka na natutulog o umaabsent.
niyakap ni Julia ng pagkahigpit higpit si Ma'am Reyes bilang pasasalamat sa kanya sa lahat ng kanyang ginawa .
------------------
matapos ang grade 6 ay nagpaalam na si Julia sa guro, paalam na hindi tiyak kung kailan magwawakas, simula noon ay hindi na siya nakita ng guro. Ni anino ay hindi sumilay sa paaralan.
--------------------------------------------------------------oOo--------------------------------------------------------------
Pumasok ang babae sa silid
napangita ang matandang guro, siya na pala si Ma'am Reyes. Maputi ang buhok, kulubot ang kutis, ngunit maganda parin sa loob man o labas.
"ma'am.....ako na po si Juli"
Mahigpit na niyakap ng guro ang dating batang marungis at antukin.
"ang laki mo na" biglang umigay ang kanyang mga mata at napaluha
"Oo, at marami na po ang nagbago"
"bat ang tagal mong nawala?"
"napag isipan ko pong lumisan ng sa gayon ay matagpuan ko ang aking sarili." tugon ni Julia "napagtanto ko po na hindi dapat sinasarili ang mga problema, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, ay kaya nating mag isa.... kaya naghanap po ako ng tulong sa mga may mabubuting puso at sa kabutihang palad ay mapagtapos ko po ang sarili ko at napadala ang aking kapatid sa kolehiyo"
"salamat ma'am at ngayon makakatulog na ako ng mahimbig"
Nagustuhan niyo ba ang storya ni Julia? wag kalimutang bumoto at magbigay ng saloobin! aking malugod na tatanggapin ang inyong mga payo!
BINABASA MO ANG
Tulog na naman si Julia
Short StoryTulog na naman si Julia, hindi dahil napuyat siya sa paglalaro, o tinatamad pumasok, ito'y dahil siya'y nagtatrabaho. Isang batang biktima ng krimen ng malupit na katotohanan, paano niya kaya haharapin ang buhay na mistulang nilulubayan siya?