Chapter 2

95 10 3
                                    

Nang tumigil ang kotse, hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad kung pinag hahampas sa braso ang lalaki.

"What the! What are you doing? "Tanong nya sa akin.

"Ikaw? What did you do!?"Balik na tanong ko sa kanya.

"Ni-save kita doon sa lalaki.Pwede bang mag thank you ka nalang? "

"Goodness,kuya! Bigla kanalang sumusulpot. Dapat hindi kana umepal pa kanina, kaya ko namang i-handle yun! "Sigaw ko.

"Calm down, sweetie. Pinag tataasan mo ako ng boses, "seryoso nyang sabi sa akin.

Pinakalma ko naman ang sarili ko. Masyado akong nag carried away at hindi ko na napansin na sinisigawan ko na pala si kuya.

Nakakainis naman kasi sya! Balak ko na ngang prangkahin yung Jed na yun pero dumating pa sya.Mamaya nyan hindi ako titigilan nung Jed na yun at sundan ako at tanungin kung sino yung lalaking dumating.

"Now, what's your problem? "Tanong nya.

"Ikaw. Dapat hinayaan mo nalang ako na kunin yung rosas,"irap kung sabi.

"Bata ka pa, hindi kapa pwedeng mag paligaw at mag boyfriend. I just don't want to hurt you kaya ko yun ginawa, "seryosong sabi nya.

Na touch naman ako ng bongga pero galit parin ako!

"Alam ko yun, kuya. Gusto ko lang kunin yung rosas dahil naawa ako doon sa lalaki kasi nag effort pa siya, "I said.

Bumuntong hininga sya bago ulit nagsalita. "Gusto mo bang bumalik doon at kunin yung rosas? "He asked. Agad naman akong umiling.

"Huwag na"

"Look, I'm sorry," pout nyang sabi. Ngingitian ko na sana sya nang dugtungan nya ang kanyang sinabi. "Ayoko lang maulit yung dati. Ayokong mangyari yung ginawa ni Kru-"

Hindi ko na pinatapos yung sinabi nya. Agad kung kinalas ang aking seatbelt bago lumabas ng kanyang kotse at sinarado ang pintuan nito nang pagkalakas lakas.

Bwisit! Sinali nanaman nya yung nakaraan na 'yun eh ayaw ko na ngang pag usapan pa. Nakakarindi!

Pumasok ako sa loob ng bahay at dali dali umakyat sa hagdan papunta sa aking kwarto. Inilagay ko ang aking bag sa study table bago umupo sa aking kama at tama nga ako. Mga ilang minuto nang nakita ko si kuya sa aking pintuan.

Alam kung susundan nya ako at kahit na i-lock ko pa ang pinto ay may duplicate key naman sya kaya useless din.

Umupo sya sa tabi ko at hinaplos ang aking buhok bago ako hinalikan sa noo.

"Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang isali ang nakaraan, "mahinahon nitong sabi.

"Alam mo naman ang kuya mo, takot lang akong masaktan ka. Tsaka boys will always be boys, sasaktan at sasakt-"

"Kuya, alam ko na yan. Pang ilang ulit ma na kaya 'yang sinabi sa akin. Nakatatak na sa kokote ko yan, "irita kong sabi.

"Oo na, oo na, paulit ulit na ako. Sorry na, okay? "sabi nya.

WORSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon