018

1.2K 30 3
                                    

Liam:
Z, bakit kanina ka pa ata tulala? Napagalitan ka tuloy.

Zoey:
😢

James:
Yeah, seriously what's wrong with you? Kanina ka pa nagkakamot ng ulo at napapabuntong hininga.

Zoey:
Ang sama kong tao.

Liam:
Kung masama ka e di sana hindi ka namin kaibigan. Come on, spill it. May nangyaring di maganda sa inyo ni Ethan kahapon noh???

Zoey:
Well, ganito kasi yun.. Di ba kahapon sinundo niya ako? Lumabas kami at nakipagkita roon sa ex niya. The one na pinagseselos niya. But it turns out na siya ang nagselos kahapon. May kasama kasi yung ex niya tapos ipinakilala na boyfriend yun. Gods, he didn't even last for fifteen minutes on his seat. Noong hindi niya ma take ang sweetness nung ex niya at bago nito, bigla na lang umalis. Leaving me there alone.

Liam:
Buti nakauwi ka???

Zoey:
Naglakad ako nang napakahaba hanggang sakayan! Pag uwi, chinat ko si Ethan dahil galit na galit talaga ako and then nasabi ko na ayun.. na hindi na ako nagtataka na iniwan siya ng ex niya dahil sa ugali niya..

James:
Man, that's foul
😒

Zoey:
Yeah, I admit. Pero sa tingin ko deserve niya lang yun. Isn't it???? I mean hello, iniwan niya ako roon!!!

Liam:
Kung feeling mo pala deserve niya yun bakit parang nakokonsensya ang tono mo kanina and yung hitsura mo?

Seen by everyone 1:08pm

Liam:
Hindi sa sinasabi ko na tama lang si Ethan na iwan ka roon pero out of bounds ka sa chinat mo sa kanya. I mean, kahit na galit ka sa isang tao, mayroon pa rin mga bagay na dapat hindi mo sinasabi especially na alam mo na ang bagay na yun pwedeng makasakit ng husto.

Point of Attraction (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon