Chapter 6

479 13 1
                                    

Pinilit ni Maxene ang ngumiti sa harap ng salamin. This is her brother’s wedding and she must do her part not to let her emotions affects her system. She looks like a princess with her pink satin gown. Isa sa pinakasikat na wedding designer ang kinuha ng kapatid para siyang magdesign sa mga damit nila. Lutang na lutang ang malarosas niyang balat at hakab na hakab iyon sa katawan niya. Parang totoong isinukat sa kanya iyon. Napatingin siya sa sariling repleksyon. Mabuti na lamang at naitago ng make-up ang pangingitim ng palibot ng kanyang mata.

Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon at iluwa ang nakangising si Antonette. Namumukod tangi rin ang ganda nito sa suot nito mas lalo na sa cleavage nito. Kitang-kita na ang kaluluwa nito.

“Nagkamali ka yata ng silid na pinasukan.” Pormal na sabi niya rito.

Inignora nito ang sinabi niya at tuloy-tuloy sa bintana. Nanungaw ito doon bago tumingin sa kanya.

“This really bores me to hell.” Sabi nito habang sinusuyod siya ng tingin.

Natawa siya ng pagak. “Why you! I thought you like parties and everything.”

“Well, partly yes but not being you around my dear cousin. You attract attentions.” Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya.

“Is that a compliment? Why? Am I a threat to you?”

“Yes you do, but not anymore. You knew about the news right?” sumeryoso ang mukha nito pero hindi pa rin inaalis ang mga paningin sa kanya.

“What news? I heard lots of news when I came here. Very interesting news indeed.” Pagmamaang-maangan niya. But somehow, she already knew what she was talking about.

Natawa naman ito sa sinabi niya. “Don’t play games with me Maxene. You know what I mean. Chuck told you about it, right?”

Nanatili lang siyang nakamata dito. Nang marealize siguro nito na wala itong aasahang sagot sa kanya ay nagpatuloy ito.

“I’m sick, that’s the news I am talking about.” Walang kangiti-ngiting sabi nito.

“Oh that, what about it?” balewalang tanong niya rito. Mas pinili niyang nakaharap sa salamin at doon ito tingnan. She knew she was lying. Kilalang kilala niya ito kaya naman nagtataka siya kung bakit pa siya pinuntahan nito para sa bagay na iyon.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito. “Now I know you’re not convinced. Why dear cousin? Hindi ka ba naniniwala kay Chuck?” tanong nito at nagsindi pa ng sigarilyo sa harap niya.

“You’re the one playing games here Antonette. Kung napaniwala mo sila, not me. I know you more than anyone else.” Matapang ang anyong sabi niya rito. Kung pwede nga lang na maglaho na lamang ito sa buhay nila para matapos na ang mga kasinungalingan nito.

“Very well said my dear. Hindi mo naman talaga kailangang maniwala dahil sapat ng mas maraming naniniwala sakin kaysa sa’yo. At sapat na rin na nakikita kong nahihirapan ka.” Nakangising sabi pa nito at humakbang pa palapit sa kanya. “You live with nothing Maxene and I have all.” Aniya at lumayo ng bahagya sa kanya. “You look as if you wanted to eat me alive Maxene.” Nakatawang hinawakan pa nito ang baba niya at itinaas iyon. “Bakit hindi mo ipakita sa’kin ang pagiging spoiled brat mo? You can even push me down the stairs again.” Aniya na may diin ang huling salita. “Just like what happened in the past.” Paalala nito.

“Damn you! You’ll definitely pay for it, not now but soon. Kung nagawa mong paikutin sila sa mga palad mo sa loob ng anim na taon ay hindi na ngayon. Sisiguruhin kong pagbabayaran mo ‘to.” Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit. Sinasabi na nga ba niya na hindi totoong maysakit ito. But she’s right. She lives with nothing in this world. At kung gumawa man siya ng paraan para matigil na ang kahibangan nito ay paniwalaan naman kaya siya ng pamilya niya?

Book 2 : Restless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon