LX

15 5 0
                                    

KASAL


Ang saya mo tignang naglalakad patungo dito sa altar habang suot ang pangarap mong wedding gown, alam ko 'yun dahil 'yun ang sabi mo sa'kin, 'di ba?

Sobrang laki ng ngiti mo ngunit kitang-kita pa rin ang panginginig ng mga kamay mo habang hawak-hawak ang isang bouquet ng rosas, napakaganda mo rin tingnan sa suot mong koronang bulaklak, pangarap mong magsuot ng gan'yan sa kasal mo, 'di ba?

Ito na 'yun, ang pangarap mong makasal sa lalaking mamahalin mo at magmamahal sa'yo. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa iyong mga mata.

Naalala ko tuloy no'n, nang tayo'y mga bata pa, pinangakuan kitang papakasalan sa pinakamagandang simbahan habang suot ang isang malaking wedding gown na tinirnuhan ng flower crown, 'di ko tuloy mapigilang mangilid ang luha ko nang maalala ang ala-alang 'yon.

Nang palapit ka na dito sa altar ay nginitian kita at gano'n ka din sa'kin. Bakas ang pagkasabik sa iyong mga ngiti gano'n din sa 'yong mga mata.

"Salamat," usal mo, nginitian kita at ako'y sasagot na sana nang biglang sumingit si George.

"Salamat sa pag-aalaga mo kay Bella, Mark. Ngayon, ako na ang mag-aalaga sa kaniya nang panghabang-buhay. Pangakong iingatan ko siya higit pa sa pag-aalaga mo sa kaniya, mahal ko 'to eh." Nakangiting saad ni George sa'kin at tinapik ako sa balikat.

"Mahal din naman kita," sagot mo sa kaniya at tuluyan ka na niyang kinuha sa'kin.


"Ako sana ang nand'yan sa tabi mo kung naging matapang lang ako't tinupad ang mga pangarap ko sa'yo" utal ko sa aking sarili at nag-uunahang bumabagsak ang mga luha ko.

Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now