Trouble in Paradise: Jerico saves the day

381 7 4
                                    

"Aba, bago yata to.. ikaw ang may problema sa love life, imagine nagaaway din pala kayo ni tin..akala ko pwede na kayo isali sa guinness book of world records bilang natatanging couple na hindi nagaaway " ani carlo kay slater nang pinuntahan niya ito sa condo. 

"Pare wag ka na mang-asar..you have to help me..t*ng-*n* kasi... itong si dee eh hinalikan ako tapos nakita ni tin" 

"What the heck?!  Si dee? sabi ko na nga ba tama si wendy eh matagal ka na gusto gapangin nun.. college days palang dude"

"Pare I don't care, I just want tin back"

"Nako slater, it's not that easy.. kilala mo naman si tin..she's all about trust. Naalala mo ba ang famous line niya na "Trust is like a mirror, once it's broken..you can never look at it the same way again"

"Pare I didn't do anything to break her trust..sa palagay mo ba pare gusto ko halikan si dee? eh di para ko na rin hinalikan si jerico.."

"Pano mo ipprove yan eh yung kiss lang nakita niya kaya yun lang ang basehan niya"

"Ewan ko coy...I'm good at helping other people fix their problems pero sarili kong problema wala kong solusyon"

"Don't worry pare..4 years na kayo ni tin at naging good boy ka naman sa 4 years na yun.. I'm sure she'll come around and forgive you"

"Sana pare.. alam mo naman sa 4 years namin iningatan kong hindi siya masaktan in any way.. ayoko masira lahat yun just because of this stupid incident"

"Eh nasan ba si tin ngayon? Papupuntahan ko kay wendy at pams para kausapin nila " 

"For sure nandun yun ngayon sa bahay nila sa QC, yung tinitirhan nila pag nandito parents niya sa pinas"

"Sige pare tatawagan ko lang si wendy" ani carlo

                                                                          -----------------------------

Makalipas ang ilang oras ay sumunod si wendy kay carlo sa condo ni slater. Agad siyang tinanong ni carlo kung anong nangyari sa paguusap nila ni tin.

"Ayun, cray cray si bruha.. ano ka ba naman kasi slater bakit ka makikipaghalikan sa condo mo pa at kay dee pa ha! Alam ko flirt si dee pero hindi ko inexpect na gagawin niya kay tin yun"  ani wendy

"Wendy, hindi kami naghahalikan ni dee.. hinalikan niya lang ko. Saka medyo lasing na kasi kami kagabi" paliwanag naman ni slater dito

"Eh g*go ka pala bakit ka makikipaglasingan kay dee alam mo naman maharot yun lalo na pag nalalasing" 

" Tama na sisihan wendy, May sinabi ba si tin kung anong plano niya sa kanila ni slater?" tanong ni carlo sa girlfriend niya

"Wala, basta iyak lang ng iyak si gaga.. teka alam na ba ni jerico yung nangyari? for sure di na nun babalikan si dee" nag-alalang sabi ni wendy

                                                                 ---------------------------------

Dalawang araw pagkatapos ng nangyari ay tinawagan ni jerico si tin. Mag-meet daw sila sa resto dahil may kelangan silang pagusapan. Ayaw sana ni tin makipagkita sa kaibigan pero mapilit ito kaya pumayag na siya. 

"Hi tin!" bati ni jerico sakanya with matching beso pa. Ang hindi ineexpect ni tin ay na kasama nito si dee na ngumiti lang ng maliit sakanya dahil sa hiya.

"Bakit mo ko kelangan kausapin?" tanong ni tin kay jerico

"Umm..may kelangan sabihin si dee sayo"

"Ano yun?"

"Tin..I'm so sorry.. alam ko wala akong karapatan sabihin to pero sana wag ka na magalit kay slater..yung nangyari, it was all my fault bakla.. I kissed slater because I was drunk, because I was missing jerico and because I was envious"

"envious?" ulit ni tin sa sinabi ni dee

"Oo, kasi what you and slater have... parang sobrang perfect.. Gusto ko maging ganun din kami ni jerico pero hindi naman kasi kami kasing perfect niyo. Naiinggit ako sayo tin, gusto kong maging ikaw dahil mahal na mahal ka ni slater"

"Kaya you tried to seduce him?"

"Yes, but I failed..  alam mo I always thought na sobrang swerte mo kay slater, but when I told him that sabi niya siya daw ang mas swerte sainyong dalawa. The way he looks at you, sino ba naman hindi maiinggit lalo na't I was secretly inlove with him nung college"

"And I should believe this because?"

"Tin, inamin sakin ni dee na na siya ang may kasalanan kahit na alam niyang pwedeng ikasira namin ng tuluyan ang ginawa niya.. nd because of her honesty.. nakipagbalikan na ako sa kanya.. alam kong hindi ko kayang mawala siya sakin..past is past so kung ano man nangyari with slater or with the director kakalimutan ko na..ganun naman pag mahal mo ang isang tao diba"

Matagal nanahimik si tin at pinagmasdan lang niya ang dalawa. Mukhang okay na okay na ulit ang mga ito. In the first place kung hind nag-away si dee at jerico eh di sana hindi nadamay si tin at slater. Pagkatapos mag-isip ng mabuti ay nagsalita na si tin.

"Nakakatuwa naman na kayo pa ang nagpapa-realize sakin na dapat na kong makipagbati kay slater"

"Oo nga eh.. in the first place ako lang talaga may kasalanan ng lahat..I promise hindi na ko lalapit sainyo ni slater"

"Pwede ba yun eh girlfriend ka ni jerico? Hindi ka naman pwedeng basta mawala sa buhay namin, pero wag mo na sana uullitin yung ginawa mo and please if may problema kayo...dee ako nalang ang kausapin mo okay? Saka if you ever try kissing slater again, ibabaon na kita ng buhay tandaan mo yan......joke lang..hehe"

"Sure..thanks tinnie! ang bait mo talaga"

"Thank you jerico.. I appreciate this" 

"Wala yun tin ano ka ba.. tuwing may mga problema kami lagi kayong nandyan ni slater para tulungan kami, it's my turn to help you guys. Saka alam mo naman malakas ka sakin eh.. ikaw ang first crush ko sa campus nun eh"

"Ay nako.. itigil na natin to at baka magka-selosan pa dito.. mabuti at okay na eh baka masira pa.hehe" saway ni tin kay jerico

Slater & TinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon