//5. Puzzle

36.2K 438 30
                                    

Abigail's POV

Tatlong araw nang lumilipas nang malaman kong may kabit ang asawa ko. Tatlong araw na rin akong hindi makatulog at hindi makakaen. Nahahalata na ni Michelle yun at sinabi kong wag nang ipaalam kay Garry.

Sa mga sinabi sakin ng pinsan ko ay panigurado na hihiwalayan ako ni Garry kung mahal niya ang kabit niya. Ayokong mangyari kaya ayokong ipaalam sa asawa ko na alam ko na. I don't want to face the truth. Baka mapaaga ang paghihiwalay namin pag sinabi ko sa kaniya. Malay natin, biglang mauntog agad si Garry. Kung hindi man ay may magagawa pa ba ako kung hiwalayan niya ako? Aayaw ba ko na hiwalayan niya ko kung mahal niya pala yung babae niya? Ipagdadamot ko ba ang anak niya kung ayokong lumaki ang bata na walang ama?

Si Shania ay mahal niya ang daddy niya. Ayokong ako ang maging instrumento para maglayo sila. Kung si Garry ang may kasalanan kung bakit sila maghihiwalay ay kawawa parin ang bata. Pag pinagdamot ko ba si Shania ay maibabalik ang lahat? Hindi na, kaya buo na ang pasya ko. Maghihintay na lang ako sa pwedeng mangyari at tatanggapin ang lahat nang maluwag sa loob.

Tama nga si insan na nahihibang lang ang asawa ko. Yung asawa niya kasi ay siguro ganun din. Dumating ang time na nauntog. Wala nang babalikan ang asawa niya at meron na siyang iba. Siguro nga ako na ang pinaka tanga sa buong mundo. Pero ayoko paring saktan ang asawa ko dahil ngayon pa lang ay dama ko na ang sakit. Ayokong danasin niya ito at sapat na sakin ang magsisi siya at balikan ako.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Tessie.

Tulala kasi ako.

"Okay naman. Kamusta na kayo ng asawa mo?" kinamusta ko siya para kung ano ang nasa loob niya, may karamay ako ng lihim.

"Ayun at totoong may babae nga. Akala niya hindi ko malalaman ah."

"Ano nangyari nung nalaman mo?"

"Kulang na lang ingudngud ko sa lupa yung mukha nung babae. Pasalamat siya at inawat kami ng asawa ko dahil hindi ko talaga siya titigilan."

"Okay na kayo ng asawa mo?"

"Yup! Hihiwalayan ko siya pag hindi pa siya tumigil sa pambababae niya."

"Paano kung ikaw ang hiwalayan ng asawa mo?"

"Magsama sila basta magbigay lang siya ng sustento."

"Mag aasawa ka uli?"

"Dipende. Kung palamunin rin lang ang magiging asawa ko ay wag na lang. Madadagdagan pa ang anak kong maghihirap."

"Paano kung mayaman?"

"Gora lang. Basta tanggap niya tong anak ko."

"Paano kung mahal ka pa pala ng asawa mo at nagsisi siya?!"

"Andami mong tanong? Saka na natin malalaman yan pag nangyari na. Kahit ako hindi ko alam ang gagawin ko."

"Sa tingin mo, hindi kaya malayong mangyari na mahal ka pa pala ng asawa mo kaso meron ka nang iba?"

"Pwede rin. Matagal na kaming mag asawa at mabait akong asawa. Mamimiss niya ko I'm sure. Pero sorry siya diba? May iba na ako. Siya naman yung nakipag hiwalay eh."

"Ganun? Paano kung mahal mo pa siya nung oras na may iba kana?"

"Hindi ko na siya babalikan. May iba na ako eh. Maliban na lang kung walang kwenta yung pangalawa ko. Basta tanggap ako ni una. Go lang. Alam niya na hindi ko kasalanan kung may iba man ako diba?"

"Sorry sa tanong ko ah."

"Bakit ka nagtanong? Pero alam mo. Hindi parin ako sure kung ganun nga ang mangyayari. Hindi ko pa kasi nararanasan eh."

"Okay lang."

Salamat at may nakakausap ako kahit papaano. Napapagtugma tugma ko ang lahat ng sinasabi nila.

Iisa lang ang sinasabi nila.

Mahal ako ng asawa ko at nahihibang lang siya. Pag nauntog ay babalikan niya ako.


Unfaithful Husband [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon