CHAPTER 9
AUDREY'S POV
G-gino?!
Bakit ang higpit ng yakap niya sa akin?? Totoo 'to di ba? Hindi ko na kaya 'to.. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko ngayon!!
Biglang lumakas yung hangin kasi nakabukas pala yung bintana dito..
Nagulat si Gino at nilayo niya ako sa kanya. Namumula siya oh.
Gino: "Ah.. Sorry.."
Binitawan na niya ako para lumabas na ng room.
Gino: "Magsisimula na ang klase. Bilisan na natin baka malate pa tayo."
Nakatalikod siya sa akin nung kausap niya ako. Bakit kaya?
Hindi talaga ako makapaniwala na niyakap ako ni Gino ng mahigpit. Hihihi. ♡
PATRICK'S POV
ROOFTOP
Dito ako nagpapalipas ng oras kasi wala si Little Chick. More like Smoking Area ko. Yes, I'm smoking. Nakahiga ako para mas relaxing.
Patrick: "Tss. Masaya siguro si Little Chick ngayon kasama si Gino."
Nakakainis talaga! Yumakap pa siya ka Gino! Kahit kelan hindi siya naging ganun pagdating sa akin!
Patrick: "Geez, ang boring talaga.."
AUDREY'S POV
Audrey's House (Bathroom)
Naligo ako para marefresh ako. Pinuno ko yung bathtub. Tapos lumusong na din ako.
Haaaaay.. I'm still in daze..
Ano nangyayari? Kanina lang..
Nayakap na ako ni Gino pero yung brotherly hug lang.. Pero yung yayakapin ka talaga ng mahigpit for the first time..
KYAA!! Sa tuwing naalala ko yung nangyari kanina, kinikilig talaga ako!! Napapadyak ko pa paa ko eh haha! Ayan tuloy, basa na din yung sahig.
I've always thought that... It was just my one sided love.
Gino.. Pwede pa ba akong umaasa for more?
Lumabas na ako ng CR para pumunta na kwarto ko..
Jam: "Tignan mo Ate oh! Binilhan ako nila Mama ng bagong Robot!!"
Yung bunso kong kapatid, si Jam. Dalawa lang kami magkapatid. Pinagmamayabang sa akin yung bagong toy niya.. Wala ako sa mood makipagusap na sa kanya.
Audrey: "That's good.."
Patuloy na akong lumakad papunta sa kwarto ko.
Jam: "Ha? Anong meron? Hindi tuloy masaya. Dati lang lagi kang nagseselos kapag may bago akong gamit."
Oo nga no. Nung 1st year high school ako tpos grade 5 palang si Jam nun, lagi kong ginusto na magkaroon ng gamit ng parang sa kanya. Ewan ko ba kung bakit. Pero hindi ako tomboy ah! Inggit lang siguro. Pinapagalitan pa ako ni Mama na dapat mag-mature na daw ako kasi ako daw yung panganay.. Pero di ba unfair pa din hahaha.
Jam: "Atsaka hindi mo na rin bukambibig yung Pocket Books mo. Eh di ba adik ka dun dati na hindi ka tumigil kakadaldal tungkol dun?"
Napatingin ako kay Jam kasi nagulat ako. Nagbago na ako? Parang hindi na ako 'to ah.
Mama: "Hehe. Siguro may gusto na yung Ate mo ngayon, Jam. Ngayon, lagi niyang chinecheck kung maganda ba ayos niya. Dalaga na siya kung kumilos ngayon."
That's true.. Dati, sobrang adik ako sa 'Prince' sa mga Pocket Books. Pero nung nakilala ko si Gino...
My whole world has changed..
BINABASA MO ANG
Cute Boyfriend ♡ - DARAGON
Teen FictionAudrey Rivero ay isang 15 year old teenager na mahilig magbasa ng love stories or teen fictions sa lahat ng oras. Gusto niya ng boyfriend na magpoprotekta sa kanya at maging prinsipe niya katulad ng nababasa niya. Isang araw, naipit siya sa isang si...