[1] HIS EYES THAT WON'T LOOK AT ME 2

38 2 0
                                    

LEIZEL
NAKA-balot parin ako ng kumot. It's 8am. Katabi ko ang pamangkin kong tulog parin. Hindi muna ko tumayo.

Narinig kaya ni Jasper yung pantitrip nila Apple sakin? Siya kaya? Anong sagot pag tinanong siya if he would date a girl like me?

Umiling iling ako. What's with my thought this morning? Umagang umaga e. Ts.

Lumabas muna ako tsaka umupo sa bench dito sa terrace ng bahay namin. Ngayon palang ako nakapagsight seeing dito—kahit hindi ko malinaw na nakikita dahil hindi ako nakacontact lense—maganda pala. Ang sarap ng hangin na tumatama sa balat ko.

From here, may isang two storey na bahay at isang bakanteng lote lang ang pagitan namin. Sa left side, may bakanteng lote din na may puno at mga hayop. Mas malaki ngalang ito kesa sa bakanteng lote sa harap namin. Sabi nila, dati daw itong peryahan, halata naman, at may malaking gate din ito na pinaglumaan ng panahon. at sa right side naman ng building namin, may pre-elem private school. They plan on expanding it next year.

I yawn as a hug myself sa lamig. Tumayo ako tsaka dumungaw pababa. Wala sila mama, nagtrabaho, kami lang ng pamangkin ko ang nandito ngayon. Narinig kong umiyak siya. Pagpasok ko ay nagpapabuhat siya sakin.

Lumabas kami ng apartment kahit hindi pako nakakapagsuklay. Wala naman sigurong makakakita sakin sa mga kaklase ko diba?
Bumili kami food habang buhat buhat ko siya. Hirap talaga maging babysitter e.

Pag uwi namin sa table sa living room kami kumain, hinawi ko yung mga curtains at inopen ang windows para pumasok ang hangin.

I have this habit na magcellphone habang kumakain, at minsan napapagalitan ako dahil dito.

Nakita kong may shinare si Jasper na nakakatawang post. Natawa rin naman ko kaya nag react ako.

Kaso nanlaki mata ko at nataranta kasi REACT LOVE  pala yung napindot ko. My gash! Papalitan ko sana agad bako niyapa makita. Nakaonline pa naman siya. Kaso biglang bumagal ang net. Oo nakafree facebook ako! Nakalimutan kasi magbayad nila ate kaya naputulan hahaha. Aasikasuhin nalang daw nila next Monday.

So yung ginawa ko tinanggal ko nalang yung react love at hindi nako nagreact pa! Gosh! Kahiya ginawa ko!

Me, Myself, and I. Ako, Leizel. Sarili ko ang pinaka-kalmadong tao na kilala ko. Pero nagmumukha akong tanga tanga lagi sa harapan ni Jasper. I don't like him yet, don't get me wrong.

Yet? No! Bakit may yet.

I mean hindi ko siya gusto.

"Guys, hindi daw makakarating si ma'am. Pero may iniwan siyang seatwork. Open your books on page 56. Answer only." Sabi ni Jasper sa harapan. Nagsisireklamuhan sila kasi daw may pinapagawa pa si ma'am. Looking at Jasper there infront, he looks so responsible. I should not say it, but responsibleness attracts me so much.

Umupo na siya katabi si Klein. Sa second row sila sa harapan. Habang kami ni Chesca, dito sa likod. Ayoko nga dito sa likod dahil minsan kahit nakacontact lense nako, diparin kita.

If you'll going to ask me if what Jasper looks like... Maputi siya at cute kapag nakangiti, payat at sakto lang ang tangkad. He's an average class president. If you know Kang Daniel of Wannaone, medyo may hawig siya at pareho sila ng dating. Hindi sila totally magkamukha pero they have the same vibe, specially pag soft mode si Daniel. He's not a serious type, pero ewan ko kung ba't hindi kami makapag get along. Halos close ko naman lahat dito sa room kahit may pagkacold ako minsan. Siya lang talaga yung hindi, and he never looks directly into my eyes.

SHORT novels NOVELISTWhere stories live. Discover now