Chapter 3

68 9 0
                                    

Pagkagising ko wala na si kuya sa tabi ko. Agad akong nag hilamos at nagsuklay bago bumaba.

"Ate, nasaan si kuya? "tanong ko sa kasambahay namin.

"Ah, wala ang kuya mo, may pinuntahan daw. Ibinilan nga nya na wag ka daw lalabas ngayon dahil wala sya,"she said. Napasimagot naman ako.

Saan naman kaya nag punta yun? Don't tell me nambabae nanaman?Sabi ko naman kay Mom na i-grounded yun, asar!

"Eh si Mom, ate? Nasaan sya? "Umupo na ako sa dining table at nakita kung nakahanda na ang mga pagkain doon pero iisang plato lang ang nakita ko, ang plato sa harapan ko.

"Ah, magaang umalis ang mom mo. Babalik daw sya sa Cebu at didiretso daw sila ng dad mo papuntang U.S dahil may kailangan daw silang asikasuhin doon. Sabi nya pa medyo matatagalan daw sila bago umuwi kaya bantayan mo daw ang kuya mo, "sagot nya.

At saakin pa talaga pinapabantayan ni Mom si kuya? Nabaliktad pa ata, tsk.

Nag madali akong kumain at nang natapos, dali dali akong naligo. Dahil wala naman akong gagawin ngayon, pupunta nalang ako sa park.

Pagbaba ko, agad akong sinabihan ng kasambahay namin na may bagong darating na kasambahay kaya tumango nalang ako.

Nag suot lang ako ng maong short at plain maroon shirt.Naglakad lang ako papunta sa park dahil malapit lang naman yun dito sa bahay.

Nang nakarating ako doon, medyo kaunti lang ang tao, karamihan pa ay mga bata.Nag lakad ako papunta sa swing at umupo doon.

Ang ganda ng araw ngayon, maliwanag pero hindi mainit, siguro dahil maaga pa naman.

Inilabas ko ang phone ko at nag picture. Dito muna ako mag papalipas ng oras dahil wala din naman akong kasama sa bahay. Mamaya pa pupunta sina Mia at Kaeden doon.

"You fucking idiot! Ilang beses na ba kita binigyan ng chance, ha?! Hanggang ngayon nambababae ka parin? "

Mukang makakanuod ako ng live na jowang nag aaway ngayon ah. Napabaling ako sa pinang galingan ng boses at nakita kong nakatalikod ang babae, nakaharap ito sa lalaking hindi ko makita ang muka dahil nakaharang ang babae.

"Babe naman, kaibigan ko lang yun, "sabi nung lalaki.

"Ilan ba ang kaibigan mong babae at nang matiris ko sila isa isa! Lahat nalang ng babae mo sinasabi mong kaibigan mo! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! "Sigaw nung babae.

"Kaibigan ko nga sila! Masyado ka kasing selosa eh"

"Hindi ako magiging ganito kung hindi ko nakikita ang mga ginagawa mo! Mahal na mahal kita eh kaya kahit paulit ulit mo akong saktan, nandito parin ako. Pero please, maging loyal ka naman sa akin,"pag mamakaawa ng babae.

Duh! Wala bang pride 'tong babaeng to? Ilang ulit na ngang sinaktan, nag papaka martyr parin.

"Loyal naman ako. Masyado ka lang kasing paranoid. Alam mo, minsan naiirita na nga ako sayo. Tutal nakuha ko naman na lahat sayo, mabuti pang mag hiwalay na tayo! "

"B-babe, hindi naman sa ganun. Naiinis lang ako kapag may kasama kang iba.Hindi naman ako nakikipag hiwa-"

"No, mag hiwalay nalang tayo"

WORSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon