"Oh paano ba yan bro, talo ka nanaman eh di ikaw manttreat mamaya. Balita ko may mga kasamang chicks yung tatlo" mapang asar na sabi ni Scott kay Aero.
"Tyamba ka lang dude. Nabitin kasi kagabi e" he answered then smirk. "Kung may mga chicks silang kasama eh di ayos. Mas gaganahan ako" pareho silang natawa at nag appear.
"Wala pa ba balak umuwi mga yun? Masyado naman ata silang study hard." naiinip na tanong ni Scott.
"Palabas na daw sila. Hinihintay na lang yung mga babae. Kahit kelan talaga. Ambabagal kumilos ng mga babae." pagkasabi niya nun ay sumakay na siya sa motor niya.
Nakita nila na papalabas na yung tatlo at may kasamang dalawang babae na pamilyar sakanya. Hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita o nakilala. Habang papalapit ang mga ito sakanila, nakita niya na kumaway sa kanya yung isang babae at ngumiti ng pagkatamis tamis.
Kilala ko ba to? tanong ni Aero sa sarili.
Agad na lumapit ito sakanya tska siya niyakap. "Hello Aero..natatandaan mo pa ba ko?" sobrang tamis ng pagkakangiti nito sakanya. Kunwari na lang ay naaalala niya 'to.
"Haha. Oo naman. Kamusta ka na? Long time no see" kunwari ay kilala niya ito kahit ang totoo ay inaalala pa niya kung san niya to nakilala.
"Bro, ikaw na ba mag angkas kay Maxi? O dito na siya samin?" tanong ni Bry sakanya.
Hmm..Maxi..sounds familiar.. aish..matanong na nga lang kay Scott mamaya..
"Sige bro. Ako na bahala. Kita na lang tayo dun" sabi niya sabay tingin kay Maxi at nginitian ito. "Let's go?" inabot na niya yung helmet at sumakay na sa motor niya.
"Ehh.. Paano yung bestfriend ko?" kahit na kinikilig ay mas inisip pa din niya si Audi na napilitan lang sumama.
"Don't worry kami na bahala sakanya. Di siya makakatakas." talaga nga naman. Sabay pa magsalita yung kambal. Nagthumbs up na lang ako sakanila at sumakay na sa motor ni Aero. Grabe napakagwapo niya talaga.
"Humawak ka ng mabuti" yun yung last na narinig ko at pinaharurot na yung motor niya. Grabe lang feeling ko nakikipagkarerahan kami kay kamatayan. Sobrang higpit ng yakap ko sakanya ayoko mahulog. Bahala na kung ano iisipin niya..
--------
Audi's POV
Iniwan niya ko kasama 'tong mga higad na 'to. Paano pa ko makakatakas. Kung minamalas ka nga naman. Kanina may bumangga sakin na kala mo siya pa yung babae, napakaarte. Akala mo kung sino. Arggh. Pag naiisip ko yun kumukulo dugo ko..
**flashback**
After ng class ayun patuloy pa din sila sa pagdadaldalan. Break time namin ngaun. 1 hour break kaya 1 hour din ako magttyaga na kasama yung mga higad. Nagpapaalam ako kay Maxi na mag ccr lang muna ako. Pero ang totoo pupunta na muna ko sa garden pagkatapos. Ayoko makasama yung mga higad. Tss. Habang naglalakad ako palabas hinahanap ko sa bag ko yung phone ko. Baka kasi online na si Kyd e. Tsk san ko ba naman kasi nasiksik yun. Abala ako sa paghahanap ng mga biglang malaking bulto na bumangga sakin. Shit naman talaga. Tinignan ko yung nakabangga sakin at pagkatingin ko ansama ng tingin niya sakin. Bigla na lang tumaas kilay ko dahil sa ginawa at sinabi niya. Tama ba naman na sabihan ako ng tanga. Tapos bakit di daw ako tumitingin sa dinaraanan ko. Pag nadumihan daw yung uniform niya, pulubi na ko di ko pa nababayaran. Argh.Bwisit siya. Inoffer niya yung kamay niya. Nawala bigla yung inis ko kasi mabait naman pala. Yun pala AKALA ko lang yun. Akala ko tutulungan niya ko tumayo. Nung inabot ko na kamay niya a tatayo na sana bigla niya yun binitiwan at tumawa ng malakas sabay lakad paalis. Oh di ba. Ang kapal ng mukha niya. Padabog akong tumayo at pinulot ko na mga gamit ko. Bwisit na mga higad yun. Sakanila nagsimula kamalasan ko, Arggh. Pagkadating ko sa garden may 2 lalaki na andun at isang babae. Kumulo lalo dugo ko alam niyo kung ano ginagawa nung isang guy at nung babae? Ayun nagtutukaan nakakadiri sila di man lang kumuha ng kwarto. Pagkatingin ko dun sa isang guy. Nakapikit siya ang gwapo niya payapa siya matulog. Nung nilapitan ko siya bigla uminit ulo ko dahil yun yung lalaki kanina. Napangiti ako sa naisip kong paghihiganti. Wahahahaha. Tumingin muna ko sa paligid mukha naman walang ibang tao yung dalawa busy naman sa paglalandian. Ke haharot na mga bata. Psh. Pumwesto na ko tska bumwelo sabay sipa sakanya. Agad naman siyang nagising at halata na sobra siyang nasaktan. Tumakbo agad ako pabalik sa canteen baka makarecover pa e. Di ko naman sinasadya na doon siya sipain dapat sa hita lang e. Di ko talaga alam na doon ko siya masisipa. Wala akong choice kundi bumalik sa canteen kasama nung mga higad.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with a Fictional Character ( ON HOLD )
Teen FictionPosible ba na mainlove ka sa isang tao na ni minsan ay di mo pa nakita? Sa taong hindi naman talaga nag eexist, yung taong kung tawagin nila ay isang FICTIONAL CHARACTER.