Trouble in Paradise: Slater and dee?

403 6 3
                                    

Lumipas ang dalawang araw na dun natutulog si dee sa condo. Tuwing umuuwi si tin at slater ay may pagkaing nakahanda si dee. Wala kasi siyang shooting sa linggong ito. In fairness ay masarap itong magluto. 

Siguro ay dapat matuwa pa nga si tin sa ginagawa ni dee para sa kanila pero nararamdaman kasi niya na nagpapasikat lang itong si dee sa boyfriend niya. 

Minsan pag uwi niya ay nadatnan niyang minamasahe ni dee si slater habang nakaupo si slater sa sofa at nakataas ang paa sa coffee table. Nakapikit ito at parang nagpapahinga.

"Ano bang peg nitong si dee? asawa o katulong? ggrr... calm down tin..technically wala naman silang ginagawang masama" sabi ni tin sa sarili

"Hi tin! May fish fillet pa diyan o.. nauna na kami ni slater kumain ha kasi gutom na gutom na yata siya tas super pagod kaya nag-offer ako i-massage siya"  ani dee kay tin

Agad naman lumapit si tin kay slater "Babe,, matulog na tayo?" aniya dito nang nagising na ito

"Tintin, kumain ka na ba? May food pa diyan..sorry nauna na ko..I was so tired" kwento ni slater sa nobya

"Ikwento mo sakin before we sleep...tara na sa room.. dee, paabot naman ng bag ni slater" (o diba yayey na yayey ang peg ni dee..hihi) 

Kinabukasan habang nagbbreakfast ang tatlo

"S! Pwede ba ko sumabay sayo pa-makati? pupunta kasi akong greenbelt eh magkikita kami ni sisterette arjay" 

"Sure.."

"Pati pauwi ha..  mahirap kasing magtaxi dun pag past 6 pm na eh if okay lang naman" dagdag ni dee

"Sige, babe hihintayin ko nalang si dee tapos isasabay ko na pauwi" ani slater kay tin

"Okay" gusto sanang tumutol ni tin pero sumang-ayon nalang siya

                                                                               ---------------------------

Last day na ni dee sa condo kaya't masaya at maganda ang araw ni tin. Sa wakas ay aalis na ang babaeng higad na dikit ng dikit kay slater.

Magiliw na pinakisamahan ni tin si dee sa araw na yun. Pinabayaan niya itong umaura nang umaura. Pati paglagay ng pagkain sa plato ni slater ay pinapelan ni dee at pinabayaan lang siya ni tin total last day naman niya.

"Guys, thank you talaga for letting me stay ha! Mabuti nalang nakahanap na ko ng condo na mura lang ang downpayment, bukas ng umaga pwede na ko tumira dun" sabi ni dee

"Wala ka na ba talagang planong ayusin yung sainyo ni jerico?" tanong ni tin kay dee. hindi man niya gusto si dee ay gusto naman niyang maayos ang relasyon nito kay jerico dahil alam niyang masaya si jerico sa piling ni dee.

"Hindi ko pa alam.. basta I just need space to think..bahala na si batma..yan ang mantra ko!haha" 

Pumasok na si slater at tin sa kanya kanya nilang trabaho habang si dee naman ay nagshopping para sa condo na uupahan niya.

                                                                                 -------------

Pag uwi ni slater ay nandun si dee sa may tapat ng tv sa sala, nanonood ito ng dvd habang umiinom ng beer. Actually ay madaming beer sa tabi niya at may kropeck at sisig pa

"S! tara dito" yakag ni dee kay slater

"Bakit ka umiinom?" tanong naman ni slater kay dee

"Wala naman.. naalala mo ba nung first year college tayo halos araw araw tayo umiinom ni wendy at coy?" ani dee

"Oo nga eh.." 

"Aminin mo simula nung naging kayo ni tin halos hindi ka na sumasama samin kung hindi siya kasama" malungkot na sabi ni dee

"Syempre naman part rin ng barkada natin si tintin"

"Binago ka talaga niya noh? simula nung naging kayo never pa kita nakitang tumingin sa ibang babae katulad ng tingin mo sakanya"

"Syempre naman, mahal ko siya eh. I think she made me realize na I could be a much better person than I was before...and so I became the best person that I can be" seryosong sabi ni slater

"Charotero ka...ang deep nun ah"

"Baliw" ang tanging sagot ni slater sa kaibigan

"Hay ang swerte ni tin sayo alam mo ba yun?"

"It may look that way pero ako talaga ang pinaka-maswerte dahil pumayag siyang mahalin ko siya"

"Shit ka S! Ang sweet mo!"  ani dee

Nagkuwentuhan pa ang dalawa habang umiinom, nakakarami na sila ng beer. Ayaw na sana ni slater uminom pa pero di naman niya matanggihan ang kaibigan lalo na't alam niyang nagsesenti ito. Pagkatapos maubos ni slater ang pang-limang beer niya at si dee naman ay ang  ikapitong beer niya ay tipsy na ang mga  ito

"Slater pwede bang ako muna habang wala pa si tin?" ani dee kay slater na tipsy na 

"Ano bang sinasabi mo diyan?"  sagot ni slater na nanghihina na sa antok

"Sige na slater gusto ko lang mafeel na mahalin mo ko kahit sandali.. kunwari nalang ako si tin" 

Unti-unting lumapit si dee kay slater at hinalikan niya ito. Hindi naman tumugon si slater sa halik nito pero hindi niya agad naitulak si dee dahil pnaibabawan siya nito.

9pm na nakauwi si tin dahil may tinapos pa siyang article para sa newspaper. Nagtext si slater sa kanya kanina na pauwi na ito, mga 7 pm palang nun.  

Binubuksan palang ni tin ang pinto ay masama na ang pakiramdam niya dahil masyadong tahimik at naaamoy na niya ang beer. 

Para namang sasabog ang puso niya nang makitang hinahalikan ni dee si slater. Ang masama pa dito ay nakapaibabaw si dee kay slater. Binagsak niya ang pinto para ipaalam na nandun siya at true enough ay nagitla si dee at lumayo kay slater

"Oh my gosh Tin! I'm so sorry!" ani dee na napahawak nalang sa ulo niya

Hindi pinansin ni tin si dee sa halip ay dumeretso siya sa kwarto at kinuha ang malaking bag niya at nagsimulang mag-empake ng mga damit at gamit niya. Sinundan siya agad ni slater sa kwarto.

"Tin, please! I'm sorry..wala lang yun tin I promise!" magulong magulo pa ang utak ni slater pero pinipilit niyang linawin ang pagiisip para makausap ng maayos si tin. 

"Wag mo ko pipigilan slater! Hindi ako tanga, self -explanatory naman yung nakita ko..wag mo kong susundan please lang" pinagkasya nalang ni tin lahat ng pwede niyang ilagay sa bag niya at nagmamadaling umalis.

"S! I'm sorry! I didn't know na dadating siya" ani dee kay slater

"Hindi mo dapat ginawa yun in the first place.. can you just go?" badtrip na badtrip si slater at natatakot siya na baka makalimutan niyang babae si dee pag di pa ito tumigil sa pangungulit ng sorry.

"Sige.." kinuha ni dee ang mga gamit niya at sinubukan ulit magsorry kay slater bago umalis pero nilock ni slater ang kwarto niya kaya hindi makapasok si dee. 

Sa loob ng kwarto ay pinindot ni slater ang number ni carlo sa telepono niya "Hello Coy? Puntahan mo ko dito sa condo...oo ngayon na"

Slater & TinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon