TAYO O KAYO

9 0 0
                                    

Hindi ko alam kung praning lang ako
Hindi ko alam kung talagang mapaglaro ang mundo
Hindi ko alam kung saan ito patungo
Basta ang alam ko lang , ikaw lang at ako at merong TAYO
Pero sapat na nga ba ang salitang TAYO
Para di magkaroon ng KAYO
Sapat na bang panghawakan ang salitang AKO ANG NASA TABI MO
Pero parang hindi sapat ang mga salitang yon kasi....sya na ang laman ng puso mo

Ang sakit kasi mas pinili mong manatili sa KAYO
At isinantabi mo ang TAYO
Ewan ko ba kung bakit bigla kang nagbago
Hindi na ikaw yung taong minahal ako ng todo-todo

Lumipas ang araw linggo at buwan
Umiiyak habang pinagmamasdan ang buwan
Umiiyak dahil wala nang pinanghahawakank
Dahil ang pag iibigan natin ay iyong winakasan

Masakit isipin na andali mong sumuko
Hindi mo man lang tumupad ang iyong pangako
Pangako na ikaw ay akin at ako ay sayo
Perp lahat ng iyong ay biglang naglaho

Masakit,oo masakit pero kakayanin ko
Iisipin ko na para narin ito sa ikasasaya mo
Mahal ko, Patawarin mo ako kung nagkulang ako
Patawarin mo ako kung hindi ko nagawang ipaglaban ang TAYO
Kasi alam kong siya na ang mahal mo
At maiiwan ako ng ng pira-piraso
Pero tandaan mo
Kapag narealize mong ako parin ang nasa puso mo,
Andito lang ako,
Tatanggapin parin kita ng buong puso.

MAGPAKATANGA PA HANGGANG KAYA PAWhere stories live. Discover now