Chapter 3

546 11 2
                                    

Ayoko.” Sagot nito na pumutol sa pag-iisip niya.

Tumaas naman ang kilay niya.

Bakit naman?” tanong niya. Curious siya kung bakit sa ginanda-ganda ng pinsan niya ay walang interes ang lalaking makilala ito.

Basta ayoko.” May pinalidad sa boses na turan nito.

Maganda naman ang pinsan ko bakit ayaw mo siyang makilala?” tanong niya rito.

Ba’t ba ang kulit mo?” aniya at pinisil pa ng bahagya ang ilong niya. Napaismid siya sa ginawa nito.

Nagtatanong lang naman ako eh.” Pangungulit niya.

May iba akong gusto kaya ‘wag ka ng makulit.”

Gusto man niyang kulitin ito ay hindi na niya nagawa dahil tinawag na sila ng mama nito upang kumain. Himala at may iba na pala itong pinopormahan. Sino na naman kaya ang malas na babae?

Pagkatapos ng ilang sandaling pamamahinga ay hinatid na siya ni Chuck sa kanila. Naabutan pa nila ang kuya Mark niya na abala sa pakikipag-usap sa telepono. Bahagya lamang itong tumango ng makita sila. Hindi na rin nagtagal pa ang kaibigan niya dahil kailangan na din daw nitong magpahinga. Pinitik pa nito ang ilong niya bago kumaripas ng takbo pauwi. Himas-himas pa niya ang ilong habang papasok ng silid.

Dahil araw naman ng sabado ay tanghali ng bumangon si Maxene. Dumiretso siya ng banyo para madismaya lang ng makitang walang tulo ang gripo doon. Pupungas-pungas pa siya ng bumaba at dumiretso ng kusina kung saan nasa dulo niyon ang banyo.

Magandang tanghali mahal na prinsesa.” Tinig mula sa likuran niya. Halos mapalundag siya sa sobrang gulat. Nang makita ang nakangiting kaibigan niya ang naroon ay binatukan niya ito ngunit dahil alam na nito ang posible niyang gawin ay agad itong nakailag.  Nang maalalang hindi pa pala niya nagagawang maghilamos man lang ay bigla siyang mapatili at mabilis pa sa alas kwatrong pumasok ng banyo. Narinig pa niya ang malakas na tawa nito. Kahit kailan talaga ay pasaway ang loko-lokong iyon. Napapangiting binuksan niya ang dutsa. Mabuti na lang at dala na niya ang pambihis niya kaya itinuloy na niya sa paliligo ang dapat sana ay paghihilamos niya.

Ang tagal mo namang maligo. Inubos mo na yata ang tubig sa poso eh.” Biro sa kanya ni Chuck na prenteng nakaupo at nilalantakan ang pagkaing nakahain sa mesa.

At sino ang maysabi sa’yong kainin mo ‘yan?” pagtataray niya rito at hinablot ang platong punong-puno ng spaghetti.

Ang sama talaga ng ugali ng babaeng ‘to.” Kakamot-kamot sa ulong sabi nito.

“Bakit ba nandito ka? Wala ka bang lakad kaya dito ka na naman tumatambay?” sunud sunod na tanong niya rito at umupo sa tabi nito. Siya naman ang sumubo ng spaghetti. “Nga pala na saan sila mama saka si kuya Mark?” tanong niya rito ng maalalang hindi niya pa nakikita ang mga ito.

Tsk tsk… nagagawa mong kumain ng hindi alam kung nasaan sila?” patuyang saad nito na ikinakunot-noo niya.

Asan ba sila?” ulit niya .

Umalis, pumuntang kabilang bayan. Mamaya pa daw makakauwi ang mga iyon.” Paliwanag nito.

Bakit hindi nila ko isinama?” Nagtatakang tanong niya sa sarili.

Tulog na tulog ka kasi kanina kaya ibinilin ka na lang nila sakin.” Sagot nito at inagaw ang hawak niyang tinidor. Ito naman ang sumubo ng spaghetti.

“Ang malas ko pala.” Mas pinalungkot niya ang boses para asarin ito.

Anong malas mo? Malas ko ka’mo.” Aniya at iniwan na siya sa kusina.

Book 2 : Restless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon