Abigail's POV
Ang hirap mamalengke pag nag iisa ka. Haaay buti nakauwi na ako. Bakit kasi kung kailang Day off ni Michelle saka ko pa naisipang iluto ang favorite ng asawa ko.
Pag-uwi ko sa bahay ay si Shania lang ang nakita ko. Wala ang asawa ko.
"Shania, baby! Where's your dad?!" Tanong ko.
"I don't know mommy!" Sagot niya.
Siya ang nag iisang anak ko kay Garry. She's already 5 years old.
Nagluto ako at hinintay ang asawa ko. Pero nakatulog na kami ni Shania bago pa siya dumating.
"Saan ka galing?" Tanong ko nang maramdaman ko na dumating siya.
"Sa bahay ng Kaibigan ko. May pinag usapan kami. Tagal na naming hindi nagkikita." Sagot niya.
"Hindi ka nagtext? Nagluto ako ng kare kare tapos wala ka pala."
Natulog na siya.
May pasok siya kinabukasan pati ang anak ko. Kami lang ni Michelle ang naiiwan. Siya ang kasambahay namin. Minsan nagpupunta ang kaibigan ko.
Gaya ngayon.
"Masaya ka sa asawa mo ah?" Sabi ni Tessie habang nakatambay lang kami sa terrace.
"Of course! Asawa ko siya. I don't have any reason to get sad."
"Naiinggit naman kasi ako eh."
"Wag ka na mainggit. May problema ba kayong mag asawa?"
"Wala naman."
"Bakit inggit ka?"
"Ang saya mo kasi eh. Alam mo 'yun? Ako kasi hindi na masiyadong pinapansin ng asawa ko."
Actually pareho kami pero kailangan kong itago. Ayoko kasing pag isipan kami ng masama. Hindi ko alam kung ano yung maipapayo ko dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko.
"Hayaan mo. Dadating ang araw na magbabago din siya. Lambingin mo kasi."
"Parang gusto ko nang maniwala na meron siyang babae."
"You don't have to say that. Trust your husband. That's imposible because how many years na kayong magkasama. All you have to do is to keep quiet."
"Hindi ako adik sa sex. Pero siyempre nagtataka din ako. Bakit parang ayaw na niya makipag sex sa'kin?"
Parehong pareho kami.
"You don't need to say that word. You don't have to say to me that. Paano kung chismosa pala ako? Eh di kumalat yang problema mo na yan?"
"Kaya nga sa'yo ko sinabi dahil may tiwala ako sa'yo."
Nainis ako pag tapos namin mag usap.
![](https://img.wattpad.com/cover/21224640-288-k575558.jpg)