~xx Entry Four

108 10 2
                                        

August 9, 20**

Dear Diary,

Goodness! I hate this! I hate the reason why I need to wake up early and go to the school where the most arrogant and btchy people I know are. I hate my parents. They want me to follow their wishes, but why couldn't I do what I want?! Tsk. Friend, you know what? Sometimes, I even wonder if my life has a purpose, or I'm just basically a piece of crap in this world. Ugh.

Oh gosh! My head aches! Literally, yeah. Currently, my head aches so bad, colors are dancing before my eyes and I feel wobbly. Gaaah! It's like my head's going to split. I wanted to tell you MANY MORE THINGS, but I cannot because of my headache. Sorry, friend. Bye for now.

xx~

Leigh

=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=

"Ugggh." paghiga ko sa kama, nilagay ko yung kamay ko sa mata. Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Umaatake nanaman ata migraine ko. My head's going to split!

"Leigh, bumangon ka na. Nakahanda na yung breakfast mo." pumasok si Mama Del sa kwarto ko at nakita niya atang may problema ako. Agad siyang lumapit sa'kin na may pag-aalala.

"'Nak, ayos ka lang ba?" tanong niya sa'kin.

"Mama Del, ang sakit ng ulo ko. Tsaka nanghihina ako." sabi kong mahina. Sobrang nanlalambot talaga katawan ko. :(

"Aw. Sandali, kukuha lang ako ng Biogesic sa baba ha? Dadalhin ko na rin dito yung pagkain mo. Magpahinga ka lang." sabi niya tapos umalis na siya para kumuha ng gamot ko nga.

Aww. Nilalagnat ata ako. Jeez. Anong oras na ba? Hmm, 6:30 AM na rin pala. Oh well, I guess, no choice akong mag-absent ngayong Monday. Feeling ko kasi kapag tumayo ako, anytime pwede akong matumba. Sheez. What's happening to me? T_____T

" 'Nak, eto na yung gamot at pagkain mo oh." inabot sa'kin ni Mama Del yung gamot tsaka.... lasagna. :\ Isang tao lang naman ang gumagawa ng lasagna sa bahay eh....

" Kumain ka na ha? May gagawin lang ako sa baba. Niluto nga pala yan ng mommy mo bago sila umalis ng daddy mo papuntang Japan kanina. Babalik daw sila sa Thursday."

"Hmm-hmm." nagnod lang ako. WOW, nagmalasakit pa siyang magluto? WOW LANG. HA-HA. Ano kayang nangyari at naisipan akong gawan ng ganito ni Mommy? It's been 10 years nung gumawa siya ng lasagna, yung yung time na family picnic namin sa park at kasama pa namin si Lalaine...

AIIIIIIIIIIIIIIIISH! Bakit mo ba inaalala yung nangyari 10 years ago, Leigh? Tss. Erase, erase.

Tinikman ko yung lasagna... Wala pa rin nagbabago. Masarap pa rin yung gawa ni Mommy. Sana pati yung pakikitungo nila ni Daddy sa akin, hindi nagbago. Kaso, nagbago eh. Ang masama dun, ako ang naapektuhan. Tsk.

Nakaka-tatlo palang akong subo, nabulunan na agad ako. Inabot ko yung basong may tubig dun sa side table. Kaso biglang dumulas at nahulog. Naka-carpet kaya di ito nabasag.

SHET. Di ako makahinga. A-ack! Oh God.

" Leigh --- JUSKO PO." agad tumakbo sa'kin si Mama Del at tinulungan. After a few minutes, naging okay nanaman ako. Di ko na tinapos yung lasagna, eh sa natapon na siya eh! Huhuhu. Pinagpahinga na lang ako ni Mama Del sa kama.

Napag-isip isip ko... ano bang nangyayari sa katawan ko? I know it's normal for me to have headaches... pero yung manghihina talaga nang sobra yung katawan ko? Nah.

Pero come to think of it, baka may trangkaso lang ako.

I think I'm being paranoid. Naalala ko nanaman si Lalaine. :(

Binuksan ko yung isang drawer sa side table at kinuha ko ang isang picture frame.

How I miss those happy smiles....

How I miss those carefree and joyful laughs of yours...

How I miss those funny pranks you do...

How I miss my only little sister....

How I miss you, Lalaine.

I'm sorry. :(

I hope you always find a reason to smile, wherever you are.

=================================

A/N

That's all for now! Di ko kakayanin matapos eh. Sorry, leave some comments naman oh. Please? *puppy eyes*

Lalaine's picture ====>

THANK YOU SA MGA NAGBASA AT NAGVOTE. I APPRECIATED IT.

xoxo

A Year to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon