Trouble in Paradise.. Dee and Jerico

403 5 6
                                    

                                                   ---------------------------------------------

Sinundo ni slater si tin galing sa office isang hapon nang magtext si dee sakanya. May problema daw sila ni jerico at kelangan niya si slater. Kapag may problema si dee at jerico ay palaging kay slater tumatakbo si dee kaya't si tin ang taga-comfort ni jerico. Siguro dahil na rin bestfriend ni dee si slater nung college at mas close naman si tin kay jerico dahil naging classmates sila.

"Tintin, nagtext si dee..may problem daw si jerico"

"Puntahan  ba natin siya?" tanong ni tin sa nobyo

"Actually she requested na.." hindi masabi ni slater ang gusto niyang sabihin

"Just you.." alam na ni tin na si slater lang ang gustong makausap ni dee

"Oo.."

"Sige.. kakausapin ko rin si jerico para maayos na nila yan..ihatid mo nalang ako dun sa office ni niya"

Habang nasa biyahe sila ay naalala ni tin yung nangyari sa kanila nung 1 year palang sila ni slater, bago maging si jerico at dee. 

*Flashback 3 years ago*

Pa-graduate palang sila slater noon ng college. Araw araw pa rin niyang hinahatid sundo si tin. Pero ang hindi maintindihan ni tin ay kung bakit palaging naka-buntot si dee dito kahit sa mga lakad nila. 

"Babe movie tayo?" pagaaya ni tin kay slater isang hapon pagkatapos ng klase

"Sure..pero pwede ba natin isama si dee kasi wala daw siya kasama sa bahay ngayon at bored siya" ani slater sa nobya

"Ah.. o sige" malamyang sagot ni tin. Kahit kasi lunch at dinner dates nila ay sumasama si dee. At parang nararamdaman ni tin na siya ang third wheel pag lumalabas sila.

Habang namimili sila ng panonoorin sa sinehan

"Babe, twilight panoorin natin" masayang sabi ni tin

"Ay S! ayoko niyan corny naman yan.. yung Batman nalang" kontra naman ni dee

"Babe, Batman nalang muna panoorin natin ah.. first week palang naman ng twilight eh" ani slater kay tin

Ang ending ay di nagenjoy si tin sa panonood ng movie dahil ang gusto talaga niyang panoorin ay twilight. Nang makauwi na sa dorm ang dalawa at bababa na si tin sa floor niya ay napansin ni slater na nananahimik ito 

"Babe bakit ang tahimik mo? may sakit ka ba" chineck pa ni slater ang noo nito kung mainit ba

"Wala" sagot ni tin  at bumaba na ito.

Ilang araw pagkatapos ay mas maagang natapos ang klase ni tin kesa kay slater kaya niyaya siya nila jerico pamu kevin dvinney at mik na manood ng movie

"Anong panonoorin?" tanong ni tin

"Twilight" masayang sagot ni jerico dahil alam niyang ito ang gustong panoorin ng kaibigan na lihim niyang crush

"Ay sige!" masayang sabi ni tin

Kinagabihan ay hinintay ni slater si tin makauwi sa dorm nila. Nang makitang inihatid ito ni jerico ay nabadtrip si slater pero kalmado pa din siya.

"Slater pare...mauna na ko" ani jerico

"Sige salamat sa paghatid kay tin" malamig na sagot ni slater 

Nang silang dalawa nalang sa lobby ay  binasag ni slater ang katahimikan. "Kayong dalawa lang ni jerico ang lumabas?"

"Nope kasama sila vinney and mik saka pamu and kevin"

Slater & TinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon