Chapter 1

21 3 2
                                    

Pool party

(Aria's Pov)

Maingay at malakas ang music ng makapasok kami ni Ianne sa loob ng mansyon ng Angeles actually hindi sa loob nang gagaling ang ingay kundi sa likod kung saan nandoon ang malawak na pool nila, pool party daw ang naisipan ni Miguel which is new to me, I thought he preferred a normal party, no noise.

"Aria, Iya!"tawag sa amin ni Margarette na mabilis ang hakbang na bumababa sa hakdan.

"Halina kayo!"sabi niya ng malapitan na kami at hinila kami sa likod ng mansyon nila and there I saw bunch of boys and girls enjoying the pool party.

"Marga anong ginagawa niyo rito?"nanlamig ako ng marinig ang boses niya, sabay kaming tatlo na napalingon kay Miguel na seryosong nakatitig sa akin... or should I say samin.

"May ibibigay kasi sina Aria kuya"halos ipagtulakan ako ng dalawa kay Miguel kaya nakaramdam lalo ako ng kaba.

"Sige kuya pasok muna kami sa loob, Aria sunod ka nalang"pagpapaalam nila at mabilis na pumasok sa loob ng mansyon.

"What is it?"seryosong tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa akin, okay I think awkwardness is winning right now. Dahan-dahan kong binigay sa kanya ang regalo ko.

"A-ah. Happy birthday, sana magustuhan mo"I tried my best para hindi niya mahalatang apektado ako sa presensiya niya.

And then nagulat ako sa reaksiyon niya he smiled?! right? I saw it he smiled pero bakit ang bilis niyang mag seryoso? or I was just dreaming?

"Pumasok kana sa loob"nalito ako sa sinabi niya, bakit niya ako pinapapasok? ayaw niya ba ng regalo ko although hindi pa naman niya nabubuksan or ayaw niyang nandito ako sa party niya?

"H-huh? S-sige"nauutal na sabi ko at nahihiyang ngumiti.

"Stay with Marga and Ianne pupunta ako roon mamaya"dagdag pa niya na lalong nagpagulo ng utak ko.

"No you don't need to...this is your party right? you should enjoy this with your friends"sabi ko.

"Just stay, I'll go there later"hindi na ako nag protesta pa at mabilisan na pumasok sa loob ng mansyon nila.

"So ano? anong sabi ni kuya?"parang kiti-kiti ang dalawa na di mapakali ng makarating ko kung nasan sila.

"Wala pinapasok lang ako dito"sagot ko na nagpasimangot sa kanila.

"Yun lang?!"di makapaniwalang sabi ni Margarette.

"Oo dito lang daw ako pupunta raw siya dito mamaya"dagdag ko pa.

"Huh? Anong gagawin niya rito? e nandoon mga kaibigan niya a"nagtatakang sabi ni Ianne na sinang-ayunan ni Margarette, maski rin naman ako nagtataka sa kanya.

"This is boring, we should join them"parang gusto kong umayaw sa sinabi ni Margarette.

I don't know, I feel nervous and I think anytime magpapanic ako pag sinuway ko ang sinabi ng kuya niya.

"Let's go, akong bahala kay kuya"sabi niya at hinila ako, hindi na kailangan hilahin pa si Ianne dahil tulad ni Margarette ay halatang gusto rin niyang makisali sa selebrasyon, I'm used to be the friendly type pero parang nilalamon ata ng pagkahiya ang pagkatao ko ngayon.

"Oh hi Marga sino yan kaibigan mo?"pagbati sa kanya ng ng isang senior na lalaki.

"Ah Oo kuya Paul si Ianne at Aria nga pala"pagpapakilala sa amin ni Margarette.

"Aria Jacinto? right?"ngumiti ako at tumango sa kanya.

"I'd heard so much about you"sabi niya, bahagya akong siniko ni Ianne na pinagtaka ko.

"Ah talaga?"sabi ko.

"Yap. you're pretty at your young age"pumula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"What are you doing here?"napatingin ako sa nagsalita sa tagiliran ko.

"M-miguel?"gulat na sabi ko.

"Sige nice meeting you girls" paalam nung lalaki at lumayo na sa amin.

"Oh kuya andiyan ka lang pala"sabi ni Margarette at hinarap ang kuya niya.

"We are going to join your party"malamig na tigtig ang natanggap ko kay Miguel na hindi pinansin ang sinabi ng kapatid niya.

"Hello?"winagayway ni Margarette ang kamay niya sa harap ng mukha ni Miguel kaya napatingin ito sa kanya.

"Fine"sagot lang nito.

Sumigaw si Margarette at Ianne sa excitement at mabilis na nakihalubilo sa mga kaklase ni Miguel samantalang naiwan naman akong nakatayo sa harap niya.

"Why don't you join them?" malamig na tanong niya, I rather watch you enjoying your party Miguel... I hope you know.

"Ah no thanks, wala ako sa mood"palusot ko.

"Really?"naninimbang ang tingin niya na nakatingin pa rin sa akin.

"Y-yeah, you should go back to your friends"sabi ko.

"Let's go inside"nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa mansyon nila.

"Teka bakit?"natatarantang tanong ko.

We stop in their kitchen, malaki at may side table sila.

"You should not wear that short shorts"napatingin ako sa suot kong maong short at agad din binalik sa kanya ang tingin.

"Why? hindi naman maikli a, beside this is a pool party"sabi ko.

"All shorts are short and yes this is a pool party but you're not going to swim right?"sabi niya.

"Yes but"hindi na natuloy ang sasabihin ko ng naglapag siya ng cookies sa harapang lamesa ko.

"No buts, you're just a teenager you should wear pants or long dress"hindi ko na napigilan ang sarili kong mapairap sa kanya.

"This is what you called fashion Miguel"kumuha ako ng isang cookies at nakasimangot na nginuya iyon.

Awan I just got irritated to his words but somehow he's right but argh no one in my life had ever questioned my fashion style!

"Your fashion is too matured"sabi niya, okay Aria kalma birthday niya kaya dapat magpakumbaba ka.

"Then I should be a nun"sarkastikong sabi ko.

"You will not able to marry a man"paalala niya.

"Then I should wear what I want"nakangiting sabi ko.

"Yeah but not too revealing"dagdag niya.

Somehow I understand his point but why does he care? siguro kasi ganyan siya kay Margarette? But margarette wears a swimsuit.

"Ahem! Excuse me kukuha lang ako ng tubig masyadong matamis yung juice sa labas"sabay kaming napalingon kay Margarette na laking laki ng ngiti.

"Pero mas matamis pa rin yung...cookies"dugtong ni Ianne na sumulpot sa tabi ni Margarette.

Dear Miguel, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon