//6. War

36K 533 16
                                    

Garry's POV

"Ilang araw na ah? Sinasabi ko sa'yo garry. Hihiwalayan talaga kita pag hindi mo pa sinabi sa asawa mo."

"Bakit? Apat na araw pa lang. May 3 days pa. Ako ang bahala. Wag ka na magalit. Ayokong nag aaway tayo."

"Gusto ko lang naman na masolo kita."

"Solo mo ako. Mula nung nakilala kita, naging sa'yo lang ako."

"Maganda ang asawa mo Garry. Alam kong minsan natutukso ka sa kaniya."

"Mahal kita. Trust me Joy. Ikaw lang."

Pagtapos namin mag usap ay unuwi ako. As usual! Mukha na naman ng asawa ko ang nakikita ko. Buti naman at hindi niya ako kinikibo. Nasa kwarto kami ngayon at gusto ko na siyang awayin para matapos na ang lahat.

"Bakit ba para kang walang nakikita?" sabi ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinaghain this time.

Hindi siya kumikibo. Baka napansin niya na wala na akong paki sa kaniya.

"Ano? Ganiyan nalang ba lagi? Nakakasawa na." sabi ko. Galit ako at hinihintay kong magsalita siya para mag away kami.

This is the only way para magkasira na kami. 3 days pa para hiwalayan siya. Hindi siya kumikbo. Pero nakarinig ako ng pag hikbi niya. Siguro nararamdaman na niya na hindi ko na siya mahal. Ano ba kasi ang dapat gawin? Ayoko nang dayain ang sarili ko.

Hindi ko na mahal si Abie at si Joy na ang pumalit sa kaniya.

"Kung ayaw mong magsalita bahala ka. Pag ako nainis hihiwalayan na kita."

"Bakit Garry? Gusto mo na bang maghiwalay tayo?"

"Oo dahil napipikon ako sa'yo."

"Wala akong ginagawang ikapipikon mo."

"Basta! Naiinis ako sa'yo!"

"Gusto mo na bang maghiwalay tayo?"

Hindi agad ako nakasagot.

Natulog na lang ako.

Bakit biglang umurong ang dila ko. Paglakataon na 'to.

Kinabukasan wala kaming kibuan. Ang anak ko lang ang kausap ko atsaka si Michelle. Nakapag pasya na ako na mamayang gabi ay hihiwalayan ko na siya.

Kinagabihan ay umuwi akong lasing. Nag inom kami ni Joy.

Tulog na ang misis ko. Paano ko siya aawayin?

Ginising ko siya.

"Kuha mo ako ng tubig. Nakainom ako! Tinatamad na ako."

"Inaantok ako. Dapat dumaan ka muna sa ref bago ka pumasok sa kwarto."

"Dati dati naman sinusunod mo ako ah."

"Garry ano ba? Naistorbo ako. Gigising pa ako ng maaga bukas."

"Bahala ka sa buhay mo. Parang hindi na kita asawa!!"

Hindi na siya kumibo at natulog na. Ngayon na!

"Maghiwalay nalang tayo!!" Hindi siya kumibo. "Ano hindi kaba magsasalita?!"

Hindi siya nagsasalita.

"Wala kang kwentang asawa." sabi ko uli at bigla siyang bumangon.

"Ako pa ang walang kwenta? Ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa pero parang baliwala lang. Maghiwalay na lang tayo kesa sa nahihirapan ako."

Hindi agad ako nakaimik. Hindi ko akalain na papayag siya ng ganun kabilis.

Unfaithful Husband [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon