Hi guys. Comment comment din. ^__^ Hihihi. Thanks. :*
**********************************
CHAPTER 2: ENTRANCE EXAM
AUDREY'S POV
Audrey: "ANO?! STUDY WITH GINO?!"
Marj: "Oo! Haha! Dapat nga mag-pasalamat ka pa sa amin, Audrey eh."
Kim: "Since masyado kang mahiyain para tanungin siya, sinabihan nalang namin si Zac at Josh na i-set up kayo. ♥ ♥"
Kim: "Mag-tetake ka ng exam sa Mesei High School diba?"
Marj: "Pero yung grades mo baka hindi maka-abot eh. So tinanong namin si Gino kung pwede kang turuan."
Kim: "Pumayag naman siya kasi you did a favor to him recently. Sana yung academics mo at LOVE LIFE mo ay maging maganda! Haha!"
Audrey: "Thank you!!" Naiiyak nako sa sobrang saya. Hihihi.
Marj: "Nasa side mo lang kami, Audrey! Nakalagpas ka na din sa mga prinsipe sa Love Stories mo! Hahaha!"
Thank you, God!! Napakaswerte ko naman na magkaroon ng true friends!! ^__^
"Tignan niyo!! May hot na lalaki na nakatayo sa gate natin!!"
"Sino kaya hinihintay niya??"
Yung narinig ko sila. Tumingin ako sa bintana.
OMG!!! Bakit si Gino???
Grabe, lahat ng students dito nabibighani sa kagwapuhan niya..
Audrey: "GINO!!! K-k-kamusta??" Nawalan na ako na hininga kakatakbo papunta sa kanya.
Gino: "Ui. Simula ngayon, tutulungan na kita sa studies mo. Maaga kami pinauwi eh. Tska day-off ko sa Karate."
Pumunta siya dito para sunduin ako?! Natouch naman ako. Hihihi.
Napansin ata ni Gino na pinagtitinginan na siya ng students dito.
Gino: "Bihira lang ba bumisita ang guy dito sa school niyo??"
Ang slow mo, Gino. Hindi mo ba alam na napaka-attractive mo kaya pinagtitinginan ka? Hihi.
"HOY! Lalaking estudyante! Ang kapal naman ng mukha mo tumayo sa harapan ng gate namin at makipag-flirt sa mga estudyante namin ha?! Iniisip mo bang hahayaan kitang landiin mga girls namin?!"
Patay! Nandito na ang terror! Yung Disciplinary Advisor namin! Si Mr. Cruz!
Audrey: "Nako! Hindi po, Sir! Nagkakamali po kayo! Hindi po siya nakikipag-flirt sa akin!"
May dala ma siyang Bamboo stick or bamboo sword, whatever. Handa na siyang mamalo eh. Nako poooo.
Mr. Cruz: "SILENCE!!"
AHHHHHH!!!
Nung pagpalo ni Sir, nasipa ni Gino ung sword niya. Sa lakas ng impact nilang dalawa, naputol pa yung sword.
Gino: "Wag po kayong mag-alala, Sir. Wala po akong ginagawang masama. At sorry po kung nasira ko bamboo sword niyo."
Ayan naman charms ni Gino! Habang kinakausap niya si Mr. Cruz, nakahawak siya sa kamay ni Sir. Haaaaaay.
Mr. Cruz: "Ahhh, ok. W-walang p-problema.. ♥"
Parang prinsipe sa mga love stories si Gino. Gwapo siya at sincere.
Honest siya at reliable pa, at magaling pa sa Karate! Na-aattract pa niya ang mga lalaki..
He's my dream guy.. ♡

BINABASA MO ANG
Cute Boyfriend ♡ - DARAGON
TeenfikceAudrey Rivero ay isang 15 year old teenager na mahilig magbasa ng love stories or teen fictions sa lahat ng oras. Gusto niya ng boyfriend na magpoprotekta sa kanya at maging prinsipe niya katulad ng nababasa niya. Isang araw, naipit siya sa isang si...