Kabanata 1
MalasTagiktik na ng pawis ang buong katawan ko ngunit ni hindi ko manlang makuhang tumigil sa kung ano mang pinagkakaabalahan ko. Kailangan ko itong pag-igihan kahit pagod na pagod at masakit na ang buong katawan ko.
"Kaunting tiis na lang Selene, matatapos at makakapagpahinga ka na rin." pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Patuloy lang ako sa pagma-map ng sahig. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang kainan malapit sa tinutuluyan ko.
Isa akong tagalinis dito at kahit masyadong nakakapagod ang trabahong ito ay kinuha ko pa rin para matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ko.
Patuloy lang ako sa ginagawa ko kaya hindi ko napansin na may tao na pala sa likod ko dahilan ng pagkakabanga ko rito.
"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" bulyaw ng taong nabangga ko.
Dinadaanan? Baka inaatrasan?
Naku naman Selene nakuha mo pang mang pilosopo diyan.
"Sorry po ma'am, hindi ko po napansin na nasa likuran ko na kayo."
Hingi ko ng paumanhin rito. Napansin ko na basa ang damit ng babaeng nasa harapan ko at may hawak hawak pa itong baso na may laman ng kaunting juice. Natapon ata ng mabangga ko siya kanina.
"Sorry? Sa tingin mo matutuyo pa itong damit ko ng sorry mo?!" inis na bulyaw niya sa akin.
"Where's your manager?! I want you to be out of this restaurant!"
"Huwag po, babayaran ko na lang po kayo wag niyo lang po ako ipasisisante sa trabaho ko"
Pagmamaka-awa ko sa kaniya. Napansin ko naman na nakaka agaw na kami ng atensyon sa ibang tao at costumer dito sa restaurant.
"Anong nangyayari dito?" napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ng manager namin.
Nakita kong bumuntong hininga at marahang umiling-iling siya ng mapansin ako.
"I am the manager of this restaurant ma'am, what can I do for you?"
Si Ma'am Trisha, ang manager dito sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Mga nasa mid 30's na siya, pero wala pang asawa. Napakabait ni Ma'am Trisha sa akin, na kahit marami ng palpak ang nagagawa ko binibigyan niya pa rin ako ng isa pang pagkakataon. Alam kasi ni Ma'am na ako lang ang mag-isa sa buhay na wala akong ibang katulong para makaraos sa pang araw-araw kung pamumuhay.
"Oh you're the manager, I want this girl to be out of this restaurant, I want her to be fired" napatungo naman ako ng sabihin iyon ng babaeng nabangga ko.
Napatingin ako kay Ma'am Trisha ng mapansin kong napunta ang atensyon niya sa gawi ko. Mas lalo akong napatungo ng makita ko kung gaano ka disappoint ang naging reaksyon niya.
"Ma'am baka pwede po nating pag-usapan 'to, pwede naman po atang hindi na makaabot ito sa pagsisisante ko sa kaniya"
"What?! Gusto mo bang makaabot pa ito sa may-ari ng restaurant na ito at para pati ikaw mawalan na rin ng trabaho"
Bigla naman akong napatunghay ng marinig ko iyon. Hindi ata makakaya ng konsensiya ko kung pati si Ma'am Trisha ay mawawalan ng trabaho.
Hinawakan ko ang braso ni Ma'am para sana magsabi na ok lang pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.