Kabanata 24

27.5K 750 63
                                    


A/N: Longest chapter of Filthy Rich Bastard so far, probably the longest chapter I made in all of my stories here. So, I'm also expecting long comments from you, darlings (lol). Happy reading! And also, play the multimedia/song while reading the first part of this chapter to add more drama (the song is She's Out of my Life by Michael Jackson).

Kabanata 24

Jango

She's out of my life

She's out of my life

And I don't know whether to laugh or cry

I don't know whether to live or die

And it cuts like a knife

She's out of my life


"GUSTO MO ba talaga siyang umalis, hijo?"

Napatingin ako mula sa repleksyon ni Mang Simon sa may salamin ng bintana kung saan ako nakatingin sa kawalan habang may hawak na bote ng alak sa isang kamay.

"Ano pa bang bago? Hindi naman ito 'yong unang pagkakataon na umalis siya dito sa barrio," nasa boses ko pa rin ang pagtatagis ng banggang ko.

Dahil kahit magdadalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang umalis si Vivi sa bahay, hindi pa rin mahupa ang galit sa dibdib ko at 'yong katotohanan na niloko niya ako at pinagmukhang tanga sa napakahabang panahon.

"Hijo, hindi naman sa gusto kong manghimasok sa buhay pag-ibig mo. Ako'y magpapayo lang bilang nakakatanda sa'yo."


So I've learned that love's not possession

And I've learned that love won't wait

Now I've learned that love needs expression

But I learned too late


Wala akong panahon para makinig sa kahit anong payo lalo pa't hindi naman no'n mababago ang katotohanang tapos na sa amin ni Vivian ang lahat.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nabilog niya ang ulo ko at napaniwala na anak namin si Amber. Na sa ilang linggo naming nagsasama sa iisang bubong at umaarte na masayang pamilya, saka ko pa malalaman na guni-guni ko lang pala ang lahat.

Na 'yong inaakala kong masaya kong pamilya, isa lang palang malaking kasinungalingan.

Pero bilang pangbawi ko na rin sa pagtataas ko ng boses kay Mang Simon no'ng nakaraan at hindi sinasadyang pagbaling ko ng galit dito, hinayaan ko na lang siya na tumayo sa tabi ko at sabay na tiningnan 'yong kawalan na nasa harapan naming dalawa.

"Sa pag-ibig, hindi lahat ng nagmamahalan nananalo. May umuuwing talunan, may umuuwing sugatan. Pero hindi ibig sabihin na nasaktan ka at natalo ka sa sugal ng kapalaran, isusuko mo na 'yong pagmamahal mo sa isang tao," panimula ni Mang Simon. "Ang magkarelasyon, kaya nagtatagal at nagpagtitibay ng panahon ay dahil na rin sa mga pinagdadaanan nilang problema at paghahanap ng resolba nang magkasama. Kung sa bawat laban kayong dalawa ang nagsasaluhan ng granada, kayo na rin mismo ang nagbibigay ng dahilan para bumagsak ang inyong kampo."

Filthy Rich Bastard (Barrio Huego Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon