Chapter 4

71 8 0
                                    


Ugh! Ang tagal naman nila Kaeden, bagot na bagot na ako dito. Tapos na akong kumain ng tanghalian pero wala parin sila.

Nag online lang ako. Scroll here scroll there at sa wakas, may nag doorbell na. Agad akong tumayo at naramdaman ko ang kirot ng paa ko pero mga ilang minuto lang mawala na agad. Uminom ako ng gamot at nilagyan ng cold compress kanina.

Pagbaba ko, nakita ko si Kaeden na naka T-shirt na buti at black short. Si Mia naman ay ganun din, para silang couple.

"Ate dina, "tawag ko sa kasambahay na nag pupunas ng vase, "pagawa po kami ng juice tas may cookies at may popcorn po doon sa kusina, padala nalang po sa kwarto ko, "pasuyo kong sabi. Ngumiti naman si Dina at tumango.

Hinila ko na sina Kaeden at Mia at baka buhusan nanaman ako ni Kaeden ng mga tanong nya tungkol sa bago naming kasambahay, knowing him, palagi siyang curious.

At tama nga ako. Pag dating namin sa kwarto ko, nag simula na siyang magtanong.

"Might, sino yung magandang babae sa baba? Bakit mo siya inutusan? "

"Bago naming kasambahay"

"What? Yun? Bago nyong kasambahay? "

"Uulitin ko paba, Mr. Kaeden? Sabi oo eh. Ganda noh? Ligawan mo kaya, "pang aasar ko.

"Diko type, uy"

"Bakla ka ata eh, "natatawa kung sabi.

"May nililigawan ako pero secret lang muna. Kapag sinagot na niya ako saka ko lang siya ipapakilala kaya wag kang atat, "sabi niya.

"Sino yang malas na babae yan? "

"Sabing wag atat, eh. Tsaka swerte kaya nun sakin. Ang pogi pogi ko"

Nagsalita naman si Mia. "Pwede na ba tayong pumili ng paoanuorin natin? "Tanong nya. Tumango nalang kami ni Kaeden at inisa isa namin yung CD's ko. Napasimangot ako nang kunin ni Kaeden yung Romance-Action na movie na sobrang pangit ng ending.

"Bakit yan? Pili ka nalang ng iba, "pigil ko.

"Curious ako sa story neto, bakit ba. Kung napanood mo na 'to, manahimik ka nalang, "sabi nya. Umirap nalang ako.

Tignan natin kung hindi ka mag reklamo sa ending, tsk.

Pumwesto na kami. Si Kaeden ay nakadapa habang si Mia naman naka upo. Humiga ako sa lap ni Mia at ipinatong ko ang paa ko sa likod ng bewang ni Kaeden.

Tahimik lang kaming nanunuod dahil wala pa naman si Ate Dina na mag dadala sa meryenda namin.

Mga ilang minuto ang lumipas nang may kumatok si Ate Dina kahit nakabukas naman yung pinto.

Dali dali akong tumayo at sinalubong siya. Kinuha ko yung tray na dala niya pero hindi niya binitawan.

"Ako na, Might,"maliit na boses nyang sabi.

"Hindi, ate. Ako na, "pag pupumilit ko at nginitian siya.

"Totoo nga yung sinabi ng ibang kasambahay dito kanina, ang bait mo pala talaga, "nakangiti niyang sabi. Nahiya naman ako.

Nginitian ko nalang siya at dinala yung tray sa may lamesa at dali dali kumuha ng cookie.Sa sofa muna ako umupo dahil mag memeryenda mun ako.

"Sus, mabait daw. Na flattered ka naman? "Panirang sabi ni Kaeden.

"Tse! Tinuruan kasi ako ni Mommy na pakisamahan ng maayos ang mga kasambahay kaya manahimik ka dyan kung ayaw mong isumbong kita kay mom, "pananakot ko.

"Hindi naman to mabiro, "sabi niya at tumayo, bago tumabi sa akin. Kumuha siya ng pop corn at kinain yun. Ganun din si Mia.

Sabi kasi ni Mom, dapat ituring namin na parang pamilya ang kasambahay namin. Sabi niya pa lahat daw ng tao pantay pantay, mahirap kaman o mayaman kaya nasanay narin akong pakitunguhan sila ng maayos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WORSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon