Chapter 13

7 2 0
                                    

Manliligaw

(Ianne's POV)

"Tingnan mo nga naman sa hinaba haba ng panahon manliligaw din pala sayo si kuya Miguel"sabi ko kay Aria.

Ngumiti siya na parang kinikilig kaya umakto akong parang nandidiri.

"Grabe ayaw ko talagang umibig napaka corny e"biro ko.

"Asus kay Klio ka muna"inis kong tiningnan si Margarette na nag-aayos ng mukha niya.

"E kung tumigil kana kaya sa paghahanap ng panakip butas?"sabi ko na dahilan ng pag irap niya.

"Teka may balita ba kayo sa ex ni kuya Miguel?"pag iiba ko ng usapan.

"Wala na pinalayas ko na"sagot ni Margarette.

"We? Seryoso?"sabi ko.

"Dumb. Malamang hindi! yun lang yung balak kong gawin"sagot niya.

Napapaisip ako na hanggan kailan kaya ang itatagal ni kuya Miguel at Aria?

"Hoy Aria nag kiss na ba kayo ni kuya Miguel?"deritsang tanong ko.

Pumula agad ang pisngi niya at agad umiling.

"Ano ba nanliligaw palang yung tao e"sabi niya.

Asus imposible naman na hindi pa sila naghalikan.

"Hay nako wag mo na pansinin si Iya alam mo naman kung gaano kalibog yang babaeng yan"natatawang sabi ni Margarette.

"Gago ka"sabi ko agad.

"Ah basta ako happy ako for them"sabi ni Margarette.

"Magiging sister-in-law na kita tapos magkakaroon na ako ng pamangkin pag nagkataon"ngiting ngiti pang dagdag niya.

"Oh tamo? mas malibog ka nilagpas mo na agad sa kasal yung dalawa e"protesta ko.

Napairap sa amin dalawa si Aria.

"Oa niyo ang layo agad ng nararating ng imahinasyon niyo"sabi niya.

"Ano ba! sinasabi lang namin yung mga maaaring mangyari sa inyo"sabi ko.

(Aria's POV)

Hanggan ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari yung nag-away lang kami ng ex niya pagkatapos may nangyari nang aminan ng feelings, kung alam ko lang na yun pala ang tulay para maging kami sana ay noon ko pa nakilala ang ex niya.

"Ehem! andiyan na jowa mo"pabulong na sabi ni Ianne.

Napatingin ako sa likuran ko kung saan nakatayo si Miguel sa may pinto.

"Can we talk?"tanong niya.

Agad akong umalis sa kama ni Margarette at lumapit sa kanya.

"Talk lang ha!"sigaw ni Ianne na agad kong pinanlakihan ng mata.

"Tara na wag mong pansinin yan" sabi ko at naunang lumabas sa kanya.

Pumunta kami sa veranda nila.

"Anong pag-uusapan natin?"tanong ko.

"May outing kaming mga senior sa tagaytay"sagot niya.

"And?"bakit niya sasabihin sa akin ang ganitong bagay? Hindi ba dapat kay tita?

"1 week kami dun, do you want me to go?"napangiti ako dahil sa sinabi niya, nagpapaalam ba siya? Hmm. ang sama ko naman kung hindi ko siya papayagan.

"Of course!"sagot ko.

Sumimangot siya at isinandal ang ulo sa balikat ko.

"I thought you'll stop me"parang dismayado pa siya ha!

"At bakit naman kita pagbabawalan? graduating kana you should spend your remaining time with your friends maghihiwa hiwalay na kayo no!"sabi ko.

"I would like to spend my whole life with you"namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Ikaw ha! may pag banat kana"sabi ko.

"Hmm. Why? ayaw mo ba?"sabi niya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Don't drink while I'm not around"banta niya na agad kong tinanguhan.

"Don't wear shorts"tumawa ako at tumango ulit.

"Don't break my rules"huling sabi niya.

"Oo na napaka bossy mo naman"natatawang sabi ko at umiwas ng tingin.

"Teka meron pa pala"dagdag niya kaya napatingin ulit aki sa kanya.

"Ano? wag mong sabihin na pagbabawalan mo akong lumabas ng bahay"ngumisi siya at umiling.

"E ano pala?"tanong ko.

"Don't...stop loving me"umirap ako sa kakornihan niya.

"Ewan ko sayo Lyndon Miguel!"ano bang ginagawa mo sa akin Miguel? nababaliw na ako sayo.

"I love you"malambing na sabi niya at niyakap ako.

"I love you too"sabi ko.

"Wag kang magpapasaway habang wala ako ha"paalala niya.

"Ilang ulit mo pang ipapaalala yan Miguel?"sabi ko.

"Baka gustong magbago ng isip mo? gusto mo naman ata akong mag stay dito"sabi niya na agad kong inilingan.

"Hay nako wag ka ngang makulit sinabing sumama ka kasi sayang yung pagkakataon"sabi ko.

"Walang masasayang kung ikaw ang kasama ko"ay kinikilig na talaga ng sobra.

"Your face is red, I love it"nangingiting sabi niya.

"Heh! Wag ka nga"saway ko.

Nakakahiya kumalma ka Aria!

"Aray! Aray! ang sakit kinagat ako ng langgam"sabay kaming napalingon sa likuran namin.

"Ano ba Iya malamang may sweet dito kaya nilalanggam"

Loko loko talaga itong dalawa.

"Baka ano, gusto niyo munang mag meryenda?"tanong ni Ianne.

"No thanks. kakain kami sa labas"napatingin ako kay Miguel dahil sa sinabi niya.

"Wow ang sweet naman nakakainggit"sabi ni Margarette.

"Wag ka nga mas inggit ako e"sabi naman ni Ianne.

"Tara na" yaya sa akin ni Miguel.

"S-saan?"tanong ko.

"Sa puso daw niya Aria yiiiieee"biro ni Ianne.

"Kakain nga tayo sa labas"sagot ni Miguel at hinawakan ang kamay ko bago mag simulang maglakad.

"Ingat kayo! pasalubong naman kahit jowa nalang! "pahabol ni Marga.

Dear Miguel, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon